"ARAY!" Biglang sigaw ni Francis na tumayo pa kaya napatayo din kami.

"Bakit Francis, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni ate May.

"Okay lang ako, kinagat lang ako ng langgam, ang sweet kasi nila!" turo pa samin ni Francis kaya binatukan sya ni Tristan.

"Oa mo! Hahahaha!" sabi ni Tristan na tumawa pa ng malakas. "Kayo nga ni Abby ang sweet dyan eh!" pang-aasar pa ni Tristan. Bigla naman namula si Abby sa hiya.

"Ano ba?!" sigaw ni Francis ng mahalatang namumula si Abby.

Hindi pa sila nag aaminan pero alam mo naman sa kanila na gusto nila ang isa't isa. Bagay naman kasi sila eh. Parehas silang sira ulo. Hehehehe.

Tumunog na ang bell para sa almusal kaya pumunta na kami sa kitchen at kumain. Nakakailang lang dahil panay ang bulungan ng tao kapag nakikita ako.

"Hayaan mona sila." Biglang bulong ng katabi kong si Tristan. Yes, sya na yung katabi ko lagi. Tumango lang ako tsaka kumain ulit.

Ng matapos kami ay dumiretso na kami sa dorm at nagsimula ng maligo.

Naiisip ko padin yung bulungan nila. Bakit naman kaya ako pinagbubulungan ng mga yun? Iniisip ba nila kung bakit pa ako bumalik? Tsk!

"Sinabi nang wag mong isipin yun eh." napatingin ako kay Tristan na ang sama ng tingin.

"Hindi ko kasi maiwasan." Sabi ko na tumingin sa mata nya.

"Tsk. Isipin mo nalang kung ilang anak ang magagawa natin kapag ikinasal na tayo.." nakangiting sabi nya.

"Ikaw! Puro ka kabalastugan!" Natatawang sabi ko. Kahit papano nawala sa isip ko ang mga babaeng yun.

"Hahahaha! Bakit? Gusto mo ba ng isang dosena?" Natawang sabi nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Bakit?" Natatawa pading tanong nya.

"Tsk! Anong tingin mo sakin, baboy?" Kunwaring inis na sabi ko.

"Bakit? Hahaha basta ako gusto ko kahit ilan basta ikaw ang tatawagin nilang Mama." Sumeryoso sya bigla. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano eh! Bakit ba ang hilig mong manggulat? Aisssh!  "Neeeeeey! Kinikilig ka noh?" Biglang mapang-asar na sabi nya! Kainis tong lalaking to!

"H-Hoy! Hindi ako kinikilig noh?" Sabi ko na tumayo pa sa kama.

"Hindi?" Paninigurado nya pero nakangiti padin. "Kinikilig ka oh! Namumula ka, Jayline! Hahahaha!" Asar nya! ----____----

Sumimangot ako at dali daling tumakbo sa banyo pero bago ko pa maisara yun ay bigla nyang hinarang ang katawan nya tsaka dalidaling pumasok sa loob at tsaka ako sinandal sa pintuan!

"A-Anong g-gagawin mo!" Nanlalaki ang matang sabi ko! Mygooooooooooood!!! Anong gagawin nya sakin?!

"Gusto mo ba, simulan na natin ngayon?" Sabi nya tsaka bigla akong halikan!

Hinalikan nya ako at sa hindi mapaliwanag na dahilan ay sinabayan kona din ang halik nayun. Hanggang sa iupo nya ako sa nakatakip na inidoro at dun ay tinuloy nya ang paghalik. Hinawakan nya pa ako sa batok ko upang mapigilan ang paglayo ng ulo ko.

"Hoy! Itigil nyo yan!" Napalayo kami sa isa't isa ng biglang may malakas na kumatok at sumigaw sa labas ng banyo. Si Ate May..

Nakakahiya...

Napakagat nalang ako sa labi ko at yumuko.

Lumapit na si Tristan sa pinto at binuksan yun. "Ano ba? Istorbo ka eh sinisimulan na namin gumawa ng isang dosenang bata!" Sigaw ni Tristan kay ate May kaya nanlaki talaga ang mga mata ko na tumayo at lumapit sa kanila.

"W-Wag kayo m-m-m-maniwala." Napapalunok na sabi ko na inilahad pa ang kamay.

"Aysus! Nahiya pa." Sabi ni Tristan kaya malakas na pinalo ko sya sa balikat. "Aray! Bakit? Akala ko ba plano na natin yun?" Nababaliw na talaga syaaaaaaaa! Omygoooood!

"Nababaliw kana!" Angil ko tsaka lumabas at rinig ko naman ang tawa nya! Tawa nilaaaaa!

Patakbo na akong lumapit sa kama at nahiga tsaka nagtalukbong ng kumot. Langya!

"Hahahaha!!" Tawa pa nilang lahat. Miski si Manuel ay tumatawa?!

Ramdam ko naman na may umupo sa kama ko tsaka ako niyakap. "Uuy. Joke lang eh." Boses ni Tristan.

"Ewan ko sayo!" Bulyaw ko.

"Jayline, galit kaba?" Biglang tanong ni Tristan.

"Hindi." Sagot ko.

"Eh bat parang galit ka?" Tanong nya pa ulit.

"Nahihiya lang ako! Pwede ba, lintek ka! Kapag ako nainis hinding hindi mona ako mahahalikan tandaan moyan!" Paghahamon ko.

"O-Oy! A-Anong hindi pwede? Aiiiish! Jayline hindi ko pwedeng hindi mahalikan yang labi mo!" Sigaw nya kaya lalo akong nahiya! Lintek kaaaaa!

"Hoy! Napaka arte mo, Tristan ah?" Rinig kong sabi ni ate May.

"Hahahaha lagot ka, hindi mona mahahalikan si Jayline." Pang-aasar pa sa kanya ni Manuel.

"Wala akong pake! Hahalikan ko sya kapag tulog sya!" Sigaw nya kaya napabalikwas ako ng tayo at tumingin sa kanya.

Kinuha ko naman ang phone ko sa lamesa tsaka kunwaring nag dial.

"Hello kuyaaaa! Si Tristan gusto akong manyakin!" Sigaw ko sa phone kaya dali daling tumayo si Tristan at inagaw yung phone ko.

"Hoy, Jayvie! Wag kang maniwala sa kapatid mo, diko mamanyakin yan dahil gusto namin yun pareho." Pagtatanggol nya sa sarili nya. Natigilan naman sya at agad tumingin sa screen ng phone ng walang sumagot.

"Hahahahahaha!" Nagtawanan sila Francis.

"A-Anong? Aiiish, kalokohan mo Jayline ah?!" Sigaw sakin ni Tristan kaya natatawang kinuha ko ang phone ko sa kamay nya.

"Hahahahaha! Kuya Tristan, manyak ka pala eh." Pang-aasar pa ni Francis.

"Isa lang naman mamanyakin ko dito eh, yun ay si Jayline.." Nakangising sabi nya kaya sinamaan ko naman sya ng tingin.

Napaka-manyak moooooo! 

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now