Enter 35: Just Like Before

Magsimula sa umpisa
                                    

"Huh? T-teka...you sound like a jealous," mahina niyang sabi.

"Oo! Nagseselos na ako!," hindi mapigilang sabi ko.

"N-nagseselos ka?," gulat niyang tanong.

"O-oo. Syempre...b-bestfriend tayo. Magseselos talaga ako lalo na nung sila lang yung kinakausap mo," palusot ko.

Napailing nalang siya at medyo natawa pa.

"What's funny?," I raise my right eyebrow.

"Wala. Ganyan ka pala magselos," tinignan ko siya ng masama habang tumatawa siya. Bumaba na siya sa likuran ko at pumunta sa harapan ko.

"Para mawala ang selos mo, may pupuntahan tayo," nakangiti niyang sabi at hinawakan ako sa braso.

"Where?," tanong ko ulit.  Ngumiti lang siya ulit sakin at hinila ako. Nagpahila nalang ako.

Hanggang sa makarating kami sa bilihan ng mga street foods. Bigla akong natakam. I gulped. Matagal na rin akong hindi ako nakakatikim. Hindi ko na nga alam ang lasa ng mga ito. Naaalala ko tuloy nung kumain ulit ako ng fishball. Pinaglaruan ko pa noon si ZK. Kunwari nandidiri ako sa fishball nayun.

"Kita mo yang mga street foods nayan? Kakain tayo ng mga ganyan," nakangiting sabi niya. Agad akong tumango dahil hindi ko na talaga mapigilan. Haha. Lalo na yung isaw *Q*

Lumapit kami sa isang baklang nag-iihaw.

"Klark? Is that you na? Gosh! It's you nga!," impit na sigaw ng bakla. Ngumti si ZK sa kaniya at nakipag-fist bump. Tumingin sakin yung bakla at biglang namula.

Okey....? Anong nangyari sa kaniya?

Bigla siyang binatukan ni ZK at pinanlakihan ng mata.

"Hi pogi!," pabebeng bati pa sakin

"H-hello...?," hindi ko siguradong bati pabalik.

"Jace tumigil ka," tapos lumapit si ZK sa kaniya at may binulong. Napanganga naman siya bigla.

"Hehe. Ok fine. Ang gwapo kasi. Hende ke mepegelen kelegen," tapos kunwari 'kuno' mahaba ang buhok.

"Isa Jace. Kay Aling Garon na kami bibili," banta ni ZK.

"Klark naman. Nagbibiro lang ako. Hehe. Hindi ko siya aagawin," ngumiti pa siya samin at nag-peace sign

"Good. Haha. Anyway, kukuha nalang kami. Hindi ko alam kung ilan ang makakain namin. Hahaha," napatawa nalang din kami ni Jace. Para kasing bata si ZK.

Binigyan kami ni Jace ng dalawang plato.

Nilagyan ni ZK ng isaw yung plato namin. May upuan naman dun kaya umupo kami.

Sabay kaming kumuha ng isaw at inamoy yun.

"Ang sarap," sabay naming sabi. Nagkatinginan kami at napatawa.

Sabay naming sinawsaw sa maanghang na suka.

"Ang sarap talaga," sabay ulit naming sabi ni ZK.

Napangiti ako ng palihim. Ganitong ganito nung first time akong dalhin ni ZK sa isang bilihan ng street foods.

[Flashback]

"CJ! CJ!," tawag sakin ni ZK. Katatapos lang ng aming klase

"Bakit?," tanong ko.

"May pupuntahan tayo!," nakangiting sabi niya sakin

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon