Chapter 49

645 13 1
                                    

A/N: Belated Merry Christmas ^_^ Sorry kung ginawa kong ONHOLD. Mag-a-update pa rin naman ako kaso medyo matagal tagal. Focus ko kasi 'yung isa kong ongoing series 'Love in Silence'. If you have time, please check out for that. Naeenjoy ko kasi paggawa doon at ibig sabihin nu'n, maeenjoy niyo rin siyang basahin.

=====

"Farrah, saan na 'yung mga gamit na dadalhin mo?" sigaw ni ate mula sa sala.

"Nasa kotse na!" sigaw ko pagkalabas ng cr. Late na akong nagising kasi late na rin akong nakatulog. Dami ko kasing inisip. Si Nathan kasi eh.

May kumatok sa pintuan ko. "Farrah? Matagal ka pa ba?" si Mommy.

"Saglit na lang po." naghanap pa ako ng maayos na maisusuot para naman kahit papaano presentable ako sa paningin nung kaibigan ng aking nanay. Pagkasuot ko ng sandals at dress, tumakbo na ako palabas sabay hablot ng bag ko sa sala. Nagkanda-tapilok-tapilok pa ako.

Almost 3 hours ang biyahe. Nakakangalay. Ang sakit sa likod. Ang sakit sa ulo. Nangawit din ako sa sobrang tagal ng pagkakaupo. Daming reklamo sa buhay.

Pumasok na kami sa paradise-like na pag-aari ng friend ni Mommy. Ang ganda. Napapanganga na lang ako habang pinagmamasdan 'yung paligid. Para akong taga-bundok na ngayon lang nakapunta sa ganito kagandang lugar. Amazing kasi talaga sa paningin.

"Eliza! Oh my goodness." sabi nung babaeng kaedaran ni Mommy pagkababa niya sa hagdan. Nagbesohan pa sila. Siya pala 'yung friend ni Mommy.

"Looking good ah. Hindi na nakakapagtakang lumaki ring magaganda ang mga anak." lumapit siya sa amin at saka bineso kami ni ate.

"Nga pala, this is Sophia, my eldest child and Farrah, my youngest. Hahabol na lang daw 'yung nag-iisang lalaki. Alam mo naman. Masyadong hectic ang sched dahil sa career."

"Sayang naman." napatingin siya sa amin ulit. "Kay gagandang bata oh. Naalala ko nung una kong kita sa kanila, maliliit pang bata. Look at them now, they've grown into beautiful--- i mean GORGEOUS ladies." nakita na niya kami dati? Bakit hindi ko maalala? Baka sa sobrang katagalan na rin.

"You must be into modelling, Sophia dear." sabi niya kay ate.

"No, tita. I'm into fashion designing." at nginitian niya ito.

"Oh really. Same as my eldest child. That's great." Napatingin siya sa akin. "How about you Farrah? Are you into modelling? You look like one." at tumawa siya ng pangdonya. Napaclap clap na lang ako sa isip ko. Parang siya ata 'yung model or something. Parang nakita ko na nga siya dati pa. Hindi ko lang alam kung saan.

"No, ma'a--- tita. Nag-aaral pa rin po ako." napa-ma'am pa ako ng sabi. Nakakahiya. Mukhang napa'MA'AM YOUR FACE' siya sa sinabi ko. Joke lang.

"You know? Pwede mo namang pagsabayin 'yung dalawa, iha. You will look good in large format photographs---- like billboards. Pwede kang magmodel." sabi niya habang parang ineexamine 'yung mukha ko. Nakakahiya.

"I will take care of you if you want." model din ata siya. O manager? Mukha siyang... model. Ang ganda niya kahit mukha nasa mid 40's na.

"It's my pleasure but no, thank you tita. Hindi ko po ata kayang pagsabayin ang modelling sa pag-aaral."

Humarap si mommy kay tita. I think she is trying to change the topic.

"Bakit hindi na lang tayo mag-usap ng mga ganyan mamaya? It's been a long day, Beatrice. Napagod ata ako sa biyahe namin. Ikaw pinepressure mo ang mga anak ko sa questions mo." at tinapik niya si tita sa likod.

Whoa~ that was close. Akala ko pipilitin pa ako eh.

"I'll give you time to think, dear. Pagpasensiyahan mo na ako ah. Nakitaan kasi kita ng star value. Alam mo 'yun? Next big star of your generation." sabi niya na parang nakakita ng star sa mukha ko. Hala.

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now