111TH ROSE || 18 Poems for Michelle

Start from the beginning
                                    

"Alam mo ba kung sino ang naghatid sa akin pauwi rito sa bahay?" tanong ni Tric sa pusa. Lumingon naman si Light sa gilid ng kama na para bang may tinuturo s'yang kung ano.

Naramdaman n'ya ang isang mainit na kamay na nakahawak sa kanya kaya lumingon s'ya rito at bumungad sa kanya ang natutulog na si Michelle na nakasuot na ng iasng puting blouse na may maitim na laso na nakabalot sa leeg nito at isang mahabang kulay yellow na palda. Nanatili ang titig n'ya sa dalagang mahimbing na natutulog ngayon habang hawak ang kanyang kamay.

He smiled at her as he fixed the fringe on her forehead which slightly covered her closed eyes. Mukhang naramdaman iyon ni Michelle kaya unti-unting bumukas ang kanyang mga mata at nagtagpo agad ang kanilang mga paningin.

"Good morning..." bati ni Michelle sa kanya kasabay ng pagsilay ng kanyang ngiti.

"I'm hungry," hindi alam ni Tric kung babatiin din ba n'ya si Michelle kaya iyon ang nasabi n'ya.

Michelle snorted and giggled after what she heard from Tric. "Sige, sasabihan ko si Mr. Choi na ipaghanda ka ng pagkain."

"No. I want your cooking. I want sinigang," Tric said in a husky, low voice.

Michelle snorted again. "Hindi ko alam na ganyan ka ka-spoiled kapag nilalagnat ka."

Hindi na lamang nag-komento si Tric. Ang totoo n'yan, ito kasi ang unang beses na may nag-alaga sa kanya sa panahong ito na may sakit s'ya kaya sinusulit lang n'ya ang pagkakataon.

He slowly sits up on his bed as he leaned on the headrest with Light on his lap, poking their intertwined hands. "Paano tayo nakalabas sa clinic? Paano ako nakauwi?"

Sa pagkakatanda n'ya kasi, hindi na n'ya nakayanan ang sobrang bigat ng pakiramdam n'ya habang nagkakaroon sila ng long quiz kaya inexcuse n'ya ang sarili n'ya na pupunta sa restroom pero ang totoo ay pupunta lang s'ya sa clinic para itulog ang masamang pakiramdam n'ya. Alam n'yang sira ang pintuan ng clinic na napuntahan n'ya pero masyado na s'yang naghihina at nahihilo kaya doon nalang s'ya namalagi. Nilagyan lang n'ya ito ng bato para hindi s'ya ma-lock sa loob ng clinic. At biglang dumating doon si Michelle, nasara n'ya ang pintuan at na-trap sila sa loob. At hindi na n'ya alam ang mga sumunod na nangyari dahil maysakit s'ya. Mabuti nalang talaga at Sabado ngayon kaya makakapagpahinga nang maayos si Tric.

"May rumoronda kasing school guard tapos napansin n'ya na bukas 'yung ilaw ng clinic kaya binuksan n'ya para i-off 'yon tas nakita n'ya tayong dalawa. Nagpatulong ako sa kanya na parahan n'ya tayo ng taxi para maihatid kita kasi nga inaapoy ka ng lagnat. Hindi mo nga namalayan 'yung ginawang pagbuhat namin sa'yo eh," napangiwi naman si Michelle habang minamasahe ang kanyang kanang balikat. "Ang bigat mo pala talaga. Buti nalang malaki 'yung katawan ng guard. Hahaha."

"Bakit... bakit hindi ka umuwi pagkatapos mo akong ihatid dito sa bahay?"

"Sinabi mo sa akin na 'wag kitang iwan, 'di ba? Tsaka, nangako ako sa'yo na aalagaan kita at hindi kita iiwan sa ganitong sitwasyon mo kaya andito parin ako," agad namang hinawakan ni Michelle ang kwelyo ng blouse na suot n'ya. "Pinahiram nga ito sa akin ni Mr. Choi. Binili n'ya 'to para daw sa akin pero kinonsider ko ito na hiram. Hehehe. Bagay ba?"

Tric slowly smiled at her. "Yeah, it suits you... a lot."

Michelle giggled whole heartily. "Ganda ko sa suot ko, 'di ba? Pautang ng isang milyon."

Tric snorted as he tapped Michelle's head. "Babo ahjumma. Just cook a breakfast for me. I'm starving."

"Oo na. Spoiled mo talaga," natawa na lamang si Michelle kasabay ng kanyang pagtayo mula sa kinauupuan at agad namang lumapit si Light sa kanya na para bang magpapabuhat ito sa kanya. "Isa pa itong si Light, spoiled na spoiled nagmana sa'yo."

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now