Chapter 17 "Seaie~~~ Seiae~~~"

1K 19 7
                                    

Farrah's POV

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa girffriend mo?" pagtatanong nung magandang babae na sa pagkakaalam ko ay ate ni Marcus

"Siya nga pala ang ate ko, si ate Margarette. Ate, friend ko lang siya." pagpapaliwanag ni Marcus.

"Hello po. Ako po pala si Farrah Elle Naveen." nagwave ako ng kamay. Nakakahiya. Shocks.

"Ang ganda mo naman. Alam mo bang hindi dumidikit sa mga babae yang si Marcus.?You are the only exception. I like you."

Hindi na ako nakasalita kasi bigla niya akong bineso.

"Akala ko ba next week pa ang uwi mo? Bakit napaaga?"

"i just wanted to surprise you pero ako pa ang nasurprise mo." ganiyang ganiyan ang sinabi ng ate ni Nathan. Paano ba naman kasi tuma-timing sila sa mga eksenang ganun. Nakakahiya tuloy. Baka kung ano'ng isipin nilang masama tungkol sa akin. Hindi naman sadya 'yun. Oh, gosh.

"Missed me?" sabay hug ng ate ni Marcus sa kaniya.

"I missed you siyempre." sabi niya nang kumalas na sila mula sa pagkakayakap.

"Bakit kayo nandito?" pagtatanong ni ate Margarette

"Wala naman. Naggagala lang." white lies. Alangan namang sabihin namin na binilhan kasi namin siya ng regalo kaya kami nandito. Bigla, tumingin sa akin si ate Margarette.

"Punta ka sa birthday ko ah? Sa wednesday September 23."

"Ah, okay po." ngumiti ako.

Nilibre kami ng ate ni Marcus sa isang restaurant. Pagkatapos nu'n hinatid na nila ako pauwi. Excited na ako bukas. Magkikita ulit kami ni Nathan eh. Ang saya. Namimiss ko na siya. Walang pasok kahapon kaya hindi ko siya nakita. 8pm pa lang pero inaantok na ako. All of a sudden, may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Pasok."

"Hey, Farrah." si ate.

"Yes?"

"May bisita ka sa baba. Dami mong papable ah."

Anong pinagsasabi ni ate? Bumaba na lang ako para tingnan. Nasa hagdan pa lang ako nang makita ko na kung sino'ng bumisita.

"Oh... Kuya Seiae! What brought you here?"

"I just wanna see you. May dala pala akong cake."

"Ganu'n ba?" ngumiti ako. "Sige, doon tayo sa living room."

Nakaupo lang kami. Walang nagsasalita kaya ako na lang ang bumasag sa katahimikan.

"Si Bree?"

"Nasa bahay. Laging nakatutok sa laptop. May iniistalk kasi siya eh... Ahmm... Farrah, 'wag mo na ako tawaging kuya... Seiae na lang." nginitian niya ako.

"Okay... Seiae." natawa ako. Nakakahiya pa rin kahit papaano kasi mas matanda siya sa akin. "Paano mo pala nalaman dito?"

"Tinanong ko si Bree saka nagtanung-tanong na rin ako sa mga taga-rito hanggang sa nalaman ko bahay niyo."

"Nakakahiya naman. Pinuntahan mo pa ako sa bahay ng ganitong oras, pwede namang sa school na lang tayo magkita eh." 

Kung anu-ano lang pinag-usapan namin. Umuwi na rin siya agad kasi sobrang gabi na para pahabain pa ang usapan namin. Pagpasok ko sa kwarto, may three messages. At puro sila sa guy friends ko. Tinignan ko 'yung kay Marcus.

}> Salamat sa pagsama. Goodnight and have a nice dream. 

---- 

Next naman yung kay Seiae.

}> Thanks for accompanying me. Goodnight. See you in dreamland. 

---- 

Okay. Ito talagang text ni Nathan ang the best. May kasama ata 'yung shockwaves na biglang natransfer sa katawan ko.

}> Goodnight ^_^ 

---- 

Pamatay yung text niya. Grabe. 'Yung smiley. Deadly. Pagulong gulong lang ako sa kama. Napahawak ako sa crystal na binigay niya. Araw-araw ko 'tong suot, kahit sa pagtulog.

Pumikit ako. Bigla, parang may mga eksena na nagflashback sa utak ko. May boses ng mga bata akong naririnig.

"Tara, punta tayo sa tabi ng falls."

"Saglit lang. Hinatayin mo ako."

Nakatalikod sila sa akin pero nakita ko pa ring hinawakan ng batang lalaki ang kamay ng babae.

"'Wag ka diyan. Hindi tayo marunong magswimming." sabi ng batang babae.

"Sige, doon na lang tayo sa ilalim ng puno."

"Sige."

"Erre, hold my hand"

Dumilim sa buong paligid. Nakaramdam na lang ako ng kirot sa ulo ko.

"AH!" sigaw ako. Napabangon ako habang pinagpapawisan ng malamig. Nangangatog din ang buo kong katawan. Naghilamos ako para mahimasmasan. Pagkatapos nu'n, natulog na ako.

Why is it that everything feels like a déjà vu?

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now