Chapter 8 "I.L.Y."

1.4K 30 1
                                    

A/N: This chapter is dedicated to Mercidez Valenzuela Octa :) yieee~~~ super naa-appreciate niya kasi yung story ko :D yey! Isa siya sa dahilan kung bakit pinagpapatuloy ko pa rin ito. Siya ang nagpapaalala sa akin na hindi kailangan ng maraming readers, ang mahalaga ay may taong kahit iilan lang ang natutuwa sa ginagawa mo. Drama ba? sige basa na ^_^

=====

Farrah's POV 

4 weeks na rin ang lumipas. Saturday ngayon at sa monday na ang tournament. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang Tinikling pa ang uso, ngayon gwiyomi na. Ay? Anong connect? Mukhang hasang hasa naman na ang lahat ng varsity sa school namin. Ready to fight na.

Every weekdays, sabay kami ni Nathan sa pagpasok. Kami naman ni Marcus, ganoon pa rin, parang aso't pusa. Ang bait ko sa kanya pero palaging mainit ang dugo niya sa akin. Kapag napuno ako pinapatulan ko na siya. Si Bree naman... Ayun, maganda pa rin. Ako? Hindi ko alam. Hahaha.

Time flies so fast. Parang kahapon lang yung first day pero ngayon masasabing kong close na close na talaga kami ni Nathan, Bree at... i think, Marcus. Nilagay ko ang dalawa kong braso sa mesa at isinubsob doon ang ulo ko. Inantok ako bigla.

Sa pagpikit ko, nakapasok agad ako sa panaginip ko. Napaupo ako sa isang malaking bato. Hindi ko alam kung paano ako nakarating doon. Tumingin ako buong paligid para maghanap ng kakilala pero wala. Nakarinig ako ng kaluskos mula sa harap ko at pagkatingin ko, nakita ko 'yung lalaking palagi kong hinahabol. Katulad ng dati, nasisinagan pa rin ng araw 'yung bandang ulo niya kaya hindi ko makita 'yung itsura niya. Nalalaman ko lang na siya 'yun dahil sa damit niya.

Papalapit siya nang papalit at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ako natatakot sa kung anong pwedeng gawin niya sa akin. Nang makalapit na siya, hinawakan niya ang mukha ko gamit ng isa niyang kamay.

"I'm glad that you're living a happy life." sabi niya sa isang malalim na boses. Tinalikuran niya na rin ako at nagpatuloy na sa paglakad palayo sa akin.

"Saglit lang." inilahad ko ang isa kong kamay. Sa unang pagkakataon, parang hinigop ako ng panahon pabalik sa realidad. Unang beses na naramdaman ko iyon. Nagising ako nang maramdaman kong may kumakalabit sa akin. Pagkaangat ko ng ulo mula sa desk, lumingon ako sa likod para tignan kung sino 'yung nangangalabit.

"Gotcha~"  Si Nathan pala. Nakatusok 'yung daliri niya sa pisngi ko nung napalingon ako.

"WAAAAHHH!" napasigaw ako pagkakita ko sa kaniya. "Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"

"Wala. Namiss lang kita Farrah."

"Kakakita lang natin kanina sa kalsada nung nagbababike ka at bumibili ako ng--- ugh~ forget it.. Miss agad?... May lihim ka atang pagtingin sa akin ah. Sabihin mo lang."

"I.L.Y."

I.L.Y? Did i mishear it? Pero malinaw na malinaw 'yun. Sabi niya I.L.Y. Pakiramdam ko tumaas 'yung dugo ko papunta sa pisngi.

"Nathan?" 

"Nagb'blush ka ba? Joke lang yun! Gusto mo naman."

"H-HINDI AH! Nababaliw ka na!"

"Oo, nababaliw sa iyo." sabi niya sabay tumawa. Sige tawa ka pa.

"LUMAYAS KA SA LOOB NG KWARTO KO!" 

"Nagalit siya dahil joke lang mga sinabi ko."

"Hind---" nahinto ako nang palapitin niya nang palapitin 'yung mukha niya sa mukha ko. Ano bang ginagawa niya?

"Gusto mo bang patunayan ko na--- "

"Na----" nangangatog kong sabi.

Tinapik niya ako sa noo. "... na joke lang pala talaga 'yung mga sinabi ko." Tumawa siya nang napakalakas. "Maligo ka ulit. Nangangamoy ka na"

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now