Chapter 14

3.5K 115 0
                                    

Jayline's POV

Ang sakit ng ulo ko!! Parang mabibiyak sa sobrang sakit, diko alam kung pipikit ba ako o ididilat ko yung mata ko para hindi sumakit.

Yung sakit ng mata ko eh yung feeling na migraine? Yung pati mata mo damay? Tsk. Eto nanaman yung nararamdaman ko.

Uminom na ako ng gamot pero feeling ko useless dahil sa sakit ng ulo ko pero kahit papaano naman ay nabawasan ito.

Tumayo muna ako at tumingin sa buong room pero wala sila dito, hinanap ko sila kahit nasakit ang ulo ko.

Nakarating ako sa field at nakita ko nga sila na nakaupo sa mga bench duon.

Lumapit ako pero hindi muna sobrang lapit yung tipong sakto lang para marinig sila.

"Masakit pa kaya ulo ni ate Jayline?" Tanong ni Francis at napangiti naman ako dahil bakas sa tono ang pag-aalala nya.

"Diko alam, pero sana maging okay agad sya." Sagot ni ate May.

'Thank you.'

Naisip ko habang nakatingin sa kanila.

"Bumalik na tayo, baka magising yun at wala tayo sa room natin." Tatayong sabi pa nya at nung makita nga nya ako ay bigla syang napatalon ng bahagya at napapalunok na tumingin sakin kaya naman tumingin din sakin sila ate May at Francis na natulad din sa kanilang nagulat.

'Para kayong nakakita ng multo, tsk!'

"A-Anong g-ginagawa mo d-dyan?" Utal-utal na tanong pa ni Tristan at nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

"Nagising ako ng wala kayo eh, kaya pumunta ako dito para hanapin kayo." Pagpapaliwanag ko.

"K-Kanina kapa?" Tanong ni Tristan kaya kumunot ang noo ko.

"Hindi naman, kakadating ko lang din bakit ba?" Tanong ko at tumingin naman sya kay ate May na parang humihingi ng tulong.

"Pinag-uusapan nyo ba ako?" Diretsyong tanong ko at bigla naman silang tumingin sakin ng nanlalaki ang mata at napapalunok pa.

'So pinag-uusapan nga nila ako'

*-_-*

"H-Hindi ah!" Mapagtanggol na tanggi pa ni Tristan.

"Tsk. Ba't nyo ako pinag-uusapa?" Tanong ko padin kahit sinabi nyang hindi nila ako pinag-uusapan.

"Hindi ka namin pinag-uusapan, Jayline." Deretsyong sagot ni ate May at napatingin naman ako sa kanya.

Bakas ang pagiging sinsero nya pero nararamdaman ko padin ang hindi nila pagsasabi ng totoo.

"Bakit hindi nyo itanong kung anong gusto nyong malaman sakin?" Malumanay na sabi nya.

"Kanina ka paba dito?" Diretsyo at walang emosyong tanong sakin ni Tristan kaya naman tinignan ko din sya ng seryoso.

"Kakadating konga lang." Sagot ko muli.

"Kakadating mo lang pala pero bakit ganyan ka makatanong?"

"Dahil nararamdaman ko." Sagot ko.

"Fine." Sagot nya kaya tumingin ako sa kanya ng nagtataka, napansin naman nya iyon kaya huminga sya ng malalim at tumingin ulit sakin ng diretsyo.

"Naghihintay ako." Sabi ko.

"Tatanongin ulit kita, mayaman kaba?" Tanong nanaman nya ng katulad kanina.

"Pagsinabi ko bang hindi maniniwala ka?" Patanong na sagot ko.

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now