Chapter 11 "Chichi and Mr. Nice Guy ♥♥♥"

1.3K 27 0
                                    

A/N: Long update. Salamat po sa lahat ng nagbabasa. This chapter is dedicated to Jelome Eunice Co Pading. Siya kasi ang nagturo sa akin lahat about volleyball. Para siyang flashlight dahil nagbigay liwanag siya sa nandidilim kong utak about volleyball. Maraming salamat. ♥♥♥ Basa na...

=====

Farrah's POV

"Ang sweet naman ng kapatid ko sa girlfriend niya. Ikaw Nathan ah, nagtatampo si ate sa iyo. Hindi mo man lang sinasabi sa amin na may girlfriend ka na pala. Ang ganda niya ah. Bagay kayong dalawa"  I was astounded. Ang ganda ng babaeng nasa harap ko ngayon. Ate siya ni Nathan so ibig sabihin...

Siya yung may-ari ng damit na ito? Nakakahiya!!!

"Hello dear. I'm Nathalie Kho. Just call me Ate Nathalie, okay? You're so pretty. I like you for my baby brother."  at sabay na niyakap ako. Medyo magka-ugali sila ni ate ah. Mediyo parehas nga sila ng sinabi eh... yung 'I like you for my sister/brother'.

"Hello po. Ako po pala si Farrah Elle Naveen. Pasensiya na po kung suot ko 'yung damit niyo." nakakahiya talaga. Napakamot na lang ako sa ulo.

"What a cute name. Oh... That? It's okay. You can keep it. I'll just give it to you. Mas maganda pa ngang tignan kapag suot mo kaysa kapag ako ang nagsusuot." Masyadong nakakalaki ng ulo kapag nanggaling sa magandang katulad niya yung compliment na yun.

"Salamat po" tanging nasabi ko na lang.

"Ate Nathalie. Hello po" napalingon kami kay Marcus.

"Aba! Ang laki laki mo na Marcus! 5years ago totoy na totoy ka pa. Ngayon binata ka na. Ang gwapo mo pa. Inlove ka na siguro ano?" pang-iintriga ni Ate Nathalie

"H-indi po." 

"Bakit hindi ka gumaya sa bestfriend mong si Nathan. Tignan mo may girlfriend na." Eh? Hindi naman kami mag-gf/bf ni Nathan eh.

"Ate... Hindi ko girlfriend si Farrah. Friends lang kami."

"Sus. Nagdedeny ka pa. Ano 'yung hug na yun?" pang-aasar pa ni ate Nathalie.

"Ate naman."

"Sige naniniwala na ako. I miss you Nathan. Did you miss me?"

"No... Just kidding. Yah, i missed you so much. Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka na." sabay hug ni Nathan sa ate niya. Sweet naman. Nakakaturn-on 'yung mga ganiyan lalaki 'no? Yung hindi nahihiyang makipaghug sa ate niya sa harap ng mga tao. Like, konting-konti na lang ang ganyan.

"Gusto ko kasi na isurprise ka pero mukhang ako pa ata ang nasurprise--- haha. Joke lang."  Ang cool niya. Mukhang magka-age sila ni ate Sophia. 'Pag nagkakilala ang dalawang 'to mukhang magkakasundo sila.

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam akong uuwi na kasi baka hinahanap na ako ni ate at kuya. Nag-Eat and run lang ako. Nakakahiya. Kaysa palayasin ako nang tuluyan dahil sobrang tagal ko nang wala sa bahay. Hahatid pa nga sana ako ni Nathan kaso sabi ko asikasuhin na lang niya 'yung ate niya. 

♪♫ I will take you forever~  And there will never be anyone else in my heart but you~~~ ♪♫

Kumanta muna ako habang naglalakad sa kalsada. Ganito ako kapag walang maka-usap.

"WAAAAAAH!!! STOP!" Napasigaw ako the moment na nakita ko 'yung bike na papalapit na sa akin. 'Yung dalawang kamay ko nakapang'stop' sign. Biglang may tuta na napadamba sa akin kaya natumba ako. Tumalsik 'yung tuta sa basket ng bike nung nagbiglang break ito, buti nasalo ko. Ibig sabihin mabilis talaga yung takbo niya at napahinto ng biglaan. Ang cute pa naman ng tuta na 'to.

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें