Chapter 53

570 10 5
                                    

A/N: Hi ninamar2001! This chapter is dedicated to you. Salamat sa pagbabasa. Sana magustuhan mo.

=====

Pagkatapos nilang magperform, album signing naman ang sumunod. Ganoon pa rin karami ang nanonood. Lalapit sana ako pero masyadong siksikan at baka maipit pa 'tong dala kong tuta. No choice kundi ang umakyat sa kung saang floor para makita siya.

Umabot ako sa third floor. Marami-rami pa rin ang tao doon pero saktong may umalis nung umakyat ako kaya doon ako sa pwesto nila. May nag-aabot sa kanya ng regalo. Kahit sa malayo ako, kitang-kita ko na nginingitian niya 'yung mga nagbibigay sa kanya sabay na bumabow at nagt'thank you.

"Scarlette, nakikita mo ba 'yung babaeng nakaputi doon sa stage? Siya 'yung nakakuha sa 'yo. Siya lang din naman 'yung inihian mo."

Nung walang tao sa tapat niya kasi nastuck doon kay Aicer 'yung isang fan kasi may kung anu-ano atang sinasabi sa kanya, nakita ko na nilibot niya 'yung mata niya na para bang may hinahanap. Napahinto pa 'yung tingin niya doon sa una kong pinuwestuhan.

Hinahanap niya ba ako? Hindi siguro. Baka may iba siyang tinitignan.

Almost 9 na ng gabi nang tumawag sa akin si Bree. Tapos na rin 'yung event kaya kumonti na ang tao sa activity center.

"Saan ka na, Marcus?"

"Nasa escalator, pababa na ako."

"Si Scarlette?"

"Buhay pa naman. Buti napaalala mo. May atraso ka sa akin, Bree!"

"Ano?! May nagawa ba akong masama? Dinner ba? Ililibre naman talaga ki---"

"Iba pa! Bakit hindi mo sa akin sinabi na pinangalan mo pala sa aso mo 'yung isang member ng STARS?"

"Anong problema du'n? Sows. Okay lang naman 'yun ah? Problema mo?"

"Napahiya ako doon sa harap nung STARS member na may pangalang Scarlette! Alam mo ba 'yun?!"

"Ano?! N-n-nakita mo siya?"

"Oo! Inihian pa nitong alaga mo 'yung babaeng 'yon!" Hindi na siya nakasagot. Malamang napakagat na 'yun sa daliri niya. "Hindi mo alam kung anong problema'ng binigay mo sa akin. HAY! Talaga naman."

"Anong sinabi niya?"

"Pinapapunta niya ako ngayon sa likod ng activity center."

"Anong gagawin niyo doon?"

"MALAY KO?! Hindi ko alam. Baka sampalin niya ako, tadyakan o ano kaya kailangan mo akong samahan."

Binaba ko na kaagad 'yung call bago pa siya makasagot sa sinabi ko. Bakit ba kasi pinapapunta pa ako nung isang 'yon sa backstage? Tapos na, diba? Nagsorry na ako. Ano pa bang kailangan niya?

Naghintay lang kami ni Bree sa labas mismo ng backstage. Hindi naman kasi kami pwedeng pumasok. Maraming nag-aabang na media. Pakiramdam ko dito sa fire exit sila lalabas malapit sa lugar na kinatatayuan namin. Wala pa halos isang minuto kaming naghihintay doon nang may lumapit sa aking lalaki na nakashades at may suot na cap, Mid 50's na siguro.

"'Yang aso mo ba eh Scarlette ang pangalan?"

"Actually, hindi ko po siya aso pero Scarlette nga po pangalan niya."

Bigla na lang niya akong hinawakan sa braso sabay baba niya ng shades para makipag-eye contact sa akin.

"Halika, sumama ka sa akin."

Hindi ko alam kung nahypnotize ba ako o ano at sumama na lang ako sa kanya nang walang pagrereklamo. Hinila ko na rin si Bree para kung ano mang masamang mangyari sa akin, may makakahingi ng tulong kung binubugbog na ako. Ang advance ko talaga mag-isip.

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now