Chapter 21 "Mambababae ako!"

1K 20 0
                                    

A/N: Chapter dedicated to Janine Tan Itucas Gumban. Siya kasi yung kaibigan kong trip lagi mantadtad ng text. Peace tayo. Si MissHaYoung po ay hindi marunong magmura kaya mapapansin niyo na walang cuss words dito. Medyo nahihirapan ako dahil dun kasi hindi ko alam kung paano ko ieexpress na galit yung character ko or something pero pinaalala sa akin ni Janine na kung magaling kang author, hindi mo kailangang gumamit ng bad words. Doon masusukat kung gaano ka kagaling na writer sa pamamagitan ng paggamit ng alternative words na appropriate sa rating ng story na 'to. Nahihirapan pa rin ako pero kinakaya ko dahil sa sinabi niyang yun. Maraming Salamat Janine. Manonood talaga ako ng coronation night mo someday. Tiwala lang :)

=====

Farrah's POV

Monday na naman. Ibig sabihin makikita ko na ulit si Nathan. Tinignan ko yung cp ko at nagulat ako dahil may 100 messages sa inbox ko. Wow! Lahat galing kay Marcus. Grabe. Siya na mayaman sa load. Tcch. If i know unli lang siya. Haha. Pinasabog na naman niya yung inbox ko. Nakalagay lang 50 na 'Joke lang yun' 20 'Magreply ka na' 10 'Farrah~' 10 'Uy' at 10 na 'Edi wag... Mambabae ako'. He's really out of his mind.

Sabay ulit kaming pumasok ni Nathan. Nag-usap lang kami tungkol sa cake na gagawin namin at napagdesisyunan na sa bahay nila gagawin kaya excited na ako.

Pagpasok ko sa room, wala pa halos tao. Wala pa si Marcus. Himala. Late siya? Nagchikahan muna kami ni Bree about sa naging photoshoot nung idol niya.

"Bree. sino ba yung crush mong yun? Gwapo ba?"

"Hindi ko muna sasabihin sa iyo hangga't hindi pa lumalabas yung latest edition ng teen mag na yun. Nakasama kasi ako sa photoshoot eh. Gosh! Ang gwapo-gwapo niya."

"WOW! Congrats talaga! Hihintayin ko na lang na marelease yun. Excited na ako. Pero paanong ikaw yung naging partner nung idol mo?" Kinuwento niya sa akin na hindi raw dumating yung isa pang model kaya siya yung ipinalit. Ang swerte niya talaga. "Gwapo ba sa malapitan?"

"Oo! As in... Super duper. Ang bango niya pa--- teka... Ano pala'ng ginagamit niyong sabon panlaba? Magkaamoy kasi kayo"

"Oh? Ewan ko. Minsan lang naman nagiging ganito yung amoy ng damit ko kapag sinasabay ni kuya yung damit namin sa pagpapalaundry niya."

"Tanong mo si Kuya Penpen ba yun? Ha? Ha? Kung saang laundry shop siya nagpapalaba."

"Okay!"

Napatingin  ako sa pinto kasi pumasok na si Marcus. It's an ultramega wow! Mukhang nag-ayos siya ng todo. Pagkaupo niya, lumapit yung isa kong classmate. Magpapaturo ata. Kumuha pa talaga si Marcus ng mauupuan ng babae tapos naghaharutan pa sila habang tinuturuan niya iyon. Wow ah! Di naman ganyan si Marcus eh. Di nga siya pumapayag na may babaeng lumalapit sa kaniya. Tinotoo talagang manbababae ang ugok. As if i care--- siyempre naman. Friend ko yang si Marcus kaya I want what's best for him. Gusto ko yung babaeng magpapasaya sa kanya... hindi yung diyan lang sa tabi tabi makukuha.

Nung natapos nang magpaturo si Liz kay Marcus, bumalik na siya sa upuan niya na kinikilig. Tapos nakipag-usap pa siya sa friend niya.

"Oh my gosh! Ang sweet pala ni Marcus. Kung matagal ko nang alam na ganoon pala siya, dapat dati pa ako lumalapit sa kaniya. Mukhang type niya ata ako." at kinilig nang todo ang babae.

Maganda naman siya kaya baka may gusto rin sa kanya si Marcus. Baka siya yung crush ni Marcus. Pwede na rin si Liz. Medyo pasok naman sa banga.

Hinanap ko muna si Nathan. Sabi niya may pupuntahan lang siya pero napatagal siya.

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora