Enter 70: Iloveyoumore

Start from the beginning
                                    

"Nasaan tayo?," tanong ko sa kaniya nang mapansin kong nasa mataas na lugar kami.

Ngumiti lang siya kaya lumabas na ako.

Gaya nga ng sabi ko kanina, nasa isang mataas na lugar kami. May mga puno rin ang paligid. Kita namin ang dagat na nasa baba.

"Ang ganda," sabi ko.

Sumandal siya sa kotse niya tsaka niya ako hinila at niyakap mula sa likod. "Sabihin mo, anong problema?," rinig kong bulong niya.

Yumuko ako at tinigna lang ang kamay niya na nakapulupot sa bewang ko.

"Wuy ZK. Sabihin mo naman kung anong problema. Nag-aalala na ako sa'yo," tinaggal ko yung kamay niya at humarap sa kaniya.

Nagulat siya nang makita niyang umiiyak ako.

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Nag-aalala na ako sa'yo...," sabi niya ulit.

"N-narinig ko kayong nag-uusap ni Tito Rod kanina," halos hindi ko na masabi dahil umiiyak ako. Ang sakit kasing isipin na mismong tatay niya, ayaw sa relasyon namin.

Naramdaman ko ang yakap niya.

"Narinig ko na gusto niyang maghiwalay tayo dahil ayaw niyang may anak na makikipagrelasyon sa kapwa niya lalaki," sabi ko pa.

Hinawakan niya ang magkabilqng pisngi ko at iniangat niya ang mukha ko.

"Makinig ka sa akin. Pabor man o hindi sa relasyon natin, wala akong pakealam. Mahal kita at ayaw kong maghiwalay tayo kaya kung kinakailangang talikuran ko ang pagiging anak sa kaniya, gagawin ko"

"A-ano? Hindi naman tama-"

"Tama man o mali, gagawin ko yun. Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa'yo. Naiintindihan mo ba ako, ZK?," tumango bilang sagot. Hinalikan niya sa noo.

"I love you"

"I love you more"

••••••••••

[Josh's POV]

[FLASHBACK]

Paggiging ko ay lumabas ng kwarto. Gusto ko kasing magluto. Pero sa kasamaang palad, pababa rin ng hagdan si Dad.

Hindi ko nalang siga pinansin pero tinawag niya. Ipinagwalang bahala ko nalang yun na para bang wala akong narinig.

"Christian! I said stop!," ramdam ko ang pagkainis sa boses niya. Hinaral ko siya.

"What? Magluluto pa ako. May kailangan ka?," naramdaman ko nalang na dumapo ang kamao niya sa pisngi ko. Fvck.

"Talagang kinakalaban mo na ako Christian. Ano bang nakita mo sa lalaking yun? Oh baka naman, may ginagawa siya sa'yo kaya ayaw mong iwan....," sabay ngisi pa niya.

Hindi ko na napigilan. Sinuntok ko na rin siya.

"Hindi ganun si ZK! Hindi mo siya kilala! Kung ayaw mo sa kanya, bumalik ka na kung saan ka dapat! Bakit ba pinapakialaman mo buhay ko? Bakit ka pa bumalik? Masaya na kami Dad kahit wala!," madiin kong sabi at iniwan siyang nakaupo sa sahig.

Nang makapagluto ako ay agad kong ginising si ZK. Tinanong niya kung bakit ako nagkapasa sa gilid ng labi. Hindi ko naman pwedeng sabihin na, sinuntok ako ng tatay ko kagabi.

Sinabi ko nalang na nadulas ako at yung gilid ng bibig ko ang napuruhan. Hindi naman siya nagtanong pa tungkol sa pasa ko.

[End of Flashback]

Napabuntong hininga ako bago tuningin kay ZK na natutulog. Pauwi na kami.

"Pangako ZK. Ipaglalaban kita," sabi ko sa tulog na ZK.

••••••••••
A/N: 😪😪😪😪

*unedited*

Entering All Boys' School (boyxboy)Where stories live. Discover now