Chapter 35 "What's inside the box?" Part 2

821 16 0
                                    

A/N: Advance Happy Birthday!!! you know who you are. This is my birthday gift to you. Saranghaeyo Chingu! <3

=====

Farrah's POV

Maalikabok yung kahon. Mukhang matagal-tagal na panahong namali sa ilalim ng kama ko. Hinipan ko yung dust. Wrong move. Dapat pala pinunasan ko na lang. Dumumi pa tuloy yung sahig ng kwarto ko. Hayaan na nga.

Pagkatanggal ko ng takip, may nakita akong teddy bear, mga letter, at mga picture. Kinuha ko yung pictures. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Si Nathan yung isa sa nasa picture.

Pero bakit... kasama ko siya sa pictures?

Childhood pictures... pero alam kong si Nathan 'to. Yung picture sa bahay nila, yung bata sa panaginip ko, yung kasama ko sa mga picture na 'to... Iisa lang lahat.

Naguguluhan ako... Bakit ganito? Bakit wala akong maalala na nakasama ko siya nung bata pa lang ako?

Kumuha ako ng isang letter at binasa ko ang laman nu'n...

Dear Erre,

Hi. Hindi ko alam kung anong sasabihin dito. Nakakatawa, hindi ba? Halos magkapit-bahay lang tayo pero nagpapadala pa ako ng sulat sa 'yo. Mas maganda raw kasi 'to sabi ni mommy, sweet daw.

Salamat kasi naging parte ka ng buhay ko. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang makilala kita.

Basta sana forever na tayong magkasama. Walang iwanan.

Love,

Lence

Bakit may mga letter dito na para kay Erre? Naiinis lang ako. Pero bakit parang may tumutulak sa akin na basahin pa yung iba? Kumuha pa ako ng isang letter. Habang binabasa iyon, may bigla na lang pumatak na luha sa mata ko.

Dear Erre,

Hi, Erre. Kaya mo na bang bigkasin yung letter 'R'? Huwag kang mag-alala, makakapaghintay naman ako na mapronounce mo na nang tama yung Nathan Terrence Kho. Hindi na 'Telence' o kaya 'Lence'.

Kapag tama na yung pronunciation mo, hindi na Erre ang itatawag ko sa iyo, Farrah na. Nakikigaya lang naman ako sa iyo eh. Bulol ka sa 'R' kaya magkukunwaring bulol naman ako sa 'L' kaya Erre ang tawag ko sa iyo imbis na Elle.

PS. I miss you.

Love,

Lence

Bakit wala talagang pumapasok sa utak ko na nangyari na 'to? Masyado na akong naguguluhan. Bakit nangyayari ba 'to sa akin? Yung mga letter, iisa lang yung papel na ginamit niya. May bigla akong naalala.

Tumakbo agad ako sa drawer para kunin yung mga sulat doon na natatanggap ko tuwing birthday ko. Walang nakalagay na pangalan sa mga letter na iyon kaya akala ko kung sino na lang yung nagbibigay pero tinatago ko pa rin. Binuksan ko yung isa.

Happy Birthday Farrah. Akala ko walang kalimutan pero parang hindi mo na ata ako natatandaan. Okay lang yun, basta lagi lang akong nasa tabi mo. Happy 16th birthday.

Siya rin pala ang nagpapadala nito. Sa sobrang inis ko sa sarili ko, nasuntok ko yung teddy bear na nasa lapag. Nagulat na lang ako  nang bigla na lang may boses na lumabas mula sa teddy bear.

"Farrah Elle Naveen... Happy 9th Birthday! mas matanda ako sa 'yo ng isang taon. " tumawa siya, "Bakit Lence pa rin tawag mo sa akin eh kaya mo naman na bumigkas ng 'R'?"

Bigla siyang tumigil sa pagsasalita. Nakarinig ako ng buntong-hininga.

"Paano ko ba 'to sasabihin..." napabuntong-hininga ulit siya, "Ang hirap naman. Ang torpe ko talaga. Farrah--- i think i like you. Hindi ko alam, naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Kapag kasama kita parang may kung anong nararamdaman ako sa loob. Kapag nakikita ko yung ngiti mo parang tumatalon yung puso ko. Siguro more than like na 'to. Siguro mahal na kita. Nahihiya ako sa mga sinasabi ko, ano ba 'to? Ang bata pa natin para sa ganito, 'di ba? Basta kapag lumaki na tayo liligawan kita...  hintayin mo ako, ha? Huwag ka munang magpapaligaw sa iba, ha? Promise 'yan. FARRAH ELLE NAVEEN! I LOVE YOU!"

Nagpatuloy na sa pagpatak ang luha ko. Kailangan kong malaman ang lahat. Gusto kong masagot lahat ng tanong na gumugulo sa utak ko. Tumakbo ako palabas ng bahay... wala akong pakialam kung madilim na, gusto kong maliwanagan na sa lahat. Hindi na ako makakapaghintay pa ng bukas.

Iyak pa rin ako ng iyak. Nasa tapat na ako ng bahay nila Nathan. Sumigaw ako.

"NATHAN! Lumabas ka diyan! Kailangan kitang maka-usap!"

Pagkasabi ko nu'n napaupo ako sa sahig habang patuloy pa ring umiiyak.

"Farrah... anong ginagaw---"

Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya.

"Lence..."

Bigla na lang lumabas sa bibig ko. Umalis ako sa pagkakayakap at hinarap siya.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi na ako at si Erre ay iisa? Bakit kailangan mo pang magkunwari na hindi mo ako kilala dati pa? Bakit? BAKIT NATHAN?!"

Umiiyak ako habang sinasabi ko iyon. Hindi siya sumasagot. Pinakita ko sa kanya yung teddy bear. Pinindot ko iyon para marinig niya lahat ng sinabi niya dati. Nang matapos iyon, nagsalita na ako.

"Nathan Terrence Kho... I love you too."

Then i kissed him.

Biglang kumislap ang necklace na ibinigay sa akin ni Nathan. Kumirot na lang yung dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Kasabay nu'n, biglang may mga scene na nagflash sa utak ko.

Ang task ni Nathan para maging tao ulit siya.

Ang sinabi sa akin ni lola.

Ang mga panaginip ko.

Ang mga sinabi ni Nathan tungkol sa fairies.

Napagdugtong ko na rin ang lahat. Tumakbo ako. Alam ko na kung saan ako pupunta. Narinig ko na tinatawag ni Nathan ang pangalan ko. Ngayon, wala nang makapipigil pa sa gagawin ko.

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon