Chapter 9 "Sleep over sa bahay nila Nathan... pero bakit kasama 'tong--?"

1.5K 28 1
                                    

Farrah's POV

Tumunog 'yung cellphone ko at pagkatingin ko rito, bumulaga sa akin 'yung pangalan ni ate.

Message:

Hi baby~ kina Nathan ka na matulog. Wala nang magbubukas sa iyo ng gate kasi tulog na si yaya. Tinatamad naman akong bumaba at magbukas ng gate. Itetext ko na lang si Nathan na doon ka matutulog sa kanila. Goodnight and have a nice dream.

=Message ends here=

 

Ang aga naman ata nila matulog? Mga nocturnal 'yun eh. Baka naman niloloko lang ako ni ate. Hindi talaga pwede. Alam ko si yaya nanonood pa ng teleserye sa mga ganitong oras. Baka naman naisipan niya ngayon lang na magbeauty rest. Hayst.

"Tinext ako ni ate Sophia na sa bahay ka raw muna namin matutulog." napatingin ako kay Nathan pagkasabi niya nu'n. "Tara na." Magaling na kapatid. Hinahayaan ang bunso nila na matulog sa ibang bahay. Naku naman. Pinagkakatiwalaan nila masyado si Nathan at--- lalo na ako.

Pagdating namin sa bahay nila pinahiram muna niya ako ng damit ng ate niya. Paglabas ko ng cr nagulat ako kasi nandun si--- Marcus. Nakaupo sa couch habang kausap si Nathan.

"Hi Marcus" bati ko.

"A-anong ginagawa mo d-dito?" pagtataray ni Marcus sa akin. Mukhang nagulat din siya sa akin.

"Makikitulog. Ikaw din ba?" Hindi siya nagsalita at si Nathan na lang ang sumagot sa tanong ko.

"Oo nga pala Farrah, nakalimutan kong sabihin na every Saturday night nandito si Marcus. Dito siya natutulog sa amin" Napatango na lang ako. Best buddies? Well.

Napahikab ako sa kaantukan at napansin siguro ni Nathan 'yun kaya sinamahan na niya ako papunta sa guest room nila. Wow, guest room ba 'tong pinasukan namin? Parang may pinaglalaanan talaga sila para sa kwarto na ito eh. May mga stuff toy sa loob tapos mukhang araw araw nililinisan kasi walang kaali-alikabok. Color pink lahat. Ang lambot ng kama kaya nakatulog agad ako.

"Let's play."

Nakarinig ako ng ingay mula sa dalawang bata na naglalaro sa loob ng kwarto. Napabangon ako. Kaano-ano kaya 'to ni Nathan? Mukha naman silang hindi multo kasi colorful ang damit nila. Hahaha. Gawin daw bang basehan ang kulay ng damit?

Lumapit ako para kausapin sila.

"Hello. What are you doing here? It's too late for the two of you to play around. You should be sleeping now." Hindi ata nila ako napansin.  Dedma sila sa akin. Like I'M HERE YOW! Pansinin niyo naman ako.

"You're more beautiful than this doll, Erre." Cheesy itong batang lalaki ah. Naamoy kong may lihim na pagtingin itong boy sa girl. Erre pala yung pangalan ng babae. Kakaiba ah.

"Salamat Lence."

Hindi ko makita 'yung mukha ng batang babae kasi natatakpan ng buhok. Hawiin ko kaya? Kinakabahan ako. Baka si sadako 'to eh. Child version tapos itong batang lalaki yung kalove team niya. Napailing na lang ako. Imahinasyon ko talaga. Napakalawak.

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now