Chapter 4 "Lunch box"

1.6K 35 0
                                    

Sa pagsalo sa akin ni Nathan, nakiss ko siya sa cheeks... Smack lang naman kasi napalayo agad 'yung mukha ko sa kanya pero yung katawan ko malapit sa dibdib niya. Naramdaman niya kaya 'yung kabog ng puso ko?

Lumayo na ako sa kanya. "Salamat--- Sorry." Naku naman. "Ah. Bye." Napakamot na lang ako sa ulo at sabay na hinila si Bree palabas ng field.

Makatulog nawa ako mamayang gabi nito ng payapa. 'Yung first kiss ko wala na.

=====

"Ano ba? Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang takbuhan ako?" Napahinto ako mula sa pagtakbo at napasipa ng bato sa sahig. I guess i'm in the middle of my lucid dream again. Hindi ko sigurado kung lucid dreaming na naman ba ang nangyayari sa akin ngayon. Aware akong nananaginip ako pero hindi ko makontrol 'yung dream elements sa pagtulog ko. Ni hindi ko siya mapahinto sa pagtakbo at parang siya pa ang may kontrol sa akin kasi nagagawa niyang mapahabol ako sa kanya ng sobra kahit hindi ko alam kung may makukuha ba ako sa ginagawa kong ito.

Napatingin ako sa paligid. Nasa loob pala kami ng isang gubat. Medyo may kadiliman. Nakakatakot. "Ngayon dadalhin mo ako sa masukal na lugar."

Tumingin siya sa akin pero 'yung kumislap niya lang na mata ang nakita ko. Nanlambot agad ang tuhod ko kaya napaupo ako. Teka. 

"May pinaplano ka bang masama?" napaatras ako mula sa pagkakaupo ko. "'WAG! MAAWA KA! 'WAG MO AKONG RAPE-IN." Lumapit siya sa akin sabay na hinawakan ang kamay ko at pinatayo. Binitiwan niya agad iyon at tumalikod sa akin pero huminto siya saka tumawa nang mahina. Tumatawa rin pala 'to.

Habang naglalakad kami, may nakita akong dalawang bata. Isang lalaki at babae. Siguro mga 9 years old ang mga 'to. Nang titigan kong mabuti, nakita kong walang malay 'yung batang babae. Lalapitan ko sana kaso pinigilan ako nung lalaking hinahabol ko.

"Step back." Sabi niya mula sa isang kakaibang boses. Hindi ko masyadong marinig at maaninag 'yung mga nangyayari. Bukod sa malayo kami, masyadong madilim sa lugar na 'to. Basta ang alam ko lang, umiiyak 'yung batang lalaki habang ginigising ang kasama niya.

Nang makita kong wala na 'yung lalaking humaharang sa akin, nagkaroon ako ng pagkakataong makalapit sa kanila. Sa pagtakbo ko, may bigla na lang humawak sa braso ko at... 

"Gising na, Farrah."  Pinilit kong idilat ang dalawa kong mata at nakita ko si kuya na nakahawak sa braso ko habang niyuyugyog ito.

"Kuya naman eh! Nandoon na ako sa climax ng panaginip ko eh." sabi ko habang kinukuskos ang mata. "Ang aga pa ah."

"Sorry naman. Ano ba yang panaginip na yan? Siguro magkikiss na dapat kayo ni Nathan diyan." Nawala ang antok ko sa sinabi niya.

"Hindi kay---- teka... KUYA PENPEN! Paano mo naman nakilala si Nathan ah?" 

"Actually nasa baba siya. Kanina ka pa nga niya hinihintay eh. Ang hirap mo kasing gisingin. Mukhang gustung - gusto mo yung panaginip mo. Tulog mantika ka talaga." sabay punas niya ng kamay sa mukha ko. Kadiri! "Gusto mo matulog ka ulit para matuloy na kissing scene niyo? HAHA!"

Hinampas ko nga sa braso kaya napa-aray siya. "Nga pala, may itsura si Nathan ah." ngumiti siya ng nakakaloko sabay sabing, "Pero mas gwapo pa rin ang kuya mo." pagmamayabang niya. Siya si Kuya Penpen, short for Aiden SPENcer.

"Oo na lang. Yabang talaga. Tcch. Magccr na ako."

Nagpalit ako ng damit bago bumaba. Nakakahiya namang makita niya ako ng nakapajama lang. Pababa pa lang ako pero natanaw ko na agad si Nathan na kinakausap ni ate. Tumingin siya bigla sa kinaroroonan ko sabay na ngumiti. Nginitian ko rin siya.

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora