Chapter 20 "My boy---friend"

982 18 1
                                    

A/N: Please read MY Promise: GADASTASILDILYM Kita ♥  written by MachoGwapingz :D Chapter dedicated to the author.

=====

Farrah's POV

Pagkauwi ng bahay nahiga agad ako sa kama kasi wala naman na akong gagawin. Nakakatamad. Tinawagan ko na lang si kuya pero saglitan lang kasi magpipictorial na sila.

♪Ang mahiwagang mensahe♪

Tinignan ko. Si Nathan pala yung nagtext.

|» Salamat Farrah. Nag-enjoy talaga ako.

Nagreply agad ako.

]= Wala yun. Salamat din kasi sinave mo ako kanina.

Nagreply naman agad siya.

|»  Wala rin yun. Diba nga boyfriend mo ako kaya dapat pinagtatanggol kita.

]= 'Yan ka na naman sa boyfriend na yan eh. Ahaha. Oo. Boy---friend kita. Lalaking kaibigan.

|» Oo. Girl---friend naman kita.

Kinikilig ako. Iniba ko na yung name ni Nathan sa contacts ko. Nilagay ko My boy---friend ^_^. Nagtext ulit ako.

]= edi marami kang girl---friend?

|» Ikaw lang. Loyal ako eh. :)

Nagta-type pa lang ako nang magreply siya.

|» Ikaw ba... Ilan boy---friend mo?

Napaisip ako. Siya lang naman eh. Frenemy kami ni Marcus.

]= Ikaw lang. Loyal din ako eh. :)

Nagreply ulit siya.

|» Talaga? Edi pwede na pala talaga tayo sa isa't isa.

Hindi ko na alam isasagot ko. Joke ba 'to o totoo? Anong irereply ko?

]= HAHAHAHA. Nakakatawa ka talaga, Nathan!

'Yun lang ang naisip ko. Salamat 'HAHAHAHA' sa mga panahong tinutulungan mo ako kapag speechless na ako. Nagtext ulit siya.

|» May nanligaw na ba sa iyo?

Napaka-random ng topic namin pero nag-eenjoy pa rin ako.

]= Wala pa. Walang nagtatangka kaya NBSB ako.

|» Pareho pala tayo.

]= Talaga? Baka destined tayo sa isa't isa. Joke.

|» Baka hinihintay lang natin ang isa't isa. ;)

Bakit ba sobrang natutuwa ako? Oh, my gee. Pero nahihiya na rin ako kaya iniba ko ang topic.

]= Bakit di ka pa natutulog?

|» I'm thinking about you.

Nagpagulong gulong ako sa kama hangang balutin na ako ng kumot. Mukha tuloy akong bulate ngayon.

]= Talaga?

|» Oo. Iniisip ko kung paano kita matutulungang mahanap si Mr. Right.

]= Ah... Ganoon pala...

Bigla na lang ako nalungkot. Bakit kasi kailangan ko pang mainlove sa ibang lalaki? Nagmamahal naman ako sa kaibigan at pamilya. Hindi ba pwede 'yun? Ano bang magiging resulta kung mainlove ako?

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن