Chapter 16

3.2K 123 1
                                    

Jayline's POV

"Wala naman. Hindi ko lang gusto ang taong nanliligaw 'pa' sa 'girlfriend ko'." Biglang sagot ni Tristan na ikinagitla ko.

Masyadong seryoso ang mukha nya at hindi ko nakakakitaan ng tensyon. Tsk, tsk, at ang mas ikinagulat ko ay ang sinabi nya!

'Anong kagaguhan 'to? Tristan.'

Naisip ko nalang.

"G-Girlfriend?" Kunot noong tanong nung Jake.

"Oo, girlfriend ko ang babaeng to." Sabi nya at tumingin pa sakin at hindi pa nakuntento! Hinawakan pa ang kamay ko at hinila ako papunta sa tabi nya tsaka nya ako inakbayan. "Diba, babe?" Nakangiting tanong nya sakin at ramdam ko ang pagdiin ng hawak nya sa balikat ko kaya tinitigan ko sya ng nagtatanong.

"A-Ah.. Oo naman b-babe, hahaha." Pilit ang tawang sambit ko na napapalunok pa sa gulat at hindi makapaniwala.

"H-Hahaha! Seryoso ka Tristan?" Tanong pa nito.

"Oo. At last mo ng lalapitan ang girlfriend ko, dahil kapag nalaman kong dumikit o nakipag-usap ka dito--wag kang magkamaling magpakita sakin dahil sisiguraduhin kong mababangasan ko ang mukha mo, naiintindihan mo?" Tanong pa nya.

"Oo naman, kilala kita Tristan at kilala mo din ako." Sagot naman nung Jake kaya hinila na ako ng bahagya ni Tristan at naglakad na papunta sa room namin.

Nang makapasok kami sa pinto ay syang bitiw sakin ni Tristan kaya hinarap ko sya ng nanlilisik ang mata.

"Ano bang problema mo?!" Inis na bulyaw ko.

"Bakit ba?" Mahinahong tanong nya.

"Ha! Parang kung umasta ka parang wala kang ginawang katarantaduhan kanina ah?!" Bulyaw ko sa kanya kaya naman kumunot ang noo nya sa inis.

"Katarantaduhan?! Ha! Hindi mo ba alam kung anong trip ang balak sayo non?! Tapos katarantaduhan pa yung ginawa ko!" Galit na ngang sigaw nya.

"Tingin mo ba mag papaligaw ako sa lalaking yon? Hindi mona dapat sinabing girlfriend mo ko!"

"Bakit?! Tingin mo ba ay pag sinabi mong ayaw mong mag paligaw ay titigil yon?" Hindi ako nakasagot sa prankang tanong nyang yun kaya naman hindi ako makatingin sa kanya. "Hindi mo masagot? Kasi nga hindi mo sya kilala! Tas sasabihin mo pang aakitin mo yung lalaking yon! Eh kung pakasalan kaya kita dyan ngayon?!" Sigaw nya kaya napatingin agad ako sa kanya.

First Kiss, First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon