Chapter 27

2.5K 84 1
                                    

May's POV

ISANG ARAW. isang araw ng hindi makausap ng matino si Tristan. Ni ayaw nyang ikwento kung anong pinag-usapan nila ni Jayline. Nakakainis dahil nung gabi ng foundation day ay naglasing sya ng bonggang bongga!!! at hindi lang yun, nagwala pa si qaqo at nagpupumilit matulog dun sa bakanteng kwarto kaya ayun, wala kaming nagawa kundi dun na sya patulugin at ayaw nya din yun buksan ngayon!

Gusto nyo bang malaman kung ano ang ginagawa nya sa loob? nagbabasag lang naman sya ng gamit sa loob!!! Hindi sya kumakain at hindi din sya umiinom ng tubig! nakakaloka itong lalaking to! nung isang araw pa syang ganyan, miski yung iba namin kasama nagtataka kung bakit ganyan sya umasta. Hays, Jayline kelan kaba babalik???!!!!!!!!!

"Ate May, subukan kaya nating tawagan si ate Jayline?" Sabi ni Francis na nasatabi ko. Nandito kami sa tapat ng pinto ng kwarto kung nasan si Tristan. Pati nadin sila Sister ay nandito din para kausapin si Tristan kaso ayaw naman buksan ni Tristan ang pinto at sigaw lang sya ng sigaw ng...

"Bakit pa kita nakilala kung iiwan mo din ako?!!! Ha?!!" Ayan! Paulit ulit na ganyan! Yung iba naghihinala na na baka si Jayline yung yinutukoy nito ni Tristan.

Tsk! Yun naman talaga ang dahilan eh. –__–

"Sige, sabihin mo kay Sister tawagan si Jayline." Sabi ko kay Francis kaya tumango lang sya at lumapit nga kay Sister.

Maya maya umalis si Sister at sumunod naman si Francis, diko alam kung bakit. Baka tatawagan na nga si Jayline.

Wala pang bente minutos ay bumalik sila. May dala ng phone si Sister na ini-abot naman sakin.

"Hello?" Sagot ko ng iabot sakin ang phone.

"Where Tristan?" Agad na tanong nya. Kahit papano may pakialam parin talaga sya kay Tristan. Hays..

"Andito sya sa bakanteng kwarto sa dorm. Jayline hindi na namin sya maintindihan, ni hindi sya lumalabas simula ng umalis ka. Ayaw nyang kumain o miski uminom ng tubig." Pagkasabi ko nyan ay rinig ko sa kabilang linya ang mahinang mura nya.

"Pwede mo bang ibigay sa kanya ang ph---"

"Bumalik kana dito!!!! Kailangan kita!!" Naputol ang sasabihin ni Jayline ng sumigaw nanaman si Tristan.

"You heard that?" Tanong ko.

"Y-Yes.." Sagot nya." Pakibigay sa kanya ang phone, ate May." Dagdag nya kaya napatingin ako kay Francis na nakatingin din sa akin.

"Sige, wait lang." Sagot ko.

"Sister, pwede bang ibigay natin ang phone kay Tristan? Gusto syang maka-usap." Tanong ko. Kinuha naman ni Sister yung phone at kumatok sa pinto.

"Tristan, Gusto kang makausap ni Jayline sa phone!" Sigaw ni Sister. Tumahimik naman ang kwarto at nagulat pa kami ng biglang bumukas ang pinto at nakita namin si Tristan na namumula ang mata sa  kakaiyak

Inabot ni Sister yung phone na agad din namang kinuha ni Tristan.

Napahakbang pa kami ng biglang umupo si Tristan at sumandal sa pinto. Kitang kita namin yung mga sirang gamit sa loob kung san sya nagwala.

"B-Bumalik kana.." Nakayukong sabi ni Tristan. Naawa ako sa kalagayan nya. Ngayon ko lang nakita na ganyang ang lalaking kung titignan mo ay napaka-tibay, na parang walang aatrasan na kahit ano. Pero ngayon, ang lalaking nasa harap ko ay parang hinang hina, sobrang lungkot, pagod at sabik na sabik makita ang isang babaeng gustong gusto nya. "Ngayon na... Gusto ko ngayon na, please Jayline.." Muling saad nya. Kahit papaano parang gumaan yung nararamdaman nya nung makausap nya si Jayline.

Nagkatinginan naman kami ni Manuel na parang naguusap sa utak. Tsk itong lalaking to? Kapag iniwan ko kaya ito magiging lokoloko din? Chos hahaha syempre hindi ko iiwan ang lalaking to noh!

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now