111TH ROSE || 18 Poems for Michelle

Start from the beginning
                                    

"Meow~" agad naman itong binuhat ni Michelle.

"Woah, nung pinulot kita ang payat-payat mo at kasya kalang sa dalawang palad ko tas ngayon ganito ka na kalaki at kabigat!" natatawang pahayag ni Michelle habang nilalambing s'ya ng pusa. "Ang dami atang pinakain sa'yo ng mayaman mong amo ah?"

"Matakaw s'ya, nagmana sa'yo," untag ni Tric at agad naman s'yang sinamaan ng tingin ni Michelle ngunit natawa na lamang s'ya habang nakatingin sa nakabusangot na mukha.

"Tara na nga Light. Ipagluto na natin 'tong mayamang amo mo kung anu-ano na ang sinasabi," natatawa parin si Tric habang sinusundan ng tingin si Michelle na buhat-buhat parin n'ya si Light.

Natigilan naman sa paglalakad si Michelle nung may naalala s'ya. Agad naman n'yang hinarap si Tric. "S'ya nga pala, Tric. Nag-text sa'yo ang papa mo kagabi. Mukhang papupuntahin ka n'ya ng Korea kagabi dahil may business party daw ang mga Park at kailangan daw kayong dalawa doon. Sinabi ko na hindi ka makakapunta dahil inaapoy ka ng lagnat at hirap kang makagalaw. Sorry kung pinakialaman ko 'yung cellphone mo. Magluluto na ako!"

Bago pa man marinig ni Michelle ang sasabihin ng binata ay agad na s'yang lumabas sa kwarto nito.

Umawang lang ang mga labi ni Tric matapos n'yang marinig ang sinabi ni Michelle. Humugot s'ya ng isang malalim na paghinga bago n'ya kinuha ang kanyang cellphone sa side table at binuksan ito. Agad n'yang binuksan ang text ng kanyang Abeoji na hindi na ulit nabuksan ni Michelle.

 Agad n'yang binuksan ang text ng kanyang Abeoji na hindi na ulit nabuksan ni Michelle

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Abeoji: Tae Hyun, I want you to go to Korea tonight. Park Jong Suk invited us to go to his business party. I'm expecting you to come at 7PM.

Me: Sir, good evening. This is Baek Tae Hyun's classmate. I'm sorry to tell you that he's not able to travel to Korea and attend the party as of this moment because he's experiencing a high fever and he's not able to move because of his migraine too. I hope you understand, sir.

Abeoji: Oh, is that so. Tell him to take a rest.


Bumuntong-hininga na lamang si Tric at nilagay sa kanyang kama ang kanyang cellphone.

So much for expecting his dad to be worried about his well-being, huh?



Naging masaya naman si Michelle habang nagluluto kasama ang mga maid ni Tric. Akala n'ya puro mga Koreana ang mga maid ni Tric pero may iba naman na purong Pilipino. May iba rin na mas matanda pa sa kanya na nagtatrabaho roon. Masasabi n'yang sobrang mababait talaga ang mga katulong ni Tric kahit magaspang ang trato ng binata sa mga ito.

"Nakakatuwa naman po at kayo pa po ang nagluluto ng agahan ni Young Master, Miss Michelle," nakangiting wika ni Heidi, isa sa mga katulong ni Tric.

"Nag-ke-crave kasi iyon ng sinigang kaya pinagluto ko na s'ya. Pinagbigyan ko lang dahil may sakit s'ya. Hahahaha," sabi naman ni Michelle habang nilalagyan ng sampalok ang sabaw na pinakukuluan n'ya.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now