113TH ROSE || Myrtle's Suspicions

9.5K 292 23
                                    

113TH ROSE || Myrtle's Suspicions


- THE ROSE WHO LOVES TO STORYTELL -

"Michelle! Gumising ka na. Malelate ka na sa school!" panay ang katok ni Mama Rona sa labas ng kanyang kwarto ngunit walang ni isang galaw na ginawa si Michelle. Wala talaga s'yang balak pumasok sa eskwelahan ngayon dahil masama ang kanyang pakiramdam.

Hindi pala pakiramdam. Sadyang kumikirot ang puso n'ya na umabot sa puntong napagod s'ya.

"Musulod ko langga ha?" tumigil sa pagkatok si Mama Rona at pumasok s'ya sa kwarto ni Michelle. Isang pagtatakang tingin ang ipinukol ni baklang tiyuhin ni Michelle sa kanya. "Langga, bakit hindi ka pa nagbibihis? Magbihis ka na baka ma-late ka sa school."

[*TRANS: Papasok ako langga ha?]

Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Michelle. "Parang ayaw ko atang pumasok ngayon, Mama Rona."

Agad namang umupo sa paanan ng kanyang kama si Mama Rona. "Bakit Langga? Nakakapanibago dahil hindi mo naman ugaling mag-absent sa school. May sakit ka ba? Gusto mo dalhan kita ng gamot dito?"

Muling bumuntong-hininga si Michelle. "Mama Rona..."

"Hmm?"

Unti-unting umangat ang tingin ni Michelle sa kanyang baklang tiyuhin. "Masama po ba ako?"

Halatang nagulat si Mama Rona sa naging tanong n'ya. "Langga, hindi. Ikaw kaya ang pinakamabait, pinakamapagmahal at pinakamasipag kong pamangkin sa buong universe! Bakit mo nasasabing masama ka?"

Nagbaba ng tingin si Michelle at unti-unti n'yang naramdaman ang pagdaloy ng kanyang mga luha. "Masama ako... dahil nagawa kong saktan ang taong sa simula palang ay pinahalagahan na ako."

Naramdaman ng tiyuhin n'ya ang hinanakit sa kanyang boses kaya marahan nitong hinawakan ang kanyang kamay. "Langga..."

Mas dumaloy pa ang mga luha sa kanyang mga mata. "Hindi ko man lang iyon nakita. Hindi ko man lang nakita ang lahat ng mga nagawa n'ya para sa akin, para lang sumaya ako. Sinaktan ko lang s'ya. Ang sama-sama ko, Mama Rona."

Agad namang umusog si Mama Rona para yakapin ang ngayo'y umiiyak n'yang pamangkin. "Shh, 'wag ka nang umiyak, Langga. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari dahil ngayon ka lang nag-open up sa akin pero, kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon at ng kaibigan mo, pagsubok lang ito at alam kong may plano ang Diyos para sa inyong dalawa. Magiging maayos rin ang lahat. Magtiwala ka lang."

Tumango naman si Michelle at niyakap pa nang mahigpit ang kanyang tiyuhin. Marahan namang humiwala sa pagkakayakap ang kanyang tiyuhin at pinunasan ang kanyang mga luha. "Kaya 'wag na iketch mag-Crayola Khomeni! Cha-chaka ang fes mo sige ka. Dapat happy lang, oke?" natawa naman si Michelle sa sinabi ng kanyang baklang tiyuhin. "So, papasok ba iketch o hindi na? Baka masama parin pakiramdam mo."

Ngumiti naman si Michelle sa kanya. "Okay na po ako. Papasok na po ako."

"Basta, tandaan mo na pagsubok lang ito at alam kong may plano ang Diyos para sa inyong dalawa. Magiging maayos rin ang lahat."

Tumango naman si Michelle at muling niyakap ang kanyang tiyuhin. "Salamat, Mama Rona."

"Walay sapayan, langga."



Umangat ang tingin ni Michelle sa building na nasa harap n'ya ngayon habang nakahawak nang mahigpit sa strap ng kanyang backpack. Ang totoo n'yan ay wala talaga s'yang balak pumasok dahil sa nangyari kahapon ngunit sayang naman ang bagong leksyong makukuha n'ya sa araw na ito kung a-absent s'ya kaya kahit wala s'ya sa kondisyong pumasok, papasok na lamang s'ya.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon