Chapter 6

4.1K 163 2
                                    

Abby's POV

"Sige lang Abby wag kang mahiyang umiyak sa akin." Halatang naaawang sabi ni ate May sa akin.

"S-sorry a-ate.." Umiiyak pading bulong ko.

"Shh.. Wag kang mag sorry, okay lang talaga." Pag kasabi nya nan ay humarap sya sakin at hinawakan ang dalawang balikat ko samantalang nakayuko parin ako at nakahawak ang dalawa kong kamay sa mukha. "Tumingin ka sakin Abby.." Pag-uutos nya kaya dahan-dahan akong tumingin sa kanya at matamis na ngiti ang ibinigay nya sakin. "Tinuring na kitang nakababata kong kapatid, alam mo yan? Kaya wag kang mahihiyang lumapit sakin para ibuhos sa akin ang sama ng loob mo..kung gusto mong umiyak sakin sige umiyak ka para lang mabawasan yung sakit na na nandyan sa puso mo.." Pagkasabi nya non ay dinuro nya ang dibdib ko na malapit sa puso ko.

"T-thank you..ate May." Nakangiting sabi ko para maipakita na masaya ako sa mga sinabi nya sakin. Sobrang nakagaan ng feeling kahit papano.

Nagpapasalamat ako kay lord na binigyan nya ako ng kaibigan na ganito ka sweet, kabait, maaalahanin at lahat gagawin para sayo Sobrang thank you GOD.

"Smile kana panigurado mag tatanong nanaman sila kung bakit ka umiiyak.. Tara na?" Yaya nya sakin na pinunasan pa ang mukha kong puro luha na.

"Thank you talaga ate May." Pabulong na sabi ko kaya naman napatingin sya sa akin at binigyan nanaman ako ng isang matamis na ngiti.

"Welcome my little SISTER?"

"Hahahaha" malakas na tawa naming dalawa. Hays nawala kahit papaano ang bigat na nararamdaman ko.

Nasa harap na kami ng room namin kaya unang pumasok si ate May at sunod naman ako.

"Oh! Bakit ka naiyak!?" May halong pag-aalala at galit na sabi ni kuya Tristan ng makapasok kami.

"Ahh. Ako na ang mag kukwento sa ngayon ay kailangan muna nyang mag-impake." Sabat na sagot ni ate May.

"I-impake?!" Si kuya Tristan.

"Oo." Maikling sagot naman ni ate May. "Abby sige na kunin mona ang mga gamit mo at ako ng bahalang mag kwento sa kanila." Baling sakin ni ate May.

"Ahh opo sige salamat" Pag kasabi ko nyan ay kinuha ko na ang mga gamit ko at nag simulang ayusin at ilagay sa maleta.

                   ------🐇❤🐤------

Tristan's POV

"Pero san kaba pupunta?!" Inis na talagang tanong ko.

"Sa korea!" Sabat ni May kaya nagitla naman ako at halata sa mukha ang pag tataka.

"P-pero b-bakit?" Naguguluhang tanong ko.

"Andyan na yung mommy nya." Biglang lungkot na sabi ni May kaya napatingin naman ako kay Abby na natigilan pang mag lagay ng damit nya sa maleta.

"Wala na bang paraan para di sya makasama?" Mahinang tanong ko.

"Wala na." Si May.

Pagkasabi ni May nyan ay tumingin ako kay Abby at napatingin din naman sya kaya lumapit ako at agad ko syang niyakap, nagulat ako ng bigla syang umiyak sakin pero hindi ko nadin pinahalata.

"Tahan na." Bulong ko sa kanya habang pinipigilan kong maiyak kaya naman humiwalay nadin sya sa akin at sinara ang zipper ng maleta nya at ng maliit na back pack.

"Babalik din po ako." Sabi nya samin lahat habang pinupunasan ang luha nya.

"Talagang babalik ka! Dahil kapag hindi ka bumalik makalipas ang isang taon.... Susunduin na kita sa korea! Alam mong kaya ko yun gawin diba?" Seryosong sabi ni May pero halata namang may biro.

First Kiss, First LoveDär berättelser lever. Upptäck nu