Chapter 29 "Ideal guy ni Farrah"

942 12 1
                                    

Farrah's POV

Siguro ito na yung time para bigyan ko naman ng pagkakataon si Marcus na ipakita sa akin na sincere siya sa lahat ng sinabi niya. Nagreply ako.

]= Yes

}> Okay. Sunduin na lang kita sa inyo mamayang 6pm. Thank you Farrah.

Tinago ko na yung cellphone at binaling ulit ang atensiyon ko kina Bree at Seiae.

"Saan na tayo pupunta?" pagtatanong ni Bree.

Nagtinginan lang kami ni Seiae. Saan nga ba? Bandang huli, kumain na lang ulit kami.

"Alam mo ba Farrah pinauulit sa amin yung cookies na ginawa namin ni Marcus!?"

"Talaga? Buti na lang yung cake namin hindi."

Pagkasabi ko nu'n, nalungkot na lang ako bigla.

"Hindi kasi masarap yung cookies niyo. For sure masarap yung kina Farrah kaya hindi na binalik." pang-aasar ni Seiae kay Bree.

"Ang sama mo talaga kuya. Kasi partner ni Farrah yung crush niya. Masarap kaya magbake kapag ganun, may inspiration kasi. Wala ka kuya."

Nabilaukan ako sa sinabi ni Bree saka napatingin sa kanya. Ngumingiti-ngiti pa siya habang tumitingin sa kuya niya. Si  Seiae naman biglang nag-iba yung expression.

"Farrah totoo ba yung sinabi ni Bree? May crush ka sa partner mo?"

Hindi ako nakasagot, at wala naman talaga akong planong sumagot, kasi si Bree na ang nagsalita para sa akin.

"Hay naku kuya. May nanliligaw na rin nga sa kanya eh. Wala kuya... Simula palang talo ka na agad. Haha" pang-aasar pa ni Bree.

Napatingin ako kay Seiae, kakaiba yung expression ng mukha niya.

"May problema ba, Seiae?"

Bago pa makasalita si Seiae, naunahan siya ni Bree. "FARRAH HINDI BA HALATA NA MAY---"

Tinakpan ni Seiae yung bibig ng kapatid niya saka bumulong dito. Hindi ko na narinig sa sobrang ingay ng mga tao sa paligid namin.

Naglibot na ulit kami. Nauna nang maglakad si Bree sa amin. Pinantayan na lang ako ni Seiae. Nakaramdam ako ng pag-akbay sa balikat ko.

"Farrah pa akbay muna ah. Nangangawit kasi yung braso ko eh." Tumango na lang ako. Nagpatuloy na siya sa pagsasalita, "Ano'ng ideal guy mo?"

Ideal guy? Ano nga ba?

"Mabait, yung kahit na masungitan mo hindi pa rin nagagalit sa iyo. Matalino, hindi yung genius ah... pwede rin pero okay na sa akin yung may alam. Palangiti, yung kapag malungkot ka, makita mo lang ngiti niya bigla na lang mawawala yung lungkot mo."

"Mabait, matalino at palangiti. Ah... Paano yung pisikal?"

"Sa physical appearance naman, mas gusto ko yung cute kaysa gwapo o kaya gwapong cute. Hindi kasi nakakasawa itsura ng cute eh. Yun lang"

Napatingin ako kay Seiae. Nakangiti siya. Anong meron?

"Punta tayo sa Tom's World" pag-aaya ni Bree. Pagkalingon niya nagulat siya sa posisyon naming dalawa. Bigla na lang binaba ni Seiae yung kamay niya. Pumasok na lang kami sa mundo ni Tom.

"Farrah racing tayo! Ang matalo sasagutin yung tanong ng mananalo. Deal?" si Seiae.

"Deal"

Medyo magaling naman ako sa racing eh. Lagi ko ngang talo si kuya kapag naglalaban kami. Hindi ko lang sure kung mananalo ako kay Seiae. Mukhang specialty niya eh. Napasabak ata ako ah.

After 5 minutes.

"Farrah magtatanong na ako ah!"

Ano pa nga ba? T A L O ako eh. Okay lang. Tumango na lang ako.

"Cute ba ako?"

JOKE BA 'TO?

"WAHAHAHAHAHAHAHA! GRABE! IKAW LANG ULIT NAGPATAWA SA AKIN NG GANITO."

Natatawa talaga ako. Akala ko hindi na ulit ako makakatawa pagkatapos kong bumili ng pizza. Pinisil ko yung pisngi niya. Sobrang natutuwa talaga ako sa kanya.

"Salamat Seiae sa pagpapatawa sa akin. You really made my day."

Ngumiti siya pero bigla niya na lang hinawakan yung kamay kong pumisil sa pisngi niya.

"Pero seryoso, cute ba ako?"

Pinigilan ko yung tawa ko kasi seryoso talaga mukha niya. Ano ba naman 'to.

"Oo. Sobra. Dali! Laban na ulit tayo!" Ngumiti lang siya sa sinabi ko saka tinitigan ako nang mas maigi, "Laban tayo ulit para matalo na kita!" 

Lumipas ang limang minuto. Talo na naman ako. Ano pa ba'ng aasahan ko? Expert ata si Seiae sa racing eh.

"Dali magtanong ka na."

Ni hindi na ata siya nag-isip pa sa tanong niya at sinabi niya kaagad. "Nakakahawa ba yung ngiti ko? Yung tipong kapag may problema ka tapos ngumiti lang ako nawawala na agad yung problema mo tapos mangingiti ka na lang din?"

"Hhhmm,.Try natin. Ngiti ka dali"

Nakakagat siya sa lower lip niya nu'n. Parang nahihiya nung una pero ngumiti rin siya tapos biglang kumindat. Ewan, pero nangiti ako. Ang cute eh. May kindat talaga. Siguro kung ibang babae ako baka nagkagusto na ako sa kanya dahil doon sa kindat.

"Alam mo na yung sagot ah. Hindi ko na kailangang sabihin kasi nakita mo nang nangiti ako sa pagngiti mo."

Ngumiti na lang ulit siya. Hinila ko na siya sa ibang games. Wala naman kasi akong panalo sa racing na iyon. Pagkatayo ko nagulat, na lang ako kasi nasa likod namin si Marcus. Kanina pa kaya siya dun?

Anong ginagawa niya rito?

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ