Chapter 12.5 "Finding Mr. Right guy"

1K 21 0
                                    

Farrah's POV

Gusto kong magtago pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Parang nabato na ako sa kinatatayuan ko ngayon...

"Nathan..." bigla ko na lang nasabi. Dahil doon, napatingin siya sa kinaroroonan ko. Mukhang nagulat siya pero ngumiti rin siya kalaunan. Sa paghakbang niya papalapit sa akin, naglaho na lang bigla ang pakpak niya at lumamlam ang kaniyang sinag.

"Farrah pwede ba tayong mag-usap?"

Hindi na ako nakapagsalita pero 'yung mga paa ko sumunod na lang sa kaniya. Wala na akong kontrol sa sarili ko ngayon. Bakit ganito? Umupo kami sa isang bench doon. Kaming dalawa lang. Nakakabingi ang sobrang katahimikan. Ayoko ng ganito.

"Farrah alam mo na siguro ngayon kung ano talaga ako, diba?" Hindi ako makapagsalita. Nanatili pa rin akong gulat sa mga nakita ng mata ko. Napailing ako. Baka nasa loob na naman ako ng panaginip ko. Hindi pwedeng totoo 'to.

"Nananaginip lang ako, diba Nathan? Sabihin mong hindi totoo 'to... 'yung pakpak mo, 'yung ilaw na bumalot sa 'yo kanina... h-hindi 'yun totoo, diba?"

Seryoso lang siyang nakatingin sa isang gilid. Baka nakainom ako ng kung ano sa bar at high ako ngayon. Naramdaman kong gumalaw si Nathan at napatingin sa direksyon ko.

"Totoo lahat ng nakita mo, Farrah."

Wala akong naririnig. Bingi ako. Bingi. Sana panaginip lang lahat ng 'to. Ginisingin niyo na ako sa bangungot na 'to. Ayoko ng ganitong pakiramdam...maawa kayo sa akin. Napaurong ako sa bench na inuupuan namin para lumayo sa kanya.

"F-Farrah, natatakot ka ba sa akin?" Nakatingin ako sa sahig. Ni hindi ko magawang tignan siya ng diretso. Bakit ako nagkakaganito? Napataas ako ng balikat nang hawakan niya ako sa braso. "Please, 'wag kang matakot. Nandito ako para tulungan ka."

Lahat ng lakas ko ginamit ko para makausap siya. "A-anong sinasabi mo?"

"Katulad ng mga fairy sa napapanood mong fairytales, nandito ako para tulungan ka--- to find the right guy for you."

Nathan's POV

 

"Pre kamay mo." sabi ko kay Dennis nang makita kong hindi niya pa binibitawan si Farrah.

"Sorry naman captain. Gf mo?"

"Hindi, pero gusto kong bitiwan mo kamay niya." binitiwan niya naman agad iyon at lumayo na sa amin. Hindi ko rin alam kung bakit nagawa ko 'yun kay Dennis. Basta ang alam ko, he's not the right guy for Farrah kaya inilalayo ko na siya rito para walang mas malalim na connection ang mamagitan sa kanila.

Lumabas ako ng bistro dahil alam kong susundan ako ni Farrah dahil sa ginawa ko. Siguro ito na ang panahon para malaman niya ang totoo. Sa sasabihin ko, alam kong maraming magbabago.

Nalaman niya ang totoo tungkol sa katauhan ko at alam kong nasaktan siya sa lahat ng nalaman niya, naramdaman ko iyon.

'Wag kang mag-alala Farrah. Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Pati ako.

"Paa-no ka nag-ing... Fai-ry?"

"May mga bagay na kailangan muna nating itago para maiwasan nating masaktan ang iba. Time will come na ikaw mismo ang makakasagot sa katanungan mo." Masyado pang maaga para malaman niya ang totoo. Siguro mananatili munang misteryo ang lahat ng iyon.

"Nathan--- ano 'yung sinasabi mo na you'll help me find the right guy for me?"

"i will help you find Mr.Right. 'Wag kang mag-alala. Hindi ako katulad ng iba na may nakahandang ways or rules. Ikaw mismo ang makakakita sa kaniya. I'll just guide you." Pangako sa akin ng Dryad (Tree spirit) na ibabalik niya ako sa pagiging tunay na tao kapag nahanap na ni Farrah ang lalaking mamahalin niya.

Sana makaya kong gawin 'to.

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora