Chapter 10 "Prankster side of Marcus"

1.2K 26 1
                                    

Farrah's POV

Napadilat ako ng mata. Nakita ko si Nathan na nasa left side ng bed. Nakayuko siya pero yung mukha niya nakaharap sa akin. Napaturn naman ako sa left side ko at nakita ko si Marcus na pareho rin ng posisyon ni Nathan. Ibig sabihin ba nito nakatingin sila sa akin habang natutulog ako? Baka nagkataon lang.

Parang ang init ata ng kamay ko. Pagkasilip ko, nakita kong nakahawak pa rin si Marcus sa kamay ko. Kaya pala. Nung sinubukan kong kunin na, hindi ko mahiwalay sa kamay niya kasi mahigpit 'yung hawak niya. Hinihila ko na pero ayaw pa rin.

"Ndsgskflgbxjs" nagsasalita si Marcus kaso hindi ko naman naintindihan.

"Nathanwagmongagawinyungkamayniya.akinnato" Hinimas-himas ko yung kamay niya. Baka sakaling magising sa panaginip niya.

"Agdjfkfk"

"Ha? Anong pinagsasabi mong 'akin na 'to'?" dumilat siya saka bumangon.

"A--a-anong pinagsasasabi m-m-mo? Imbentor. Pssh"

"Nagsalita ka kanina. Sabi mo 'Nathan wag mo ngang agawin yung kamay niya. Akin na 'to'... Ikaw ah, hindi mo sa akin sinasabi na may lihim ka palang pagtingin sa akin. Sabihin mo lang. Pwede naman eh. Hindi 'yung sumisimple ka pa sa akin."

"Assuming. Sa iyo? Wag na uy." sabi niya at sabay na humikab.

"Bakit hindi mo pa kaya bitawan 'yung kamay ko. Masyado kang nag-eenjoy ah. Lambot ba?"

Nagulat siya nang makita niyang nakahawak pa rin siya sa kamay ko at bigla niya na lang iyon binito. Napakasama talaga. "Yuck! Ang tigas kaya. Parang sumaside-line ka sa pagcoconstruction. Hindi kamay 'yan ng babae. Mapasma pa. Puro germs." Sabay kuha niya ng panyo at pinampunas sa kamay niya. Arte talaga. Sarap pektusan.

"Akin na 'yung panyo. Itatapon ko na para sa iyo."

"Bakit mo itatapon?"

"Sabi mo puro germs eh." Inagaw ko 'yung panyo sa kamay niya pero hindi ko makuha. Nakakainis! Kiniliti niya pa ako sa tagiliran kaya bigla akong nanghina. Naku naman.

"Ano ba Marcus! Wag mo nga akong kilitiin! Bumaba ka nga sa kama! Itutulak kita!"

"Edi itulak mo! Bleh!" Aba! Dumila pa. Tinulak ko nga siya.

Good news: nalaglag siya.

Bad news: kasama ako sa pagkakalaglag niya. Nakahawak kasi siya sa braso ko. Nasa ilalim ako at nasa taas siya. Paanong... paano ako napunta sa baba?! WAH! Hindi ako makagalaw.

Bigla akong napatingin sa mata niya. Watda! Palapit siya ng palapit sa akin. 'WAG! Bata pa ako. Napapikit na lang ako. 'Yung pikit na mukhasim. Nakaramdam na lang ako ng ihip sa mukha ko at nakarinig ng malakas na tawa.

"WAHAHAHAHA. NGAYON KO LANG NAPATUNAYAN NA ASSUMING KA TALAGA! AKALA MO GAGAWIN KO YUNG BAGAY NA YUN SA IYO? WAHAHAHA... IN YOUR DREAMS. WAHAHA! KAHIT PALA SA DREAMS HINDI KO MAGAGAWA YUN!"

Nakakainis ang lalaki 'to. Speechless ako. Namumula na rin ata mukha ko. Ang sarap niya talagang sabunutan!

"Sakit ba mag-expect? Wahahaha! Natatawa talaga ako sa itsura mo kanina! HINIPAN KO LANG NAMAN YUNG PILIK MATA SA PISNGI MO EH. Wahahaha. Sakit na ng tiyan ko."

May nag-ehem sa gilid at nakita kong gising na pala si Nathan. Malamang. Ang lakas ng bungisngis nitong baliw sa harap ko eh.

"Bababa na ako. Sasabihin ko lang kay manang na magluto na ng umagahan para sa atin." Tumango lang ako. Ito namang si Marcus... Ayun~ tawa pa rin ng tawa.

"Crazy." sabi ko.

"Assuming."

"Weh"

"Pssh"

"Bleh" Tawa pa rin siya ng tawa.

"Maubusan ka sana ng hininga kakatawa."

"Mas gusto ko pang maubusan ng hininga dahil sa kaligayahan kaysa malagutan ng hininga nang hindi man lang naging masaya."

"Edi ikaw na magaling sumagot."

"Ganoon talaga 'pag gwapo."

"Gwapo? Sige lang. Libre mangarap" He suddenly pushed me against the wall at hinarang ang dalawang kamay niya sa both sides ng mukha ko.

"Gusto mo gawin ko yung ina-assume ko kanina?"

Hindi ako makasagot. Any wrong move baka matuloy talaga ang balak ng lalaking 'to. Wah! Anong gagawin ko. Isip... Isip... Alam ko na! The moment i did the right thing, sumigaw siya at namilipit sa sobrang sakit ng ginawa ko. Sinuntok ko kasi siya sa tiyan. Alam ko namang lokolokohan lang 'yung gagawin niyang 'kiss' kanina eh. Siyempre makaganti lang sa pagtawa niya sa akin kanina kaya sinuntok ko siya. Pagkaalis niya sa pagharang sa akin, saka lang ako nakakuha ng tiyempo na makatakbo.

Marcus' POV

Ang sakit nung suntok niya sa akin. Amazona talaga ang babaeng 'yun! Hindi ko naman siya talaga hahalikan eh. Siyempre may paggalang pa rin ako sa mga babae. Hindi ako katulad ng mga lalaking binabastos ang mga babae. I hate them the most. Sila ang dahilan kung bakit nasisira reputasyon naming mga lalaki.

Pagtakbo ni Farrah, hinabol ko kaagad siya. Ang bilis tumakbo ng bubwit na 'yun. Umabot na kami ng kusina katatakbo. Kapag naabutan lang talaga kita Farrah, HUMANDA KA SA AKIN!

Napatigil siya kaya napatigil din ako. Bigla siyang yumakap kay... Nathan. At bigla na naman akong nakaramdam ng kakaibang kirot.

Ang sakit sakit...

Ng tiyan ko sa suntok niya.

"Nathan!!! Si Marcus hinahabol ako. Nagalit siya kasi nasuntok ko siya. Hindi ko naman sadya eh. Prankster kasi siya masyado." Nakayakap pa rin siya kay Nathan pagkasabi niya nu'n. Ang sakit na talaga masiyado...

Ng tiyan ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino 'yung nasa likod nila. Napatingin din sila sa tinitignan ko.

Teka... si...

Ate Nathalie yun ah. Ate ni Nathan.

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora