chapter 59

1.5K 59 0
                                    

Jayline's POV

"Salamat Jacob, buti nalang at pumayag ka." Saad ko at nakipag kamay.

"Walang problema basta kapag kailangan nyo ng tulong andito ako para tumulong." Nakangiting sabi nya.

sinakay nanamin lahat ng gamit na hiniram ko at alam kong makakatulong.

Dumreto na kami sa bahay para ayusin ang mga gamit na hiniram ko sa dating kagrupo ko. Walang paramdam si Samantha ngayon at alam kong nag iisip nadin sya ng paraan para makapag higanti. tsk kung wala lang talagang madadamay na ibang tao kayang kayang ko to si Samantha kaso wala eh, punyeta sya malutong.

"Para saan ito ate Jayline?" Tanong ni Abby habang hawak ang isang salamin.

"Camera eyeglasses yan Abby." Sagot ko at kinuha sakanya ang salamin, pinindot ko ang power button at ipinasuot ko sa kanya. katulad ko namangha din sya sa unang gamit nya nito. naka connect ito sa isang device na nasa akin.

"Ako gagamit nitong stun gun ah." Nakangiting nakatingin sa isang stun gun si Ella.

"Tsk.'' Napatingin si Ella sa lalaking nasa likod nya at ayun si kuya Jayvie.

"Why?" Kibit balikat na tanong ni Ella, ayaw ni kuya na makisali pa si ella dito pero walang nagawa si kuya Jayvie sa pamimilit na yun ni Ella.

Minabuti na wag na lang namin ipaalam sa mga parents namin ito dahil hindi naman siguro ito kabigat para idamay pa namin sila. Ngunit lagi akong tumatawag kay Mom na mag iingat sila ni dad ganon nadin ang iba pa.

"Jayline hindi bakit kailangan pa natin tong gawin?" Tanong ni kuya na nakkunot ang noo na nag tanong.

"Mabuti ng handa kuya kesa naman nag paplano na sila tayo nakatunganga pa, kung wala silang gwing masama edi okay pero pano kung meron tas hindi manlang natin alam ang gagawin? Baka anong mangyari satin okay lang sana kung sakin lang sya gumanti pero tangina hindi! May dinadamay sya!" Napa buntong hininga ako ng maramdaman na nakapag taas ako ng boses.

Ilang minuto pa ang katahimikan pero dahil diko maiwasang maramdaman ang awkward feelings ay naisipan kong mag salita at ipaliwanag ang mga gamit na nakalatat sa lamesa.

"Earpiece device." Pinakita ko sa kanila ang isang maliit na device na kasing laki lang ng battery ng bilog as in napakaliit. "Gamit nito maririnig ko kung anong pinag uusapan nyo o ng kahit sino kahit saan ko ilagay to sa malapit sa inyo, lahat tayo ay mag susuot nito guys pwede tayong makapag usap kahit saan kayo kaya kahit anong mangyari wag nyo itong aalisin sa tenga ninyo maliwang?" Nag tanguan naman sila. "Pepper spray, alam nyo naman siguro kung ano to? Lagi nyo itong ilagay sa bulsa nyo o kahit sa bag na mabilis makukuha para kapag kinailangan hindi nyo na para hanapin pa. Stun gun, naglalabas ito ng kuryente kaya parang pepper spray lagi nyo din itong dalhin" matapos mapag usapan ay kanya kanya ng kuha ng gamit ang iba pa. Diko maiwasan na mangamba dahil isang maling desisyon namin pwedeng may masaktan sa isa sa amin.

-----

Kinabukasan lumabas ako para magpahangin hindi kalayuan, wala pang ala sais ng uma non ng maisipan ko na pumunta sa park. Dahil sobrang aga pa nga ay hini ko inaasahan na makita na naman si white na nakaupo lang at ang lalim ng iniisip kaya agad akong tumabi sa kaniya na mukhang hindi nya napansin.

"Mukhang may proble--"

"Ay putangina! Shit ikaw lang pala Jayline akala ko kung sino, by the way bat andito ka?" Gulat na gulat ang reaksyon nya.

"Sorry nagulat kita, aga ko kasing nagising kaya naisipan kong mag lakad lakad at pumunta nga dito." Saad ko.

"Ahh ngayon na lang kita nakita ah? Kamusta kana?"

"Ayos naman." Pilit ang ngiti ko. "Ikaw? Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Wala naman gusto ko lang magpahangin saglit at mag isip isip, nga pala Jayline."

Napatingin ako sa kanya ng hindi nya ituloy ang sasabihin at umiwas sya ng tingin.

"Ano yun?" tanong ko pero umiling lang sya.

"Ah wala, pasensya kana Jayline." sambit nya tsaka tumayo at naglakad na nga paalis. Sinundan ko sya ng tingin pero di sya dumireto sa bahay nila.

"Ano kaya yun?" mahinang tanong ko sa sarili. Nag tagal pa ko dito hanggat sa marinig kong natunog ang phone ko, agad kong nakita na tumatawag na pala si Tristan kaya agad ko itong sinagot.

"Hello! Asan ka?!" Nailayo ko pa sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa lakas ng boses nya.

"Naglakad lakad lang pauwi nadin ako." Sagot ko at tumayo na nga at umuwi.

"Di kaba marunong magpaalam? Anak ka talaga ng kagang!" Nag aalala ang boses na tanong nya.

"Hindi kagang ang parents ko! Hahahahahah sorry pauwi na naman ako eh."

"Tsk, bilisan mona hihintayin kita dito sa labas." Saad nya kaya naman pinatay kona ang linya.





First Kiss, First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon