121ST ROSE || Surprise Blowout

Start from the beginning
                                    



"Class pres, good morning!" gusto ko sanang batukan si Price dahil mas ginulat n'ya ako sa pagkuha n'ya ng stolen shot kesa sa malakas na pagbati n'ya sa akin.

Pero hindi ko nalang ginawa 'yun. "Good morning din. Ang saya-saya mo ah?"

"Yes, I am! Wanna know why?" he grinned from ear-to-ear. "Senior Austin is offering me a photography training with him as my trainer. Isn't it amazing?"

Tuwang-tuwa akong pumalakpak para sa kanya. "Waah, congrats, Price! Finally, natupad na rin ang pinapangarap mong maturuan at makasama sa larangang iyan si Sir Austin."

"Salamat, Class pres," Price smiled at me in a giddy manner. Natutuwa naman ako dahil do'n dahil magagawa na rin n'ya ang matagal na n'yang hangarin.

"Class pres, you'll join us in the refectory later, right? May bago akong recipe na pinag-aralan kagabi at sana magustuhan mo 'yon!" sabi ni Riel habang inaakbayan si Price.

"Ano na namang recipe iyon, Riel?" tanong ni Leogne sa kanya na nakaupo sa isa sa mga mesa na nasa gilid ko. Mukhang hinahanda n'ya ang sarili n'yang hindi matawa sa magiging sagot ni Riel. Baka iniisip n'ya na Pancit Canton ang naluto ni Riel dahil sa reaksyon n'ya.

"Pochero!" Riel grinned at us. "I learned it from our new maid."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi n'ya at bahagyang pumalakpak. "Talaga? Pochero?"

Kumunot naman ang mga noo nina Leogne at Price. "What was that?"

Paboritong pagkain ko 'yung Pochero! "Sige ba! Excited na akong matikman iyon!"

"Great!" lumapad pa ang ngiti ni Riel sa akin.

"What's that dish, Riel? Mind telling us?" agad s'yang kinulit nina Leogne at Price.

"Secret! Basta, makikita n'yo rin mamaya!"

"Ngayon mo na kasi sabihin!"

"Ayoko nga! Tinatamad akong mag-describe ng itsura no'n!"

"Chelle..." napatingin agad ako kay Nathaniel na prenteng nakasandal sa hamba ng pintuan ng classroom namin.

Ngumiti naman ako at hinarap s'ya. "Good morning."

Ngumiti rin s'ya sa akin at tumango. "Can you make a coffee for me? I still haven't taken my breakfast and I just arrived from Chicago."

Tumango naman ako sa kanya bilang tugon. "Sige ba basta ikaw."

He let go a husky chuckle and we walked out of our classroom.



Ang daming naikwento si Nathaniel sa akin habang naglalakad kami papuntang SSG office. Pansin ko nga, naging madaldal nga ngayon si Nathaniel at nakakapanibago 'yon para sa akin. Pero hindi bale, natutuwa nga ako at naging ganito s'ya sa akin kesa nung una nung magtapat s'ya ng pag-ibig sa akin. Para bang nagiging maayos na rin ang lahat sa pagitan naming dalawa.

"We're actually planning to launch a jumbo airplane in Canada, Chicago and New York. I hope the board will agree about it," at sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon ko lang narinig si Nathaniel na nagdarasal na sana'y ma-aprubahan ng board of directors ng kumpanya nila ang suhestyon o proposal n'ya. Dati-rati'y gusto n'ya na kung ano ang gusto n'ya'y 'yon na ang masusunod at wala na s'yang pakealam sa opinyon ng ibang tao. Nakakatuwa talaga ang pagbabago ng pananaw n'ya sa opinyon at opinyon ng ibang tao. Magandang senyales 'yon na nagsisimula nang magtiwala at makinig sa ibang tao si Nathaniel. Hindi na s'ya ganoon ka-egocentric.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now