Chapter 27 "Heartbreak"

913 14 2
                                    

Farrah's POV

"Hindi yun pwede Nathan. Maiinlove ako at maiinlove. Hindi mo yun mapipigilan... Basta gagawin ko ang lahat para maging tao ka na. Para maging masaya ka"

(NP: Memory by Yiruma - please play the video para mafeel niyo yung scene. Nasa gilid lang po ng inyong screen ------>)

"Hindi ako magiging masaya kahit na maging tao ulit ako lalo na't alam kong nasa ibang lalaki na yung taong nagpapasaya sa akin."

Kinakabahan na ako. Bakit ba ganito? Ayoko maniwala pero kahit saan anggulo ko tignan, iisa lang yung pagkakainitidi ko sa sinabi niya.

"Ginugulo mo lang ang isip ko saka ano bang sinasabi mo?"

"Nasasaktan ako kapag nakikita kong may kasama kang iba. Iniisip ko sana ako na lang yun. Sana hindi na lang ako naging fairy. Sana wala na lang yung task. Sana... Sana... Gusto mo rin ako pero hindi ata yun mangyayari... Imposible."

"Anong sinasabi mo?"

Nabibingi ata ako.

"Hindi mo ba nararamdaman na gusto kita? Mali, mahal kita... matagal na."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa kanya. Sa tingin mo ba ikaw lang nakakaramdam niyan?

May tumulo na luha sa kaliwang mata ko. 'Di ba dapat masaya ako? Pero alam kong malungkot ako ngayon. Patuloy lang sa pagpatak ang luha ko. Napansin niya kaya humiwalay siya sa pagkakayakap.

"Sorry Nathan"

Pinunasan niya yung luha ko. Alam ko na kung bakit ako naiiyak. Dahil yun sa task niya.

"Bakit ka umiiyak? Saka bakit ka nagsosorry?"

"Sorry Nathan. Alam kong hindi ako ang babaeng para sa iyo. Kalimutan mo na kung ano man ang nararamdaman mo. Makakahanap ka ng babae na higit pa sa akin. Sorry Nathan, hindi ko matatanggap yung nararamdaman mo para sa akin."

Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Kailangan kong maaccomplish ang task para maging tao ulit siya. Ito siguro yung sinasabi ni lola na piliin kong mabuti kung sino ang mamahalin ko. Sa oras na magkamali ako sa kung ano man ang naging desisyon ko, mahihirapan na akong ibalik pa yun sa dati. 

Pareho kaming masasaktan pero masisiyahan naman siguro si Nathan kung magiging tao ulit siya... Makakalimutan niya rin kung ano ang nararamdaman niya para sa akin. Basta alam ko ngayon, gusto kong maging tao siya.

"Layuan mo na lang ako, please." tinalikuran ko siya at naglakad palayo pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya nang madiin ang kamay ko.

"Nararamdaman kong mahal mo rin ako. Bakit... gusto mong layuan kita?"

"Nagkakamali ka lang ng intindi sa nararamdaman ko, Nathan... Masyado lang siguro akong nadala sa sinabi mo kaya nagiging ganito ako. Sorry Nathan pero hindi kita mahal."

Ilang saglit lang, nakita ko na umiiyak na siya.

"Farrah, huwag kang magsinungaling. Alam ko na totoo lahat ng nararamdaman mo sa paghawak ko ng kamay mo. 'Wag mo naman akong pahirapan ng ganito. Please."

"Makakahanap ka ng iba Nathan. Makakalimutan mo rin ako."

"Hindi... Hindi na ako makakahanap ng iba. Alam kong ikaw na yun. Please Farrah... Wag mo na akong lokohin. Sabihin mong nagsisinungaling ka lang."

Kung kami man ang magkatuluyan, malulungkot din siya sa huli. Fairy siya, tao ako. Mamatay ako at iiwan ko rin siya. Ayokong maging selfish, gagawin ko lahat ng makakaya ko para maging tao na ulit siya... Kahit kapalit nu'n ang sarili kong kaligayahan. 

"Hindi kita niloloko. Hindi talaga kita mahal. May gusto akong iba."

"Sino?"

"SI Marcus. Ngayong alam mo na, please, layuan mo na ako."

Tinanggal ko na yung kamay niyang nakahawak sa akin.

Naglakad na ako palayo habang umiiyak. Masakit... Sobra... Pagliko ko sa kanto, nahagip ng mata ko si Nathan... Umiiyak siya. Napabuntong-hininga ako. Gusto ko siyang balikan at sabihin na nagsisinungaling lang ako pero sinasabi ng utak ko na tama lang ang naging desisyon ko.

"Sorry Nathan." bulong ko at nagpatuloy na sa paglakad.

Pagkarating ko sa bahay, nakita ni ate na namumula ang mga mata ko.

"Oh! Napano yang mata mo?"

"Ah--- eto ba... Nakaapak kasi ako ng langgam tapos namatay. Naiyak tuloy ako... Naisip ko kasi na may mahal siya sa buhay na naiwan niya dahil sa akin kaya naiyak ako." habang sinasabi ko yun tumutulo yung luha ko. Mukha tuloy akong autistic.

"'Wag ka na umiyak Farrah. Makakalimutan din siya nung mga mahal niya sa buhay. Parang love lang yan... Kailangan lang mag move-on para makalimot. Kain na lang tayo Farrah para makalimot ka na."

"Ayoko... Nawalan na ako ng gana."

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now