Chapter 55

1.9K 65 1
                                    

Jayline's POV

Maraming araw na ang lumipas at patuloy parin ang maayos na pamumuhay, away don away dito ang nangyayari kay Ella at kuya, ito namang lokong Tristan na to hindi na sya kinukulit ng makati na si Samantha.

Kabuwanan na ni Ella at excited ang lahat sa paglabas ng bata. Pati sila mama ay pinauwi namin dahil gusto nilang andito sa pilipinas kapag nanganak na nga si Ella.

"Mamaaaa!!!!" Napatayo agad kami sa sala ng marinig namin ang sigaw ni Ella sa taas. Agad umakyat si kuya kaya naman sumunod kami.

Naabutan namin si Ella na nakahiga sa kama at hirap na hirap sa dinadala, manganganak na sya!

"Ma-manganganak na kooooo! Aaaaaahhh!" Sigaw nya habang sapo sapo ang tiyan. Mabilis syang binuhat ni kuya kaya dali dali akong bumaba para iayos ang kotse, ng makapasok sila ay pinaandar kona yun papunta sa pinakamalapit na hospital.

"Honey relax, inhale exhale. Relax honey." Pag papa ayos ni kuya kay Ella na nahihirapan na nga.

"Uggggh! Bilisan mo Jayline!!" Sigaw pa nya kaya nataranta ako.

"Malapit na!" Sigaw ko.

Agad ko nga itong pinark at pinatay ang makina. Agad na itinakbo ni kuya si Ella papasok  sunod lamang kami sa kanya.

------

Habang hinihintay namin ang panganganak ni Ella ay naupo muna kami sa labas ng kwarto nya at ng marinig namin ang iyak ng bata ay agad kaming nagtinginan at naiyak naman kami sa tuwa. Sa wakas ay nailabas nya na. Nakakatuwang malaman.

Ilang oras lang ang hinintay namin at lumabas ang doctor ni Ella. Tumayo naman agad si kuya na hindi mapakali at hinarap ang doctor.

"Doc, kamusta ang mag ina ko?" Tanong nito.

"She's fine at malusog ang baby. Congratulation!" Masayang pagbati ng doktor sa kanya. "Pwede na kayong makapasok, mauna na ako." Pagpapaalam ng doktor. Pagkaalis na pagkaalis ng doctor ay agad kaming pumasok.

Agad tumingin samin si Ella na pagod, nasa dibdib nya ang kanyang anak na ang liit pero mataba! Ang cuteeee potaaaaaaaaa!

Naiyak si kuya kaya natatawa si Ella na naiiyak din. Niyakap nya si Ella at hinalikan sa noo.

Ito na ang pinakamagandang nagyari samin, ang masayang madagdagan kami ng miyembro ng pamilya.

"Ang cuteeeee." Sabi ni mommy na halata mong nanggigigil sa bata na namumula pa ang katawan.

"Welcome to the beautiful world baby Ludwig." Sambit ko habang hinahawakan ang maliliit nyang daliri.

"Kamukha mo sya Jay." Napatingin si kuya kay Tristan ng sabihin yan at natawa.

"Pogi din ba? Hahahahahha!" Malakas na tawanan namin.


Sorry for late update and short chapter! Next week mag aupdate po ulit ako :) aylabyusowmats!





First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now