Chapter 37 "Destiny"

834 14 0
                                    

Farrah's POV

Nanghihina ako sa lahat ng nakita ko. Ako pala ang may kasalanan kung bakit siya naging fairy. Hindi pala siya naparusahan na katulad ng iniisip ko. Pinili niya pala iyon para mabuhay ulit ako.

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Napaluhod ako sa sobrang panghihina. Anong gagawin ko?

"Bakit kailangan ko pang magmahal ng ibang lalaki? Hindi ba pwedeng siya na lang? Mahal na mahal ko siya. Alam kong hindi na ako magmamahal pa sa iba ng katulad ng nararamdaman ko ngayon sa kanya. Nagmamakaawa po ako, ibalik niyo na po siya sa dati."

Nakatingin ako sa Dryad. Ngumiti siya sa akin. Biglang kumislap nang napakalakas yung necklace na crystal.

"Sino ba nagsabing hindi siya pwede? Hindi ata siya nakikinig sa akin nang sabihin ko sa kanya na 'ang mga taong nakatadhana para sa isa't isa, kahit anong pilit ng kapalaran na paghiwalayin sila, sa huli ay sila pa rin ang magsasama'"

Anong ibig niyang sabihin?

"Kayong dalawa ay nagkatadhana. Ngayon, alam kong naisakaturapan niyo ang pagsubok na binigay ko. Nakita mo na ang lalaking magmamahal at mamahalin mo nang totoo, at si Nathan iyon. Ngayon ay babalik na ulit siya sa pagiging tao."

Lumiwanag nang mas malakas ang kwintas kaysa kanina. Bigla ring umulan nang napakalakas.

Sa wakas.

Napangiti ako sa sinabi niya habang naghahalo na ang tubig ulan at luha sa pisngi ko.

"Salamat po."

"Makakalimutan niya na naging isa siyang fairy ngayong naging tao na ulit siya. Pinapaalalahan kita. Ngayon na tao na si Nathan, mabubuhay ulit siya bilang isang mortal. May hangganan ang inyong buhay... kaya mag-ingat kayo."

Naglaho na lang siya bigla pagkasabi ng mga katagang iyon. Nagmadali akong tumakbo pabalik sa bahay nila Nathan.

Nathan's POV

Bigla na lang tumakbo si Farrah. Sinubukan ko siyang sundan pero masyado siyang mabilis. Isang oras akong naglibot sa village pero ni anino niya, hindi ko nakita.

"Nasaan ka na ba Farrah?"

Bigla kong naalala yung lugar na pinagdadalhan ko sa kanya sa panaginip. Oo, ako yung lalaki na lagi niyang sinusundan. Gusto ko kasi na maalala niya kaagad ako. Nagmadali akong pumunta sa gubat.

Nakaramdam ako ng hilo habang tumatawid sa kalsada... Umiikot yung paningin ko. Hindi ko alam kung bakit. Biglang may bumagsak na malalaking patak ng tubig sa braso ko.

Umuulan...

Nandidilim ang paningin ko. Hindi na ako makalakad.

"Hijo!" nakarinig ako ng pagsigaw. Nakakita ako ng ilaw na paparating sa akin. Hindi na ako nakaalis na kintatayuan ko.

Then...

Everything went black.

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now