Chapter 5 "Nosebleed"

1.3K 28 0
                                    

Marcus' POV

"Anong gagawin ko?" Napatingin ako sa likod at nakita kong nagsasalita na naman siyang mag-isa. Sino pa ba ang tinutukoy ko? Edi yung babaeng inakusahan akong manyakis.

May sayad ba 'to? Nagsasalita wala naman kausap. Nanlaki ang mata ko ng inuntog niya 'yung ulo niya sa mesa. Nasisiraan na ba siya? Pero mukhang masakit 'yun ah.

Okay lang yan...

  

Maganda naman siya eh...

Kapag nakatakip ang mukha.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko siya, napapatulala na lang ako bigla. Buti hindi nagdudugo itong ilong ko. Ganoon kasi ako, nagdudugo ang ilong kapag may nakikitang nakakaamaze. Ibig sabihin nu'n, hindi siya nakakaamaze.

Nalaman niyang nakatingin ako sa kanya kaya nginitian niya ako na parang nagsasabing 'wag mo na lang akong pansinin'. Bigla na lang nanlaki ang mga mata niya at sumigaw.

"MARCUS!!!" at lumapit siya sa akin. Ano bang problema ng babaeng 'to? Talagang sinabi pa pangalan ko. Nandamay pa.

"Excuse po. Sir, dadalhin ko lang po si Marcus sa clinic." tumango naman ang prof namin. Ano ba talagang nangyayari? Bakit hindi ko alam? Inside joke? 

"Bakit ba? Wala akong sakit. Ano ka ba? Ang lakas lakas ko kaya." Naglabas siya ng panyo mula sa bulsa niya at itinakip iyon sa ilong ko.

  

"Anong ayos ka lang? Nagdudugo kaya ilong mo. Sasamahan na kita sa clinic." Napatingin ako sa panyo at nakita kong may dugo nga doon.

"Kaya ko sarili ko. Ako na lang pupunta sa clinic." pagkatayo ko, muntikan pa akong maout of balance. Buti na lang at naalalayan niya ako. Dahil doon, mas napalapit pa siya sa akin. Napatingin ako sa mukha niya. 'Yung buhok niya sumasabay sa galaw niya. Napalunok ako. Feeling ko mauubusan ako ng dugo kapag kasama ko 'tong babae na 'to. Tumingin na lang ako sa ibang direksyon.

Inasikaso kaagad ako ng nurse pagkarating namin sa clinic. Naglagay ng yelo sa bridge ng ilong ko at saka pinahiga ako sa clinic bed. Narinig kong kinakausap ni Farrah 'yung nurse. Ang sungit ko sa kanya kanina pero inalalayan niya pa rin ako papunta ng clinic. Natapos na ang usapan nila at napakiramdaman kong papunta na siya sa lugar ko kaya tumalikod ako.

"Sabi ng nurse magpahinga ka lang daw diyan hanggang mag-uwian. Wag ka na raw magtraining. Hindi pa raw kakayanin ng katawan mo lalo't mainit mamaya."

"Okay na ako. Anterior Nosebleed lang 'to so there's nothing to worry about. Ganito lang talaga ako palagi pero wala namang masamang ibig sabihin 'to. I can take care of myself."

"Ang kulit. Diba sabi ngang bawal? Ilang beses ka bang inire? 'Wag ka nang magpractice. Hindi lang ako mapapalagay kapag nagpractice ka pa eh." 

"Ha?" Tama ba yung pagkakarinig ko na hinid raw siya mapapalagay kapag nagpractice pa ako?

"Wala. Hindi na bale, mamaya manonood naman ako kaya mababantayan kita."

Bakit ba sobrang nag-aalala ka sa akin? 'Wag kang ganyan Farrah. Kung pagpapatuloy mo 'yang ginagawa mo baka...

Magkagusto ako sa iyo...

Bagay na sobrang iniiwasan ko.

"Sige na. Bumalik ka na sa room. Okay na ako. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa 'yo. Wala akong ipambabayad."

"Kaibigan kita. Kailangan ba lahat ng kabutihang ginagawa may kapalit? Edi dapat walang nangyayaring krimen sa mundo kasi alam nila na kapag gumawa sila ng mabuti, may makukuha sila in return. Maging mabait ka na lang sa akin. Sobrang okay na 'yon sa akin."

"Basta bumalik ka na sa room. Ayokong mamiss mo yung mga lessons dahil sa akin."

"Ipagkokopya na lang kita ng notes para hindi ka mahuli sa lessons. Pahinga ka na diyan. Bye Marcus. 

Kakaiba talaga siya. Parang may nagtitrigger tuloy sa akin na...

Bigla akong inantok. Itutulog ko na lang 'to.

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now