Chapter 34 "What's inside the box?"

846 13 0
                                    

Farrah's POV

"Marcus magaling ka na. Alis na dali" pang-aasar ko kay Marcus kasi mukhang feel na feel na niya yung yakap.

"Tsk! User! Ginamit mo lang ako Farrah." Nakita niya? "Nakita ko si Nathan na palabas ng bahay nila tapos bigla mo na lang akong niyakap. Bakit mo yun ginawa?"

"Wala lang. Sorry Marcus..." nginitian ko siya.

"Walang kapatawaran yung ginawa mo. I need a hug ulit para mapatawad kita"

"Hug mo mukha mo."

Tinalikuran ko siya sabay lakad na palayo. Hinabol niya ako para mapantayan ako sa lakad.

"Dali na Farrah para mapatawad kita."

Tinitigan ko siya ng masama.

"Ah-- Biro lang! Thank you Farrah."

"For what?"

"For helping me ease the pain." sabay turo sa dibdib niya.

"Sabi sa iyo nakakagaling yung hug ko eh. Pero dapat hindi sososbra kasi kapag na-overdose nakasasama."

Marcus' POV

Kapag na-overdose masama. Tama siya. Siguro dapat ko nang tigilan 'tong nararamdaman ko para hindi na ako masaktan.

"Tawagan or text mo ako kapag may masakit sa 'yo, ha? Dadating agad ako"

"Talaga?"

"Siyempre! Bestfriend nga kita diba?"

Ouch. Friendzoned.

"Sorry nga pala, Marcus."

"Bakit?"

"May ikekwento ako sa 'yo. Huwag kang maingay sa iba ha? Kayo lang ni Bree ang pinagsabihan ko nito."

Ouch... Ito na naman ata yun. Double dead na ako. BINGI AKO! WALA AKONG NARIRINIG. Ayoko na ulit marinig yung sasabihin niya.

"Sa isang malayong kaharian, may nakatira na isang prinsesa... Joke! Ito na ikukwento ko na talaga. Haha. Kasi..."

Kahit anong gawin ko naririnig ko pa rin

"May gusto ako kay Nathan... iba 'to Marcus ah~ more than crush. Nung nalaman niya na nililigawan mo ako which is not true, kinausap niya ako. May task kasi siya na ako dapat ang makaaccomplish, bale task naming dalawa. Kaso secret kung para saan yun. Sinabi niya na may gusto rin daw siya sa akin tapos nalaman niya na gusto ko rin siya."

Naninikip na naman dibdib ko. Sabihin talaga sa akin 'to? Nakalimutan niya na ata na sinabi ko sa kaniyang crush ko siya. Baka akala niya kasama yun sa joke.

"Pero tinatanggi ko na gusto ko talaga siya kasi... hindi pwedeng maging kami. Basta hindi pwede. Sinabi ko sa kanya na may mahal akong iba para layuan niya ako..."

"Tapos?"

"S---inabi ko i--kaw yun"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

"Sorry talaga Marcus! Saka kaya kanina niyakap kita para malaman niya na totoo yung sinabi ko. Totoo naman talaga yun eh... ano... mahal naman talaga kita bilang kaibigan." Friendzoned again. "Kaya parang hindi na rin ako nagsinungaling nu'n."

"Bakit mo ba yun sinabi? Engot ka talaga! Edi dapat siya kasama mo ngayon hindi ako"

"Hindi nga kasi pwede! Ayaw mo ba akong kasama?"

"Hindi naman..."

Gustong gusto ko nga eh, kahit forever na kitang makasama... Kaso alam ko na mas sasaya ka kay Nathan, kaya nga ako nagpaubaya.

Napabuntong-hininga siya saka nagsalita ng parang 'matatagalan ang pagiging tao' something ang thought. Hindi ko kasi masyadong narinig.

"Ano yung sinasabi mo, Farrah?"

Napailing na lang siya. Nasa tapat na pala kami ng bahay nila.

"Wala wala. Sige Marcus, ingat ka. Sigurado kang hindi na masyadong masakit, ha? Just text or call me kapag kumirot ulit yan." sabay turo niya sa dibdib ko. Nagwave na siya sa akin habang papasok sa bahay nila.

Siguro okay na rin na kaibigan ko pa rin siya. Masaya na ako doon, atleast makakasama ko pa rin siya... pero mahihirapan lalo siguro akong kalimutan yung nararamdaman ko para sa kanya.

Farrah's POV

"Farrah!" Nagulat ako nang bigla na lang akong tinawag ni kuya. "Kunin mo si Chichi dito oh. Ang kulit kulit."

Habang sinasabi yun ni kuya, buhat buhat niya si Chichi habang hinaharot pa. Pagkakuha ko kay Chichi, pumasok na ako sa kwarto kaso pagkasara ko ng pinto pinigil ni kuya.

"Farrah ano... ahm... may number ka ba ni Hannah Breena?"

"Meron..." pagkasabi ko nu'n, isasara ko na sana yung pinto kaso tinulak ni kuya.

"Pwedeng makuha?" Bakit parang nakakaamoy ako ng kakaiba? Oops. There's really something... "Para saan?" sabi ko at napakamot si kuya sa batok niya.

"Para kapag may photoshoot tapos kailangan ng model makocontact ko agad siya."

"Ah--- okay. Isesend ko na lang yung number niya."

Umalis din naman si kuya pagkasabi ko nu'n. Binaba ko muna si Chichi para makapagpalit na ako ng damit. Biglang may kumatok at bumukas agad-agad iyon. Si kuya pala.

"Bakit kuya?"

"Ang tagal mo naman isend"

"Nagpalit lang ako ng damit eh. Ikaw kuya ah. I smell something fishy"

"Nagluluto kasi si manang ng isda. Tsk." namilosopo pa.

"Oo na po. Isesend ko na po"

"Good. Baka kasi makalimutan mo kaya pinaaalala ko lang." sabay sara ng pinto.

Kinuha ko na yung cp ko at isinend kay kuya yung number ni Bree. Madali naman akong kausap eh. Kung sinabi ni kuya na gusto niyang makatext si Bree edi sana binigay ko na agad agad. Tsk. Ang torpe ng kuya ko.

Bigla na lang nagtatahol si Chichi sa hindi ko malaman na dahilan.

"Hey Chichi, ano'ng tinatahulan mo diyan?" saka ko siya binuhat. May tinatahulan kasi siya sa ilalim ng kama.

Hala... Kinikilabutan ako. Baka mamaya--- May multo sa ilalim ng kama ko. Shocks, shocks, shocks. Tumakbo ako palabas ng kwarto habang buhat si Chichi saka dumiretso sa kwarto ni kuya. Nadatnan ko siya na nakangiti habang nakatitig sa cellphone niya.

"KUYA!!!"

Nagulat ko ata siya... bigla kasi siyang bumagon.

"Bakit Farrah?! Anong nangyari?!" nag-aalalang tanong niya.

"Dito muna ako. May multo ata sa ilalim ng kama ko eh."

"Sige, samahan kita sa kwarto mo. Titingnan ko yung nasa ilalim ng kama mo."

Buti na lang may mabait akong kuya. Kung wala, baka sa sala ako matutulog.

Nakahawak lang ako sa laylayan ng damit ni kuya pagkapasok namin sa kwarto. Binitiwan ko lang iyon nung sisilipin niya na kung ano yung nasa ilalim ng kama.

"Sus! Box lang nandito Farrah kaya wag ka nang matakot."

May nilabas si kuya na katamtaman lang na laki na box. Iyon yung box na nakita ko dati.

"Alis na ako ha. Walang multo sa ilalim ng kama mo."

Lumabas na si kuya. Pumunta ako sa labas ng bahay para dalhin na si Chichi sa dog house. Napatingala ako. Full moon ngayon Gusto kong titigan kaso malamig kaya pumasok na rin ako kaagad, mamaya maging lobo pa ako. Pagkabalik ko sa kwarto, napatingin ako sa box.

Ano bang meron dito at lagi na lang tinatahulan ni Chichi?

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now