Chapter 39

2.2K 85 1
                                    

Tristan's POV

"Bat naman sya pupunta don?" Nagtatakang tanong ko.

"Dun ang tambayan nya kapag marami syang gustong isipin na sya lang mag-isa." Sagot ni Ella at napatango nalang ako.

"Saang playground?" Tanong ko at napaisip naman sya.

"Sa Camella, malapit papunta sa Dorm." Sagot nya kaya dali dali akong tumakbo palabas at umalis na nga.

Alam ko kung saan don kaya kahit ako nalang mag-isa ang pumunta ay okay lang.

Ng makarating ako dun ay nakita ko nga sya. Tulala at halata mong nag-iisip. Naka hospital gown padin sya. Tsk.

Hindi muna ako lumapit ng yumuko sya at dinig ko ang malakas na pag-iyak nya.

"Waaaaaaa! Ano bang kasalanan ko?!" Tanong nya pa at nagpunas ng luha. "Ayoko ng bumalik sa dati pero bakit pilit na ibinabalik nyo ako sa nakaraan!?" Napaisip ako sa nasabi nya.

"Anong nakaraan?" Bulong ko sa sarili ko.

Tumigil na sya magsalita pero umiiyak padin sya. Medyo namumutla padin sya. Pero namumula na ang ilong nya dahil sa pag iyak nya.

Lumapit ako sa kanya pero hini nya ako napansin.

"Umalis ka dito kung ayaw mong mabasag  yang bungo mo." Madiin ang salitang pagbabanta nya. Ni hindi nya ako pinag-aksayahan ng panahon tignan. "Sabing umali----" naputol ang sasabihin nya ng mapatingin sya sakin. Pero ang lalong nakapag-pataka sakin ay kung bakit umiwas sya ng tingin.

"Umalis kana, di ko kailangan nang tulad mo." Malamig ang boses na sambit nya.

"Ano bang nangyayari sayo?" Mahinang tanong ko.

"Tanga kaba o sadyang hindi ka makaintindi?! Magkapatid nga tayo diba?! Anak ka ng TOTOONG tatay ko! Kaya umalis kana bago ko pa mabasag yang mukha mo!" Galit na sigaw nya.

Nakalimutan kong hindi nga pala nya alam ang totoo. ---___---

"Hin----"

"Alis sabi!" Sigaw nya dahilan para maputol ang sasabihin ko. Nung hindi ako umalis ay dali dali syang tumayo at sya ang umalis kaya susundan ko sana sya ng bigla syang dumampot ng kahoy at itutok sakin.

Hindi ito ang Jayline na kilala ko..

"Wag kang susunod sakin, kung ayaw mong maging baldado." Pagbabanta nya at hinagis sa ibang lugar yung kahoy at dali daling umalis. Sinundan ko lang sya ng tingin. Tinawagan ko agad si Jayvie para sabihing nakita kona sya.

"Asan na sya?" Bungad na sagot ni Jay ng makarating ako sa hospital. Andito padin sila at hindi na nga sumunod sakin dahil ang akala nila ay madadala ko si Jayline dito.

"Umalis sya, hindi ko kilala yung Jayline na kausap ko kanina, hindi ko alam pero sobrang tapang nya at para bang sanay sya sa away kung magsalita." Sabi ko at napayuko naman sila Ella dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya.

"Why?" Tanong ni Jay na nakay Ella nakatingin.

"Wag naman sana p-pero yung Jayline na gumising kanina ay yung Jayline na nakilala natin dati." Sagot ni Ella. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko sya naintindihan.

"Anong ibig mong sabihin?!" Tanong ko.

Nagkatinginan naman sila na akala mong may tinatago. "Sabihin nyo na!" Inis na sigaw ko kaya naman nagitla silang napatingin sakin.

"K-Kasi ganito yun.." Nag-iisip na sabi ni Ella. "3 years ago, isa kami sa mga b-basagulero nung high school at college. Kung sino sino ang inaaway namin pero hindi naman kami m-mang-aaway kung walang ginagawang masama samin. Si J-Jayline ang leader ng grupo namin kung tawagin ay The gang kasi mahilig daw kami makipag-away. S-Si Jayline din kasi y-yung tipong ayaw nya na m-may nang-aaway sa grupo namin kaya palagi kaming pinapagalitan o napapapunta sa principal office. T-Tsaka kaya nya d-ding basagin yang b-bungo mo kapag g-ginalit mo sya ng sobra. Pero hindi nya kaya pumatay at ayun ang sabi nya sakin." Mahabang paliwanag na sabi ni Ella. Sila Tita Maryline at si Tito Jayson ay parang hindi na nagugulat sa nadinig at lalo na si Jay.

"S-Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ko at tumango naman sya.

"So lahat ng pinakita nyo samin ay pag-papanggap lang?!" Inis na tanong ko at tumingin naman sya sakin at dali daling umiling. "Eh ano?!" Sigaw ko.

"N-Nagbago na kami, nangako kami sa isa't-isa na magbago na kami at hindi na kahit kailanman na babalik sa dating gawain." Parang may nabuong puzzle sa utak ko. Kaya pala nung nasa dorm kami.

"Pero bakit ganon ang nangyayari sa kanya ngayon?" Tanong ko.

"Hindi namin alam, tsaka alam mo bang kaya lang naman kami naging basagulero ay nung namatay yung kaibigan namin dahil napag tripan lang ng tambay? Simula non lagi na syang galit at naging matapang na sya at ayaw na ayaw nyang napagtitripan sya lalo na kung hindi naman namin close." Parang may sakit na naramdaman bigla si Ella. Naiintindihan kona.

Napatango nalang ako, at least ngayon ay naiintindihan kona sya. Pero asan na kaya yung babaeng yun?!

"Umuwi na muna tayo." Sabat ni Jay na tumayo nadin.

"Pero baka bumalik dito si Jayline." Sagot naman ni Tita Maryline.

"Mom, alam kona ang takbo ng utak non, hindi sya dito pupunta at magpapakalayo muna yun." Sagot naman ni Jay.

"So ano?! Gusto mong pabayaan na natin sya?!" Inis na sabi ni Tita.

"Mom, that's not my point! Kilala naman natin sya at hindi nya gustong nag-aalala ka para sa kanya. Tsaka baka umuwi na yun." Sagot ni Jay at hindi na hinantay na sumagot si Tita at dali dali ng hinila si Ella palabas.

Sumunod na nga lang kami, dumiretso kami sa bahay nila Jayline dahil kailangan din muna namin alalayan si Tita dahil baka kung anong mangyari sa kanya. Tsaka anak din ni Dad si Jayline.

Pagkadating namin sa bahay nila ay bukas na ang pinto. "Andito na ata si Jayline.." Bungad na sabi ni Jay at pumasok na nga kami.

Napatayo nalang kami ng makita namin na nagluluto na si Jayline at parang hindi kami napapansin.

"Jayline anak." Tawag ni Tita Maryline kaya naman napansin na nya kami pero wala padin syang reaction.

Hindi man lang sya nagsalita o tumingin sakin, binalik nya lang ang paningin nya sa pagluluto.

"J-Jayline, a-ako na dyan." Alok ng Mommy nya.

"Hindi na, kaya kong mag-isa." Hindi ko alam pero parang may double meaning yung sinabi nya. Kaya mong mag-isa? Pwes ako kailangan kita! Naisip ko nalang habang nakatingin sa kanya.

"Ayos kana ba?" Tanong ni Dad.

"Bakit naman ako hindi magiging maayos?" Pilosopong balik ang sagot na tanong nya, hindi sya tumitingin samin pero ramdam ko ang pagiging cold nya.

Hindi nakasagot si Dad, unti-unti ko nakikilala ang totoong Jayline.

"Jayline." Tawag ni Jay kaya napatingin sa kanya si Jayline na wala pading expression.

"What?" Tanong nya. Sinalin nya na ang niluto sa pinggan tsaka sya umupo at kumain. Para syang siga kung kumilos. Tsk.

"Can we talk?" Tanong ni Jay na nakatingin kay Jayline na bahagyang natawa kaya kumunot ang noo ni Jay.

"Your so oafish.." Umiiling iling na sambit ni Jayline at napansin ko naman ang pag tiim bagang ni Jay kaya tinapik ko sya sa balikat. "Nag-uusap na tayo ngayon." Dagdag na sabi ni Jayline. Hindi na nakapag pigil si Jay at hinila na nya ito patayo at kinaladkad paakyat sa taas.

"Jayvie!" Sigaw ni Tita Maryline.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" Sigaw ni Jayline pero ayaw padin syang bitiwan ni Jay.

Nagmadali kaming umakyat pasunod sa kanila pero ng makapasok sila sa isang kwarto  ay ni-lock ito ni Jayvie paraan para hindi kami makapasok.

"Your so Fucking bastard!" Dinig namin ang sigaw nayun ni Jayline.

"Anak ka ng kagang!" Mahinang bulyaw ni Ella.

"Take your brain, Jayline!!" Galit na sabi ni Jay.

"Jayvie! Tigilan nyo na yan!" Sigaw ni Tita na pilit pinatitigil ang dalawa. Nakakainis dahil hindi kami makapasok! Tanging nadidinig lang namin ang awayan nila?

"A-Aray! Fuck! Isa pang gawin mo sakin yun babangasan ko yang mukha mo!" Gigil na gigil na banta ni Jayline. Ano naman ba kasing ginawa ni Jay?! Hype!

Please don't forget to vote and comments! Labya so much! Muah!

First Kiss, First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon