Chapter 6 "Share Share <3"

1.4K 25 3
                                    

Marcus' POV

Nagising na lang ako sa bell... Medyo ginutom ako sa pagtulog. Pwede naman na siguro akong lumabas kaya nagpaalam na ako sa nurse na uuwi pero ang totoo babalik ako sa room kasi... Kasi...

Kukunin ko yung bag ko... Tama. Kukunin ko 'yung bag ko.

Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko sina Farrah at Bree. Dala dala na ni Farrah 'yung bag ko. Agad na ngumiti si Farrah nang makita niya ako.

"Oh Marcus, okay ka na ba?" bungad ni Farrah sabay na hinawakan 'yung braso ko. Napaatras ako kaya binaba niya na rin 'yung kamay niya.

"Oo. Kunin ko na 'yung bag ko. Salamat"

"No problem. Sabay na tayong pumunta sa field. Sigurado ka bang kaya mo na?" Tumango na lang ako. Habang naglalakad kami, parang iba 'yung kinikilos nitong si Farrah. Nakakapagtaka kasi hindi niya ako kinukulit o kinakausap ngayon. That's the reason why i don't get girls. Minsan sweet sila at caring katulad lang ng nangyari kanina. Tapos biglang magbabago mood nila at bigla-bigla na lang hindi mamamansin o makikipag-usap katulad lang ngayon.

Farrah's POV

Hindi ko alam kung paano ko ibibigay 'tong lunchbox na binaon ni ate sa akin, i mean sa amin. Sabihin ko na lang kayang napag-utusan lang ako ni ate? Napailing ako. Parang impolite naman 'yun masyado. Bahala na mamaya. Ang inaalala ko lang naman kasi, baka hindi niya tanggapin. Masyadong masakit sa part ko 'yun.

Sample Scene NUMBER ONE: "Hindi ako kumakain niyan."

Le me: Nathan, lunchbox oh. Para sa 'yo.

Tinanggap niya ng may ngiti at binuksan iyon. Nagbago bigla ang expression niya.

Nathan: Hindi ako kumakain nito eh. Allergic ako dito.

Le me, hahablutin ang lunchbox at tatakbo palayo na parang nasa teleserye habang lumuluha. Susubukang habulin ni Nathan ngunit huli na ang lahat.

Napailing ako bigla. Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Wooo. Kalma.

Sample Scene NUMBER TWO: "Binigay ko, binigay niya."

Le me: Nathan, lunchbox oh. Para sa 'yo.

Kinuha ang lunchbox at inilapag sa gilid. Dumating si teammate na pawisan at agad siyang lumapit dito para punasan ang pawis.

Nathan: Ikaw talaga nagpapakapagod ka sa practice. Mamaya na 'yan. Kain muna tayo.

Kinuha niya ang lunchbox na binigay ko at ibinigay iyon sa kirida slash teammate niya.

Teammate: Salamat Nathie.

Le me, lumapit sa kanilang dalawa at hinablot ang lunchbox sa kamay ni teammate. Aalis na sana pero sinabunutan muna si Nathan. Le me again, tumakbo paalis sa sinumpang field at umuwing luhaan.

Napahampas ako sa ulo. Hindi. Hindi bakla si Nathan. Imposible 'to.

Sample Scene NUMBER THREE: "Meron na ako, hindi ko kailangan niyan."

Le me: Nathan, lunchbox oh. Para sa 'yo.

Hindi niya kinuha ang lunchbox. Le me, napatingin sa tabi niya at nakitang may babae siyang kasama. May hawak itong kutsara na isusubo sa kanya.

Le me: Nathan, pansinin mo naman ako. Ito oh, lunchbox para sa 'yo.

Nathan: Meron na ako, hindi ko na kailangan niyan. Hindi mo ba nakikita?

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now