Chapter 1 "VolleyBALL"

2.9K 45 4
                                    

"Saglit lang! Saan ka pupunta?! Ah! Ang liwanag masyado ng ilaw." bahagya kong itinaas ang isa kong kamay para salagin ang sobrang liwanag na hindi ko alam kung saan nanggagaling, "Wag kang tumakbo!"

Sa sobrang pagmamadali ko para mahabol siya, hindi ko namalayang bangin na pala ang nasa harapan ko. At tulad ng inaasahan, nalaglag ako. 

Katapusan ko na. Napapikit ako. Mabagal ang galaw ng lahat ng bagay at pakiramdam ko, lumulutang ako. Hinanda ko na ang sarili ko sa kung anumang kahahantungan ko.

Isa, dalawa...

Bago pa man ako makarating sa bilang na tatlo, may bigla na lang akong naramdamang mga kamay na sumalo sa akin.

Napadilat ako. Nakita ko ang lalaking hinahabol ko kanina pa. Kahit hindi ko makita ang mukha niya dahil sa ilaw na sumisilaw sa mata ko, alam kong siya iyon.

I fell and he caught me.

Inangat ko ang isa kong kamay at ihinawak iyon sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang ako nakaramdam ng kakaiba sa dibdib ko. Hindi kaya...

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong bitawan kaya naman nahulog na ako ng tuluyan sa bangin. Napadilat ako sa sakit na naramdaman ko sa bandang likod ko at saka ko lang nalaman na panaginip lang pala iyon. 

Nalaglag pala ako sa kama.

Sinalo niya ako pero binitawan niya rin ako kalaunan. Ang gulo naman ng lalaking iyon. Napailing na lang ako. Lagi ko na lang siya napapanaginipan pero hindi ko makita ang mukha niya. Ni hindi ko rin alam kung bakit ko siya hinahabol. Basta nararamdaman ko na lang na parang may kailangan ako sa kanya kaya sinusundan ko siya para malaman iyon.

Panginip lang 'yun Farrah. Panginip lang. 

Hay! Napakamot ako sa ulo ko. Bakit ba ginugulo mo isip kong mysterious-somehow-i-think-attractive-guy ka!? Masisiraan na ako sa 'yo.

Tumayo na ako sa sahig at dumiretso palabas ng kwarto nang hindi inaayos ang buhok ko. Baka sakaling makalimutan ko 'yung panaginip kapag nakakain na ako. 

"And they lived happily ever after."

Napalingon ako sa lugar na sa tingin kong pinanggalingan ng tunog at nalaman ko na sa kwarto pala 'yun ni ate.  

"Ate Sophia? Anong meron? Major major throwback ata tayo ngayon ah!" Hindi ko mapigilan na matawa sa nakita ko. Naalala ko 'yung NeneDays ko... 'yung mga nakakahiya kong nagawa dati na halos kinalimutan ko na.

"Wala lang. Nakakamiss kasi magbalik sa pagiging bata saka ang cute lang ng story. Una maraming problema tapos sa huli magiging maayos ang lahat at they lived happily ever after na"

"Tsk! Ate naman! Wag mong sabihing naniniwala ka na may happily ever after talaga? Tingnan mo, maraming nagdidivorce at nagb'break. Meron nga siguro pero parang mga 25% lang ang nakakaranas niyan." 

"How did you know?"

"Feel ko lang. Saka 'yang Cinderella, sabihin mo nga, where on earth did they get that 'fairy godmother-thingy'? Tinuturuan lang nila ang mga taong umasa sa mga bagay na hindi naman totoo. Walang fairy godmother. Walang fairies. Ang tao dapat mismo ang tutulong sa sarili niyang mahanap ang..." napahinto ako. Hindi ako sanay sa mga ganitong usapan lalo na't wala pa sa isip ko ang mga ganitong bagay. "... the one." mahina kong sabi.

"Writer ba ako niyan? Wala nga pero we can create our own fairies. Wala man yang pakpak o kahit magic wand, pero kung nakatutulong sila na maresolba ang problems natin then we can consider them as fairies"

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now