Chapter 14 "Secret ni Marcus"

1K 21 0
                                    

Farrah's POV

Ang tagal naman ni Nathan. Kanina pa kami naghihintay ni Marcus dito. Kinuha ko 'yung cellphone sa bulsa ko at tinext siya.

To: ♥ Nathan my love ♥

Nasaan ka na? Kanina pa kami naghihintay sayo.

Namuti na mata namin kahihintay dito. Matindi.

From: ♥ Nathan my love ♥

Nakaalis na ako. Sorry kung di na ako nakabalik. Emergency.

Ano kaya yun? Oh well. Kasabay ko naman si Marcus kaya okay lang.

"Marcus uwi na tayo. Nauna na raw kasi si Nathan."

"Talaga?"

"Yes, kaya tara na."

Hindi pa naman masyadong gabi pero kaunti nalang ang mga taong naglalakad. Nakakapanis ng laway. Hindi kasi nagsasalita 'tong si Marcus. Kausapin ko na nga. Tumigil ako at humarap sa kanya.

"Marcu---s may---"

Napaturo na lang ako sa balikat niya. Napatingin naman siya sa tinuturo ko. Nagulat siya pero mas nagulat ako sa reaksiyon niya.

"WAAAAAHHH!!!" napasigaw siya at nagtatalon.

"Oy oy oy! Lumayo ka nga!" napayakap siya sa akin pero tinulak ko siya. Laptrip. Nalaglag naman yung ipis kaya inapakan ko na. Teka. Laruan lang naman pala "to eh. Paano naman kaya nagkaroon ng ganito sa balikat niya? Kinuha ko saka tinapat sa mukha niya. Takbo siya ng takbo. Mukhang takot na takot talaga siya. Hindi pa ba obvious?

"'Wag ka na matakot. Laruan lang naman 'to eh"

"A-ko? Nata-kot? Oy hindi ah!"

"Nagdedeny ka pa eh nakita na ng dalawa kong mata kung gaano ka magpanic sa laruang ipis na 'to."

"Nagulat l---lang ako."

Hinagis ko sa kanya kaya nagulat na naman siya at mabilis na umiwas.

"Ano ba?! Tama na nga. Takot nga ako sa ipis. Masaya ka na ba sa nalaman mo?!"

"Ang liit liit lang niyan. Bakit ka naman takot diyan?"

"Secret. Bakit ko sasabihin?"

Nakarating din naman kami ng payapa sa bahay. Hinatid niya muna ako kasi gabi na raw at baka kung anong mangyari sa akin. Sweet ba? Hindi rin. Sabi niya kasi wala na raw siyang maaasar kapag nawala ako. Ang sarap kutusan.

Nakakapagod na araw ito. Naghabulan kasi kami ni Marcus sa gitna ng kalsada eh.

♪Ang mahiwagang mensahe♪

May nagtetext pa ng ganitong oras? Sino naman kaya 'to? Unregistered number eh.

}> Please keep your promise :)

Nagreply naman ako.

]= Who's this?

}> Mean. Hindi ba nakaregister ang number ng gwapong si Marcus sa phone mo?

]= Hindi. Kaya nga tinatanong ko eh.

}> Ang sama mo talaga. Pero si Nathan ang ganda pa ng pangalan diyan. Akala mo di ko nabasa? May patago tago ka pang nalalaman. Ayoko ng Marcus lang yung pangalan ko diyan ah. Gusto ko maganda.

]= Done.

}> Ano nilagay mo?

]= Evil Marcus

}> Bakit ganoon? Ang pangit. Ibahin mo. Lagay mo ♥ Handsome Marcus 

]= Ayoko nga. Kadiri. Saan banda kagwapuhan mo?

}> Sa lahat ng banda. Dali na. Baguhin mo na.

]= May puso talaga dapat?

}> OO

]= Okay na. Masaya ka na?

}> Hindi pa. Yung promise mo pa.

]= Aba 'to!!! Ano ba yun? Wala akong maalala.

}> Grabe ka. Sabi mo sasamahan mo ako bumili ng regalo.

]= I changed my mind. Ayoko na. Di mo sa akin sinasabi yung dahilan kung bakit takot ka sa ipis eh.

}> Nangako ka tapos di mo tutuparin. Bakit ganyan ka?

]= Walang panga-pangako kung hindi mo sa akin sasabihin secret mo.

}> That's unfair. Nangako ka na tapos hindi mo naman pala tutuparin.

]= Sige sasama na ako sa iyo. Sabihin mo na sa akin.

}> Promise?

]= Oo, cross my pure heart. Now, sabihin mo na kung bakit ka takot.

}> That's a secret :P Sasamahan mo na ako ah. Nangako ka na. Ha? Farrah?

Naloko ako dun ah. Hayaan na nga. Iniwan ko na muna 'yung cellphone sa besdide table saka pumunta ng CR para maghilamos. Pagkacheck ko ng phone, nakita kong 40 messages from ♥ Handome Marcus ♥

Tinadtad ako ng ugok na 'yon. Mayaman sa load ah. Grabe! Nung binasa ko 20 na 'Hey!', 10 na 'Are you mad?' at 10 na 'Farrah! Galit ka ba sa akin?'

Mukhang masaya 'to ah. Pagtripan ko kaya? Nagreply ako.

]= Wag mo na akong itext kahit kailan. Buburahin ko na ulit number mo. Naiinis ako sa iyo. Kalimutan mo nang may nakilala kang Farrah. Nalaman ko tunay mong ugali dahil sa simpleng secret na 'yan. Nakakainis. Hindi na rin pala kita sasamahan sa pamimiling yan, diba di nga tayo magkakilala? I don't go out with strangers.

Marcus' POV

My heart was broken into pieces. Banas na ipis kasi yan.

Nagtext ulit ako.

To: My Princess :)

Farrah sorry na. Sasabihin ko na yung secret ko magreply ka lang. 

Ten times ko na siyang tinext ng ganoon pero hindi pa rin siya nagreply. Nababaliw na ata ako. Hindi ako makatulog, to think na madaling araw na at may morning class pa ako bukas.

Why are you doing this to me, Farrah? 

Farrah's POV

Thursday. Ibig sabihin tapos na ang pre-lim. Pagkakuha ko ng phone, nagulat na lang ako sa dami ng text messages na nakuha ko. Konti na lang isasako ko na 'to ugok na 'to. May plano pa atang pasabugin ang inbox ko. Pero may isang text na tinitigan talaga ng mata ko. 

From: ♥ Nathan my love ♥

Good morning Farrah. Sorry di kita masusundo. May inayos kasi ako sa school kaya maaga akong pumasok. Sa school ko na lang sasabihin. Ingat. 

Ano kaya 'yun?

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin