Chapter 44

765 10 0
                                    

Nathan's POV

Dapat pala hindi ko na lang kinuha 'tong cellphone. Pumunta ako sa kwarto ni ate para ibigay na yung cellphone ko. Yung pakiramdam na medyo pahiya talaga ako... nakakahiya lang. Paulit-ulit na.

"Ate oh--" sabay abot sa kanya.

"Sa 'yo na 'yan!"

Inabot niya ulit sa akin yung binigay ko sa kanya.

"Ha? bakit binibigay mo na sa akin ngayon samantalang kanina ayaw mo? AH! Siguro pinagtitripan mo ako 'no?! Siguro plinano mo ang lahat! Ikaw ba nagpalit ng name ni Farrah sa contacts ko into Girlfriend with matching heart pa?"

"Pinagsasasabi mo? Hindi kita maintindihan"

"Ate umamin ka na. Hindi naman ako magagalit kung ginawa mo yun eh. Sabihin mo lang na ikaw yung nagbago nun"

"HINDI AKO 'NO! Ikaw yung mismong naglagay nung pangalan na ganun sa contacts mo. Tsk~ gusto mo ipaalala ko sa 'yo?"

=Flashback=

Third Person Point of View

"Nathan ito na yung hiniram kong laptop mo."

"Sige, ilapag mo na lang diyan. Sara mo yung pinto paglabas mo." sinabi ni Nathan nang hindi tumitingin sa kapatid. Nakaupo lamang ito sa swivel chair sa tapat ng kanyang study table habang nangingiti.

Nasisiraan na ata ng ulo yung kapatid ko. Dahil sa sobrang pagtataka, nilapitan niya ito habang patagong tumitingin sa ginagawa nito.

Nagtetext lang pala. Tsk. Aalis na sana ito nang bigla na lamang tumawa si Nathan na parang kinikilig. Sinilip niya kung bakit. Nakita niya na katext pala nito si Farrah... Mas nagulat siya nang baguhin nito ang pangalan ni Farrah sa contacts into 'Girlfriend ♥'

"HULI KA!!!"

Muntik nang matumba si Nathan sa upuan dahil sa gulat.

"HA! HA! HA! So kayo na pala ni Farrah! Hindi mo man lang sinabi sa akin."

"Kanina ka pa diyan?!"

"Kaninang kanina pa Nathan!"

"A-anong nakita mo?"

"Nakita ko lang naman LAHAT LAHAT ng dapat kong makita! Tsk. Kaya pala kinikilig ka diyan kasi katext mo yung girlfriend mo."

"Anong kinikilig? Sino girlfriend?"

"In denial pa. Ngiting ngiti ka diyan kanina habang katext mo ang girlfriend mong si Farrah! HAHAHA! Akala ko nga nakasinghot ka lang ng rugby kaya ka nangingiti ng mag-isa eh"

Hindi na ito nakasalita pa.

"Tingnan mo! Hindi ka makasagot kasi totoo! HA!~"

"Namali ka lang ng nakita"

"Aysows. Sige! Deny pa. Landi landi."

Tumayo si Nathan para itulak palabas ang kapatid.

"ATE GABI NA! MATULOG KA HA. Stressed ka lang siguro kaya kung anu-ano na nakikita mo."

=Flashback ends here=

Nathan's POV

Napailing na lang ako. Ano ba 'tong mga pinag-iiisip ko? Habang tumatagal naalala ko na yung eksena na sinabi ni ate pero hindi ko pa rin alam kung bakit ko yun nagawa.

Paikot-ikot lang ako sa kama. Yung hinliliit ko sa paa tumama pa sa edge ng kama. Ang malas ko talaga ngayon. Napahiya na nga ako kay Farrah kanina. Hindi pa ba yun sapat? Dapat talaga hindi ko na tinext yung number na iyon.

Tinext?

Bigla kong naalala yung sinabi ni ate kanina. Binukas ko agad yung phone para tingnan yung inbox. Binukas ko yung conversation namin ni Farrah. Nandito pa yung iba pero parang kulang kulang. Wala naman akong napakinabangan dito eh. Tsk.

Suko na ako. Wala na. Itutulog ko na lang siguro 'to at baka sakaling makalimutan ko pa. Kasi hindi pa ako dinadalaw ng antok. Bumaba muna ako para laruin yung aso namin kaso tulog siya kaya napag-isipan ko na lang maglakad-lakad muna sa village.

Farrah's POV

Pumunta ako sa terrace para makatakas sa paghuhugas ng plato. Nagleave kasi yung maid namin ng one week kaya si ate na rin ang nagluto ng pagkain kanina.

Ang sarap ng simoy ng hangin. Last week na rin pala ng pagiging freshman ko. Sa monday kasi bakasyon na at bukas ay Friday na! Yehey! no more stressful days for the next two months. Sana nga. 

Ang lakas ng hangin dito. Baka may anghel. Oh. And speaking of 'angel', may nakikita ang mga mata ko na magandang tanawin. Napakurap ako pero nandoon pa rin iyon. Hindi nga 'to hallucination lang...

Si Nathan kasi naglalakad sa tapat ng bahay namin. Huminto pa siya tapos pasimpleng sumisilip sa loob ng bahay.

"Nathan!" nagulat siya nung tinawag ko yung pangalan niya. Kinawayan ko siya. "Anong tinitingnan mo sa loob ng bahay?" parang hindi pa siya mapakali kasi yung ulo niya palinga-linga na mukhang naghahanap siya ng sagot sa hangin.

"Wala. Sige alis na ako." naglakad na siya palayo.

Hala? Bakit parang iniiwasan niya ata ako?

"BOYFRIEND KO!" Lumingon siya pagkasabi ko nu'n. Parang kinikilig ata ako. "BAKIT LUMINGON KA?!" sabay tawa ko. Mukhang nainis ata siya sa sinabi ko kasi nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad. Ang cute nung expression niya. Pumasok na ako ng kwarto nung nawala na siya sa vision ko.

Nakasalubong ko si ate na may kausap sa cellphone. Sinenyasan ko siya na matutulog na ako pero pinigilan niya ako sabay abot sa akin ng phone niya.

"Si mommy. Kakausapin ka." sabi ni ate. Tinapat ko agad yung phone sa tenga ko saka nagsalita.

"MOMMY!!! MISS KO NA PO KAYO!" Nasa ibang bansa kasi siya para magtrabaho.

"Miss ka na rin ni mommy... kamusta ka, 'nak?"

"Okay lang po ako. Medyo nagkakalaman na po yung katawan ko. Hehehe. Kayo po?"

"Okay lang ako, 'nak. Babalik ako diyan sa sabado. Miss ko na kayo at ang daddy niyo."

Wala na nga pala akong tatay. Kinuha na siya ni God noong bata pa lang ako.

"Si mommy nagdrama pa. Dalawin na lang po natin siya pag-uwi niyo. Hehe. Chocolate po, ah?"

"Sige. Pag-uwi ko, magbabakasyon tayo!"

"Sige po! I love you po. Ingat kayo diyan."

"I love you too. Sige. Tulog na kayo. Bye"

"Goodnight po. Sweet dreams."

Magbabakasyon kami! Saan kaya?

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now