Chapter 43

793 14 3
                                    

A/N: Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa. Pasukan na namin bukas. Freshman na sa isang unibersidad sa Manila. This chapter is dedicated to Mary Grace Ogaya Datiles aka  @SpringOnion --- magaganda lahat ng stories niya kaya basahin niyo rin po. Salamat ulit. Enjoy Reading :)

===== 

|» Are you my girlfriend?

Ano raw?!

Nakasinghot ata si Nathan ng katol. Bakit niya naman ako tatanungin ng ganyan eh hindi naman naging kami. Sige~ I-push na lang natin. Ay hindi~ baka na-wrong send? Siguro nung nireject ko siya naghanap siya ng ibang babae tapos naging sila. Tsk.

Taksil

Wow. Big word.

Kasi naman... magtetext na nga lang ng ganun sa akin pa nasend. Nabuking ko pa tuloy siya ng wala sa oras. Tinext ko siya.

]= Wrong send ka ata.

Badtrip. Buti wala akong katabi ngayon na malalagasan ng buhok. Aigoo~ Nagreply naman agad siya.

|» Hindi. Teka, sino ba 'to?

Hindi raw... Maniwala.

]= Secret~ walang clue. Basta hindi ako yung girlfriend na tinutukoy mo. Wrong send ka talaga ata.

Pagtapos ko magreply hindi na siya nagtext ulit. Siguro naman naniwala na siyang hindi ako yung girlfriend niya 'no? Tsk... 

Biglang nagvibrate 'yung phone ko kaya bigla akong kinabahan. Oh, my gosh. Tumatawag si Nathan! Naku! Ni-reject ko muna. Pagkareject ko tumawag ulit. Nireject ko na naman. 

♩♪Ang mahiwagang mensahe♩♪

|» Bakit mo nirereject?

Kasi naman--- NAKU!

Nanigas na naman ako sa kinatatayuan ko. Tumatawag na naman kasi siya eh. Walang kasawaan? Papatayin ko na sana yung phone kaso nadampi yung palad ko sa screen kaya hindi ko sinasadya na mapindot yung 'answer'... Naku naman~

Ibababa ko na sana kaso bigla siyang nagsalita.

"WAG MO NANG TANGKAING IEND YUNG CALL."

Ang lakas ng boses niya. Iinipit ko ng daliri yung ilong ko para maiba yung boses ko.

"Hello. Do I know you? Do we know each other?" ipit na boses kong sabi.

"Hindi ko nga alam eh. Hindi ka naman kasi nagpapakilala kaya paano ko malalaman kung kilala nga kita? Sino ka nga ba?"

"I don't give my personal identity to a stranger like you. Sorry."

Aba 'to! Baka hindi lang ako yung nakalimutan niya... Baka nung naaksidente siya dalawang tao yung iniisip niya, ako saka yung sinasabi niyang girlfriend sa text. Tsk...

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now