Enter 61: First Fight

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit anong pumasok sa isip mo at gusto mong kantahan kita?," kunot noo niyang tanong.

"Ang tagal ko na kayang hindi kita narinig kumanta. Kaya sige na po Love. Kantahan mo na ako," ngumiti pa ako ng pagkatamis-tamis.

"Oo na. Kung hindi lang kita mahal at cute. Pero sa isang kondisyon!," ngayon ako naman ang napakunot ang noo.

I crossed my arms.

"At ano naman yun?"

"Kiss," simpleng sagot niya at ngumuso pa. Pinitik ko ang ilong niya.

"Hindi ka ba nagsasawa sa lips ko? Araw-araw mo kaya akong hinahalikan," natatawa kong sabi.

"Ganun? Eh di walang kakanta---," agad kong pinutol ang sasabihin niya sa pamamagitan ng isang halik mula sa isang cute na prinsipe. Haha. (Tawa kayo!)

Nangiti naman siya.

"Hinalikan na kita kaya kantahan mo na ako," sabi ko. Nakangiti siyang tumango

"Kukunin ko lang gitara ko," paalam niya.

"Bilisan mo ah!," then I giggled.

Haha. Para akong bata.

Kinakalikot ko ang phone ni CJ nang makarinig ako ng yapak.

"Ang bilis mo naman.....," agad din akong natigil sa pagsasalita nang mapag-alaman kong si Jona pala yun.

"...Jona? May kailangan ka?," tanong ko sa kaniya.

"Oo may kailangan ako...I want you to broke up with him," diretso niyang sabi.

"A-ano? Ayoko nga! Bakit ko naman gagawin yun?," gulat kong tanong. Sino ba naman ang hindi magugulat kung ganyan ang sasabihin niya?

She raised her right eyebrow.

"Bakit mo gagawin yun? Kasi yun ang tama. Mahal ko si Josh at gusto kong ako ang mahalin niya at hindi ikaw! Hindi sa isang katulad mo! Hindi mo ba naisip na hindi tama ang relationship niyo?," inis niyang sabi.

"At bakit ko naman iisipin na hindi tama ang relasyon namin? Wala naman kaming naaagrabyadong tao. At wala akong pakealam kung mahak mo siya. Hindi na yun sapat para hiwalayan ko siya...," mahinahon kong sabi pero ramdam sa boses ko ang pagkairita.

"OO SAPAT NAYUN! Please, mahal na mahal ko siya," pakiusal pa niya.

"Sorry, mahal ko din siya. Siguro naman, kahit ngayon lang maging selfish ako," sabi ko. Naramdaman ko nalang ang palad niya sa pisngi ko.

"No! Hindi mo talaga siya mahal! Mahal mo lang siya kasi mayaman siya! Ganyan naman kayong mga bakla diba?," biglang nag-init ang ulo ko.

"Wag na wag mo akong pagsasabihin ng mga ganyan dahil hindi mo ako kilala. Pasalamat ka dahil itong tinatawag mong 'bakla'  ay hindi pumapatol sa mga babaeng desperado. Excuse me," sabi ko at tumayo na. Pero hindi pa ako nakakahakbang nang hawakan niya ako sa braso at sinampal sa magkabilang pisngi.

"Sumusobra ka na ah!," sigaw ko pero hindi ko siya ginantihan. Well, malapit na.

"Kulang yan sayo! Anong bang ginawa mo sa kaniya at minahal ka niya?!," sigaw pa niya.

"Wala. Wala akong ginawa para mahalin niya ako," simple kong sabi. At sa pangatlong beses. Sinampal niya ulit ako.

Tinulak ko na siya.

"Sumosobra ka na! Kanina pa ako nagpipigil sa'yo! Yung mga pinaggagawa mo kay CJ, binalewala ko. Yung panlalait mo, hindi ko pinakinggan. Yung tatlong sampal mo, tiniis ko! Pero tao ako Jona. May hangganan ang pasensiya ko!," dinuro ko pa siya.

"ZK? Jona? Anong nagyayari?," biglang sulpot ni CJ at hawak hawak niya ang gitara niya. Nakarinig ako ng hikbi- si Jona yun.

"J-Josh...si Klark, bigla niya akong tinulak. Kinakausap ko lang naman siya," pagsisinungaling niya.

"Ano? Jona, wag ka ngang magsinungaling!," irita kong sabi.

"Ikaw ang wag magsinungaling! Tinatanong ko lang naman kung anong ginawa mo para mahalin ka ni Josh! Pero heto ka! Tinulak mo nalang ako bigla!," sigaw pa niya. Wow lang. Ang galing niyang umakting!

Lumingon naman sa akin si Josh.

"Totoo ba yun?," hindi ako sumagot.

"See? Hindi siya makasagot! Siguradong nag-iisp na yan ng mga palusot!," sabi pa ni Jona. Kalma lang Klark. Kalma lang.

"Mag-usap tayo," sabi ni CJ sa akin at hinila niya ako palayo kay Jona.

"Magsabi ka ng totoo ZK. Totoo ba yung mga sinabi ni Jona?," may diin na tanong ni CJ.

"Hindi ko na kailangang magsabi ng totoo CJ dahil alam kong alam ko ang totoo," sagot ko sa kaniya. Pumikit siya sandali.

"Sana hindi mo nalang siya pinatulan!," nagulat ako dahil sa biglaang pagtaas ng boses noya.

"Ano? Naririnig mo bang sinasabi mo CJ? I tried. Sinubukan kong wag siyang patulan kanina pero sumosobra na siya," kinalma ko ang sarili baka kasi kung anong magawa ko.

"But still CJ. Dapat hindi mo nalang sana pinatulan para walang gulo!"-CJ

"Pero siya ang nagsimula ng gulo! Anong gusto mong gawin ko? Hayaan kong lait-laitain niya ako, sampalin ako? Sabihin mo nga CJ, bakit mo pa ako kinausap kung si Jona lang din ang kakampihan mo? Sana siya nalang ang kinausap mo, pinatahan. At wag ako!," hindi ko na naligilan. Agad akong tumalikod nang maramdaman kong tutulo na ang luha ko.

Kasi naman eh! Parang si Jona pa yung kinakampihan niya! Sana kay Jona lang siya lumapit at pinatahan!

Hinawakan niya ako nang lalakad na sana ako.

"Hindi sa ganun ZK. Ang gusto ko lang namang sabihing---," hindi ko siya pinatapos. Tinaggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Kausapin mo nalang ako kapag naintindihan mo na ang mga sinasabi ko," umalis na agad ako pagtapos kong sabihin yun.

Narinig ko pa siyang tinatawag ako pero hindi ako nakinig. Umalis ako talaga ako. Bahala na. Babalik nalang ako kapag guato ko na. Bahala siya diyan! Kakainis! Nakakairita!

••••••••••
A/N: Feeling ko ang babaw ng away nila😭

*unedited*

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon