Chapter 3 "Accidental Kiss"

1.8K 31 0
                                    

Sa sinabi ko, mas lalong nagalit ang expression ng mukha niya na parang handa nang mangain anumang oras. Pwes, hindi ako natatakot sa kanya.

"Kasalanan ko bang lampa ka? Ikaw na nga tinulungan, ikaw pa ang may ganang magalit?!"

May part sa akin na gusto pang lumaban pero may bumubulong sa akin na 'wag na. Farrah, 'wag ka nang gumawa eksena ngayong araw. Quota ka na sa sobrang dami ng nangyari sa 'yo. Hindi namin namalayang nakapasok na pala 'yung prof kaya narinig pa ata niya 'yung sigaw ng bruhong 'to.

"What's with the commotion over there?"

"Nothing, ma'am./ Wala po." sabay pa naming sabi. Binigyan ko siya ng 'it's your fault' look

"Layas na." mahina niyang sabi na parang pasigaw sa tenga ko. Aba~ Banas 'to ah. He's getting on my nerves.

"Walang modong lalaki." bulong ko. Babalik na sana ako sa inuupuan ko nang pigilan niya ako. 

"May sinasabi ka?"

"Wala. Sabi ko uupo na ako." Nakakainis!!! First day na first day nabadvibes agad ako sa isa kong classmate. Mas mabuti nang mangudngod sa sahig kaysa matulungan ng lalaking 'yun.

Sa paglipad ng utak ko di ko na namalayang malapit na palang matapos ang introduction ng bawat isa.

"Lastly, third row, second column. Please stand up and introduce yourself." pagkasabi nu'n ng prof, biglang tumayo si pervert.

"Hello everyone. My name is Marcus Warren Navidad. Hope to get along with you someday" sabi niya sabay ngumiti. Tcch. Pasimpleng papogi sa mga girls. Mga girl classmates ko naman napa "uhh" na parang nanginginang pa ang mga mata.  

I can't deny that he's handsome... pero pervert pa rin siya. Kapag naaalala ko 'yung nangyari kanina naiinis lang ako. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya napahampas ako sa desk na siyang nakakuha ng atensyon nilang lahat. Napatungo na lang ako at nagpatay malisya.

Bumalik na rin si mokong sa upuan niya. Two seats apart lang naman kami pero mas nauuna siya sa akin.

"Such an attention seeker" sabi nung Marcus na siyang nagpapantig sa tenga ko. First time ko masabihan ng attention seeker eh. Gusto niya ba ng gyera?! Naku. Baka masapok ko na ang isang 'to. Kalma lang Farrah. Magbebell na. Mabait ka Farrah. Wag kang pumatol sa mga taong walang magawa sa buhay.

"Okay ka lang ba Farrah?" pagtatanong ni Bree. Baka narinig niya rin 'yung sinabi nung Pervert-Guy-Named-Marcus na iyon.

"Okay na okay lang ako. Wag kang mag-alala sa akin Bree."

Pagkatunog ng bell, inayos ko na lahat ng gamit ko para makaalis na dito pero lumapit sa akin 'yung prof namin kaya napahinto ako.

"Miss Naveen, i was informed that you were a journalist in your high school."

"Yes ma'am."

"Siguro nabasa mo naman sa bulletin na may tournament next month. Gusto kong bantayan mo ang male varsity natin sa  volleyball. I want you to make an article about them, during their training days up to the actual tournament. Maaasahan ko ba 'yon Miss Naveen? Don't worry, kapag nagawa mo nang maayos ang task ko sa iyo, ie-exempt kita sa midterm ng subject ko. "

"Okay po, ma'am." Naalala ko bigla na volleyball player pala si Nathan. It is not bad to admire someone because he or she is nice, right? I think i just started liking someone.  

Buong pasasalamat ko na hindi ko nakasalubong 'yung lalaking pervert na iyon. Magkasabay kaming naglalakad ni Bree papunta sa gate nang madaan namin 'yung field kung saan nagp'practice ang iba't ibang varsity sa school. Isa na doon ang volleyball. Nandoon si Nathan. Ewan ko ba kung bakit bigla na lang akong natuwa at parang gusto ko nang gumawa agad ng article na pinagagawa sa akin ni ma'am.

"Bree, hindi na pala ako makasabay pauwi sa iyo. May inutos kasi sa akin si ma'am eh. I-observe ko raw yung training days hanggang sa tournament ng volleyball team natin. Gagawan ko kasi sila ng article."

"Talaga? Ako rin eh. Kaso sa basketball naman ako. Sama na ako sa iyo. Pareho lang naman sila ng lugar na pinagpapratisan."

Magkatabi kami ni Bree sa upuan habang pinapanood na magpractice ang varsity na inoobserve namin. Elevated 'yung seats kaya tanaw lahat. Pagpasok namin kanina, tinginan samin yung mga players. Grabe. Pinagpapawisan ako ng malamig kasi puro lalaki 'yung nandito. Volleyball at basketball for boys. Sa gym yung mga babae para di masyadong mainitan.

Nagmasid muna ako sa lahat ng players. Siyempre una kong tinignan si Nathan. Buong gulat ko nang nakatingin din siya sa akin at sabay na nginitian ako. Kahit pawis na pawis siya, ang cool niya pa rin tingnan.

Kalma lang, Farrah. Nginitian ko na lang din siya sabay tingin ko sa ibang players. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ng mata ko ngayon. Si pervert nasa kabilang side ng net. Pawisan na rin. Nakahawak na siya sa tuhod niya. Mukhang pagod na pagod. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa iba. Alam niya kaya na nandito ako?

Binalik ko ulit ang tingin ko kay Nathan na nakatingin naman na sa iba at nang sinundan ko iyon, nakatingin siya doon kay pervert na... 

kasalukuyang nakatingin sa akin... Mukhang nagulat ata siya nang nagtama ang mata namin. Dahil sa nararamdaman ko pa ring inis sa kanya, inirapan ko na lang siya sabay na tumingin sa ibang players. Lahat sila may itsura talaga! Except kay pervert. Biro lang. Kahit naiinis ako sa kanya, hindi ko maitatanggi na cute at gwapo rin siya. Pumapangalawa nga lang kasi siyempre nangunguna si... Nathan ko--- este Nathan Kho.

Nagbreak na sila kaya nagbreak na rin kaming dalawa ng kasama ko. Bumili ako ng tubig para sa amin ni Bree. Nakakahilo sundan ng mata ;yung bola. Feel ko tuloy nahihilo ako. Umupo muna ako sa sulok ng field. Silong dito. Wala masyadong nakakakita kasi parang tago. Di ko nga alam kung bakit napadpad ako dito eh. Bigla na lang akong napagod sa paglalakad.

Suddenly, nakarinig na lang ako ng parang tunog ng papalipad na pakpak kaya napatingin ako sa paligid para hanapin iyon.

Teka...

Si Nathan 'yun ah? B-b-bakit parang may pakpak siya na... pang-fairy? Napakurap ako sa nakita ko. Bakit biglang nawala? sa isip isip ko.

Sinubukan ko ulit kumurap at wala na nga talaga 'yung pakpak. Siguro namalikmata lang ako. Nakita ko na lang si Nathan papunta na ng field. Hindi niya siguro napansin na nakasalampak ako sa sahig dito. Umalis na rin ako pagkaalis niya.

Pagkaabot ko ng tubog kay Bree, may bigla siyang sinabi sa akin. "Volleyball player pala 'yung classmate natin na si Marcus." 

"Oo nga eh." Hindi ko rin inexpect. Mukha kasi siyang hindi naglalaro ng ganoon.

"Mukha ngang type ka nu'n eh." Muntikan ko nang mabuga 'yung iniinom kong tubig sa sinabi niya.

"H-hindi ah! Malabo." sabay inom ko ulit sa bottled water na hawak ko.

"Maniwala ka sa akin, Farrah. Sa tuwing nakikita ko siya, nakatingin siya sa iyo." pamimilit niya.

"B-baka ikaw 'yung tinitignan niya, Bree." sabay tawa ko ng pilit. Hinawakan niya ako sa braso at pinatingin sa nginunguso niya."Tingnan mo 'yun."

Si Marcus pala ang tinuturo niya. Nagulat ako nang nakita kong nakatingin siya sa akin at mukhang nagulat din siya kasi bigla na lang siyang tumingin sa ibang direksyon. Baka kung anu-ano nang masasamang spell ang sinabi niya sa akin kaya nakatingin siya. Naku naman. Kaya ayoko nang may kagalit eh, pakiramdam ko nasa panganib ako. Siguro kailangan ko nang makipagbati sa kanya. Kahit hindi ko na siya maging friend, basta gusto ko lang may peace sa pagitan namin.

Makalipas ang isang oras, natapos na rin 'yung practice nila. Napatingin ako kay Nathan para makahuling sulyap man lang. Kasama niya si Marcus at sa nakikita ko, mukhang close sila. Dahil ba pareho silang gwapo kaya nagkapalagayang loob agad sila? Ganoon ba 'yun? Siguro kaya close agad kami ni Bree. Huwahaha. Joke.

Habang pababa na ako, hindi sinasadyang natapilok ako at sa last four steps pa ng stairs. Mabilis ang mga pangyayari. Pagkadilat ko, nasa harap ko na si Marcus... pati si Nathan. Pero may kakaiba. Pakiramdam ko... pakiramdam ko... Gusto kong sumigaw. Magwala. At lamunin na lang ng lupang kinatatayuan ng lalaking sumalo sa akin.

Si Nathan. Siya ang sumalo sa akin pero... hindi sinasadyang dumampi 'yung lips ko sa pisngi niya.

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now