Chapter 49

2.5K 77 1
                                    

Jayline's POV

NAKAKABITIN! Yun lamang ang naramdaman ko pagkatapos. Diko lubos na akalaing magaling sya pag dating sa bagay na yun, halos manginig ang kalamnan ko sa nagawa. Pero isang bagay ang nagpatunay sakin na seryoso talaga sya, ayun ay ang paghihintay na ikasal muna kami bago kami mag-anak. Sa totoo lang ay nasa tamang edad na kami. 22 na ako at sya naman ay 23.

Pagtapos ng nagyari ay naligo lang kami pero hindi kami nagsabay, ayaw nya. ---___---

Pagtapos kong maligo ay nagbihis lang ako at hindi na nga sya hinintay at bumaba na nga ako.

"Oh, asan si Tristan?" Tanong ni Kuya ng makababa ako.

"Naliligo." Maikling sagot ko at umupo naman sa tabi ni Ella. Bale, pinag-gigitnaan namin si Ella ni kuya.

Hinawakan ko ang malaki na ding tyan ni Ella. "Hey, ilang months na yan?" Tanong ko patungkol sa baby nya.

"3 months na din." Sagot nyang nakangiti.

Naalala ko naman bigla ang kanyang BUKABULARYO.

"WALA SA BUKABULARYO KO ANG MAG JOWA NG KAPATID NG KAIBIGAN KO!"

Tas ito sya ngayon, buntis at kuya ko ang Ama.. ---___---

"Eh nasulat mo na din ba sa bukabularyo mo ang salitang 'MAG-AASAWA AKO NG KAPATID NG KAIBIGAN KO.'.." Sabi ko na tumatawa pa kaya kumunot ang noo ni Kuya.

"Anong pinagsasabi mo dyan?" Tanong ni Kuya Jayvie ng hindi maintindihan ang sinabi ko.

"Hahahahaha! Pano laging sinasabi sakin ni Ella dati na wala sa buka---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng takpan ni Ella ang bibig ko. "Ano ba?!" Sigaw ko ng tanggalin nya na ang kamay nya sa bibig ko.

"Shut up." Banta ni Ella.

Nahalata naman ni kuya Jayvie na ayaw ipasabi ni Ella kaya naman tumahimik nadin sya. Takot talaga sya kay Ella. #_#

Maya-Maya lang ay bumaba na si Tristan na kunot ang noo. "Oh, Bakit?" Tanong ko at hinalikan naman nya ako sa noo.

"Wala naman, natapon ko yung pabango dun sa cabinet mo. Sayo ba yun?" Tanong pa nito.

Bigla ko naman naalala si White.

"Hmm, akin yun." Sabi ko sabay tango.

"Okay, ba't dimo ginagamit?" Tanong pa nya.

"Baka daw magalit ka." Sasagot na sana ako ng unahan ako ni Kuya. Tumingin sakin si Tristan ng nagtataka.

"Bakit naman ako magagalit?" Nagtakang tanong nya uli.

"Bigay ni White yun eh." Sabat na naman ni Kuya. Sumama naman ang mukha ni Tritan ng tumingin ako sa kanya. Dumiretso ang tingin nya sa TV pero kitang kita ko padit ang itim na aura sa mukha nya.

"Hey." Tawag ko kay Tristan na tinusok tusok pa ang braso nya.

Hindi nya ako pinansin at nagtuloy lang sya sa panonood. Takte! Epal to si Kuya eh.

Flashback..

Tapos na kaming kumain kaya nagpaalam na kami na uuwi na ako. Bago pa man ako ihatid ni White sa labas ay sinabi nyang maghintay lang ako saglit at umakyat nga sya.

"Ano 'to?" Tanong ko ng makababa sya at iabot sakin ang maliit na paper bag.

"Tignan mo." Sabi nya kaya tinignan ka naman ang loob, tumabad sakin ang isang kahon na may lamang perfume.

"Para san to?" Nagtatakang tanong ko. Hindi naman ako ang may birthday pero bakit ako yung may regalo?

"Bigay ko yan sayo." sagot nya.

"T-Teka, hindi naman ako ang may birthday, bakit ako yung may regalo?" muling sambit kona sa kanya.

"Hindi naman kailangan ng okasyon para magbigay ng regalo, naisipan ko lang dagdagan yung regalong binili ko para kay Summer." Nakangiting sagot nya. Ngumiti din ako sa kanya at pansamantalang nakalimutan ang sakit dulot ng nalaman.

"Salamat." Tanging nasambit ko lamang.

"Sana nagustuhan mo." Tumango ako bilang tugon.

Inihatid na nga nya ako sa labas at nagprisinta na ihatid ako hanggang bahay ngunit tumanggi ako.

Hindi ako umuwi ng bahay at dumiretso sa isang hotel. Dun ko muna ilalabas lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko. Wala naman akong ibang ginawa duon kundi umiyak, magbabad sa banyo habang bukas ang shower at natulog. Hindi ako makatulog ng mahimbing kaya kahit hindi pa ako maayos ay bumalik ako sa bahay, bandang 3 pa lang ng madaling araw.

Pinagalitan pa ako ni Kuya Jayvie ng bakit daw hindi ako umuwi agad at ang akala nya ay nakuha ko pang mag shopping at natulog sa kalsada!

"Bigay sakin ng kaibigan ko 'to." Inis na sagot ko.

"At sino naman?" Tanong nyang muli. Actually kami lang dalawa ang nandito sa kusina dahil saktong nauuhaw sya kaya bumaba sya dito at nakita akong papasok.

"Si White." Sabi ko at tumawa sya ng may halong pagka-sarkastiko. "Why?" Kunot ang noong tanong ko.

"White? Anong kalaseng pangalan yan? Lalaki o babae?" Tanong na naman nya.

"Tsk. Lalaki." Inis na sagot ko.

"Lalaki? Tsk wag mong sabihing porket nagloko si Tristan ay magloloko ka nadin?" Tanong nya kaya wala sa sariling nasampal ko sya.

"Hindi pa ako nasisiraan ng ulo, kaya bakit ko gagawin ang kaqaquhang nagawa nya?!" Inis na sabi ko at napamaang naman sya.

"Fine, im sorry. Kikilalanin ko nalang yung White na sinasabi mo, ano bang buong pangalan nya't titignan ko kung may Facebook sya." Sagot nya.

"Tsk. Kelly White Griffin." Sagot ko at tinalikudan na nga sya at umakyat na sa kwarto ko. Nilagay ko lang duon ang pabango na binigay sakin ni White sa Cabinet tsaka natulog.

End of flashback..

Hindi padin ako pinapansin ni Tristan hanggang sa magkainan na kami. Nakakainis dahil napaka oa nya mag selos! Wala naman dapat ikaselos!

Dep*ta!

"Tristan, may problema na naman ba kayo?" tanong bigla ni Daddy kaya napatingin sa kanya si Tristan at umiling.

"Wala po, Tito." Sagot ni Tristan. Taena ba't ayaw mo akong pansinin?

"Eh bakit mukhang hindi kayo nagpapansinan? Tsk. Nako-nako. Nung huli kong hindi pinansin ang asawa ko ay dahil yun sa selos, ikaw ba?" Tanong ni Daddy kaya nasamid si Tristan na uminom na ng tubig.

Kahit ako ay nabibigla sa tanong na iyon si Daddy.

"H-Hindi naman po ako nagseselos. Tsk. Lamang po ako sa lalaki nya ng isang daang paligo kaya bakit ako magseselos?" Hindi nakatingin saking sagot nya.

"Tsk! Anong lalaki ko ang sinasabi mo dyan?!" kunot noong tanong ko.

"Diba lalaki mo yun?" nakasimangot na tanong nya.

"Hindi! Nakakaimbyerna ka! Ikaw nga 'tong may kabit eh!" tukoy ko kay Samantha.

"Hindi ko kabit si Samantha!" sigaw nya.

"Oh bakit? May sinabi ba akong si Samantha?! Napaka defensive mo!" Sigaw ko din sa kanya.

"Eh sya lang naman pinagseselosan mo eh." Sagot naman nya kaya pataray akong umiwas sa kanya ng paningin at humarap na lamang sa pagkain. Rinig ko naman ang bungisngis ni kuya at Ella kaya sinamaan ko sila ng tingin.

Please don't forget to vote and comments! Kung kaya nyo din po akong i-follow! Go lang go! Hahahahahaha

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now