Chapter 32 "Text"

876 14 0
                                    

Farrah's POV

"Good morning world!"

Bati ko pagkagising habang nag-uunat. Pagtayo ko, nakita ko yung sarili ko sa salamin. Mukha akong bruha. Teka... Napahawak ako sa salamin. Bakit may salamin na dito? Bakit nakapang-alis pa rin ako? Teka? NASAAN AKO?

"WAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!" napasigaw ako sa pagkabigla. Hala... nasaan ba kasi ako?

Biglang bumukas yung pinto.

"Bakit Farrah? Anong nangyari? May masakit ba sa iyo?" sunud-sunod na tanong ni Marcus.

"Marcus! Nasaan ako? Bakit wala ako sa bahay?"

"Calm down. Nasa extra room ka ng arcade hall. Nakatulog kasi tayong dalawa sa rooftop. Nagising ako ng 3am na, naisip ko na tulog na nu'n yung mga tao sa bahay niyo kaya dinala na lang kita dito. Huwag kang magpanic, sa kabilang kwarto ako natulog."

Kailangan ko nang umuwi. Baka hinahanap na ako nila ate.

"I need to go. Pasensiya na sa abala."

 Pagdaan ko sa side niya hinawakan niya yung braso ko kaya natigilan ako.

"Bakit Marcus?"

Nakatingin lang siya pero hindi nagsasalita. Anong problema nito?

"Yung kagabi... ano... " binitiwan niya na yung braso ko. "Sige na. Umalis ka na."

"Sa tuesday na lang tayo mag-usap. 10am na... baka mawalan na ako ng matitirhan nito. Sige ah. Bye." Tumakbo na ako palabas, "SALAMAT ULIT MARCUS!" pahabol ko pagkalabas ng kwarto.

=====

Marcus' POV

"HUY MARCUS! TULALA KA NANAMAN DIYAN AH! MAMAYA MALAGYAN MO NG SALT YUNG DOUGH! LAGOT KA TALAGA SA AKIN!" sigaw sa akin ni Bree. Nasa bahay na nila ako. Pagkaalis ni Farrah, dito na ako dumiretso. Wala naman akong gagawin dun eh. Mabuti na'ng may mapaglipasan ng oras para makalimot. Love lang yan...

Love lang yan...

Banas! Dahil sa love na yan, nadurog ang puso ko. Ang sakit.

"UY! Marcus! Focus please. May pinagdaraanan ka ba?"

Biglang naging serious yung mukha ni Bree. 

"Ha--- ah, wala. Bake na ulit tayo"

Habang iniintay namin na maluto yung cookies, nagstay muna kami sa living room. Wala pala si Seiae dito. Sinama ng mommy nila sa mall.

"Marcus diyan ka lang. May pupuntahan lang ako."

Ano'ng gagawin ko naman dito?

"Manood ka muna ng mga palabas sa TV."

"Wala namang magandang palabas eh. Pahiram na lang ng cellphone."

Huminto siya saglit saka nag-isip,

"Sige na nga... nakakahiya naman sa'yo na maghintay eh. Huwag mong kalikutin 'yan at baka masira. Naku Marcus! Ipagkakatiwala ko sa iyo 'yan nang maayos. Kailangan pagbalik ko ganyang ganyan pa rin 'yan, ah!"

"Oo na. Umalis ka na." inabot niya sa akin yung cellphone niya.

May plano talaga ako sa cp na 'to eh.

Ito ang magiging susi para magising na ako sa katotohanan.

Farrah's POV

Buti naman hindi ako pinagalitan... kasama ko naman daw si Marcus kaya there's nothing to worry about daw. Nagpalit na ako ng damit. Humiga muna ako sa kama para makapagpahinga. Walang assignment at walang pasok bukas kaya hayahay ang buhay...

Kaso...

Naaalala ko naman siya

♪Ang mahiwagang mensahe♪

Buti may nagtext. Baka masiraan lang ako kaiisip sa kanya. Tinignan ko kung sino yung nag send ng message.

From: Breegirl :)

Kamusta?

Kinakamusta niya ba yung nangyari kagabi pagkauwi nila? Nagreply na lang ako.

]= Okay lang girl.

Nagreply agad siya.

)+ Nag-enjoy ka ba kahapon?

]= Oo... bakit mo naman natanong?

)+ Wala lang. May iba ka atang iniisip nung kasama mo si Marcus.

Nakakatawa. Si Bree talaga.

]= Bree naman. Ikaw masyado mo akong ineechos. Haha.

)+ Farrah...

]= Bree? May problema ka ba?

)+ May pag-asa ba si Marcus sa iyo? Diba nililigawan ka niya?

]= HAHAHA. Bree ah! Bestfriend naman kita kaya alam kong mapagkakatiwalaan ka ng secrets. May ikekwento ako sa 'yo.

)+ Iniiba mo naman yung usapan Farrah. May pag-asa ba siya sa iyo?

]= Wait lang kasi girl. Haha. May ikekwento lang ako sa iyo.

)+ Ano ba yun?

Medyo may doubt ako na sabihin kasi medyo hindi ako sanay magshare. Hay! Bestfriend ko naman si Bree kaya mabuting sabihin ko na sa kanya para gumaan naman 'tong problema ko.

)+ Bree wag kang maingay ah. Diba alam mo naman na matagal na akong may gusto ako kay Nathan? Nagconfess kasi siya na may gusto raw sya sa akin. Nung pagkasabi niya nu'n ewan ko... basta nalaman niya na may gusto rin ako sa kanya.

Hinintay ko yung reply ni Bree... One hour na rin ang nakalipas pero wala pa rin. Oo nga pala. Uulitin nila yung cookies. Baka nagbebake na sila ngayon kaya hindi na siya nakareply. Hindi ko na nasagot yung tanong niya na kung may pag-asa ba si Marcus...

Pagnagreply siya at tinanong ulit yun alam ko na sasabihin ko.

Meron...

Marcus' POV

This is the sign to let go.

)+ Bree wag kang maingay ah. Diba alam mo naman na matagal na akong may gusto ako kay Nathan? Nagconfess kasi siya na may gusto raw sya sa akin. Nung pagkasabi niya nu'n ewan ko... basta nalaman niya na may gusto rin ako sa kanya.

Ang sakit. Sobrang sakit. Wala na sigurong sense pa kung tanungin ko siya kung may pag-asa pa ba ako... Ngayong alam ko nang talong talo na ako kay Nathan. Dinelete ko yung naging conversation namin ni Farrah.

Okay na siguro 'to. Kaysa umasa pa ako nang mas matagal. Kahit anong isipin ko na makakapagcheer ulit sa akin hindi ko na napigilan pang malungkot. Bigla na lang tumulo yung luha ko. Sobrang sakit talaga. Bakit ba ang malas ko?

Bakit ba hindi pwedeng sa akin na lang siya nagkagusto? Bakit hindi pwedeng pagsamahin ang Farrah at Marcus?

First time ko na nga lang mainlove tapos isang malaking failure pa. Dapat pala lumayo na lang ako sa kanya dati pa para hindi ako sobrang nahulog sa kanya.

Bigla na lang dumating si Bree.

"Oh Marcus. Umiiyak ka ba?"

"Napuwing lang ako" Tumayo na lang ako at iniabot ang cellphone niya. "Ikaw na bahala sa cookies, ha?" tinapik ko siya sa balikat. "Alis na ako. Salamat sa cellphone. Ngayon alam ko nang hindi ko na kailangang umasa pa."

Pinunasan ko yung luha ko saka ngiti sa kanya. Habang naglalakad paalis ng living room, naririnig ko yung pagtawag ni Bree sa pangalan ko pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.

Makakalimutan ko rin siya...

Sana... 

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin