Chapter 30 "Louie ♥♥♥"

889 16 2
                                    

A/N: Chapter dedicated to goddessie. Kung may time po kayo, basahin niyo po yung on-going story niya entitled My Diary is... Lost?!

Salamat po!

=====

Farrah's POV

Nakatingin lang siya sa amin nang makita namin siya ni Seiae.

"Marcus, anong ginagawa mo rito? Diba mamayang 6pm pa tayo magkikita?"

Biglang may lumabas na cute na bata sa likod niya.

"Pinapasyal ko lang yung anak ng pinsan ko." sinabi niya yun nang hindi nakatingin sa akin... kay Seiae siya nakatingin.

Lumuhod ako para kausapin yung bata. 4 years old pa lang siguro 'to. "Hello. Ako si ate Farrah." Ngumiti siya sa akin. Ang cute!

"Hello po. My name is Louie. You look familiar po. Ah, I remember na! ikaw po yung girl sa wallpaper ni ti---"

(See picture of Louie there --------------->)

"Let's go Louie! Baka nakakaabala na tayo sa kanila." kinarga ni Marcus si Louie.

"Sus! Marcus wag ka ngang mean! Louie, do want to play with us?"

Tumango si Louie sabay ngiti. Ang cute talaga. Hay naku! Parang hindi nanliligaw si Marcus. Ang sungit pa rin eh. Tss... I-busted ko kaya? Ang sama talaga ng mga pinag-iiisip ko.

"Ako na magkakarga sa kanya Marcus!"

"'Wag na! Magsama na kayo ng Seiae mo." pinaiinit talaga nito ulo ko. 

"BAHALA KA! IKAW NA LANG DIN MAG-ISANG PUMUNTA MAMAYA!"

Badtrip! Nagmamagandang loob na nga tapos magsusungit pa siya. Tumalikod na ako sa kanya sabay hila ko sa kamay ni Seiae.

"Farrah, wait!" sigaw ni Marcus. Lumingon ako sa kanya. "Ikaw na magkarga kay Louie. Mukhang gusto ka naman niya eh."

Lumapit siya at pumagitna sa aming dalawa na nagpahiwalay sa pagkakahawak ko kay Seiae. Bigla siyang ngumisi sabay sabing "Sorry."

Habang karga ko si Louie, dumating na rin si Bree.

"Saan ka ba nagsususuot?" pagtatanong ni Seiae.

"Diyan lang sa food court. Bumili lang ako ng milk tea. Oh Marcus! Nandito ka rin pala. Sino 'tong cute little boy na karga ni Farrah?"

"Pamangkin ko."

"Ang cute naman. Mas cute sa 'yo yung bata Marcus. Haha" pang-aasar ni Bree.

Tinignan ko yung mukha ni Louie. Hindi ko makita kasi yumuyuko siya pag tumitingin ako. Bigla, hinampas ni Bree si Marcus sa braso.

"HOY MARCUS! Yung cookies natin uy! Nababadtrip ako sa 'yo! Mamaya naglagay ka doon ng suka at napagkamalan mong tubig kaya pinauulit! Buti may sobra pang ingredients sa bahay. Bukas ah! 11am sharp. 'Pag late makakatikim ng kamehamewave."

Naglalakad lakad lang kami sa labas ng mall. May parang park kasi doon. Medyo napagod na ako kaya umupo muna ako sa isang bench. Tumabi sa akin si Seiae. Si Bree at Marcus nasa kabilang bench.

Biglang nagring yung cellphone ng isa sa amin. Kay Bree pala iyon. Tumawag yung mommy nila.

"Kuya uwi na tayo. Bibisita si mommy mamaya sa bahay. Kailangan nating maglinis. Nako!"

"Ikaw lang. Maayos kwarto ko. Dito na muna ako. Ayoko muna umalis."

"Ano ka ba kuya! Edi linisin mo yung banyo. Tara na. Farrah at Marcus, alis na kami ni kuya, ah? Pasensiya na kung iiwan namin kayo."

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant