Chapter 33

2.5K 84 0
                                    

Ella's POV.

"Masakit paba?" Nag-aalalang tanong sakin ni Jay.

Hapunan na pero imbis na kumain si Jay ay nagpaiwan pa sya kasama ako dito sa kwarto dahil nasakit ang puson ko at hindi ko kayang tumayo.

Tinatamad.

Yan yung pakiramdam ko kapag meron ako! Dapat sa susunod na araw pa ako magkakaron pero napa-aga ata at hindi ko pa alam! Tsk natagusan tuloy ako kanina, ang nakakahiya pa don! Si Jayvie pa ang bumili ng napkin ko.

"Medyo nalang, kumain kana don." Sabi ko pero ayaw nya pading umalis para kumain.

"Mamaya nalang ako kakain kapag okay kana para sabay na tayo." Sagot nya. Napapansin ko na simula nung inamin nya saking gusto na nya ako ay napapadalas ang pagiging seloso nya at pati nadin ang pagsama nya sakin.

"Baka nagugutom kana, mauna kana." Sabi ko pero umiling sya.

"Hindi pa ako gutom, dito nalang muna ako." Sagot nya kaya tumango nalang ako.

Ang swerte siguro ng magiging girlfriend nito kapag nagkataon. Biruin mo yun. Pogi na, Mayaman, Matangkad, Mabait, Gentleman, Matalino. Kahit may konting pang-aasar lang sa ugali nya ay almost perfect na!

Hindi kami bagay. ----___----

Bakit? Kasi cute lang ako, Mayaman din naman, Maliit --__--, May laman din naman ang utak ko pero hindi kasing dami ng kay Jayvie, mabait din ako! Tsaka hello! Kapatid sya ng kaibigan ko! Hindi ako napato------

Naputol ang pag-iisip ko dahil kay Jayvie! Hinalikan nya ako! Pakyu! Agad akong napatayo at tumingin sa kanya! Parang biglang nawala yung sakit ng puson ko. Letse.

"Kanina pa kita tinatawag pero ang lalim ng iniisip mo kaya ayan, hinalikan tuloy kita." Sabi nya.

Napakagat ako sa labi ko at  hindi makapaniwala! Jusko! Anong sasabihin ko?

"S-So kasalanan k-ko pa?" Nauutal na sabi ko! Jusko sa dami ng pwedeng sabihin ayan pang pambara mo?!

"Oo" Nalaglag ang panga ko ng ngumiti sya at tumango.

"Q-Qaqo kaba?" Wala sa sariling tanong ko.

"Galit kaba? Hindi ka mukhang galit eh. But sorry kung nabigla kita. Kuha lang ako ng tubig." Sabi nya pa! Sabay talikod at lumabas na nga.

Napahawak ako sa labi ko. Ang lambot ng labi nya tangna! Ano ba tong naiisip ko? Puro kabalastugan eh!

Nahiga ako pero hawak ko padin ang labi ko. Bat kaya saglit lang? Waaaaaahahahhahaaa! Letse! Ano ba Ella napakabastos mo! Talagang gusto mo ng matagal ah?

Hindi naman sa gusto ko pero kasi...

Ahh letse! Hindi pwede! Hindi nga sya nanliligaw sakin tas hahalikan nya ako? Punyeta!

Wala ka namang sinabing pwede syang manligaw ah?

Eh hindi din naman nya tinatanong kung pwedeng manligaw ah?

Waaaaahahaha!!! Nagtatalo yung mga tanong sa utak ko!

Kasalanan mo 'to Jayvie!

"Oh ayos kalang?" Napaupo ako ng biglang pumasok sila Jayline at tanungin ako kaya dali dali akong tumango. "Ba't hawak hawak mo yang labi mo?" Tanong pa ni Jayline at sakto namang pasok ni Jayvie.

"Hinalikan ko kasi sya." SABAT NYA! "Ito yung inumin mo." Sabay abot nung tubig pero imbis na abutin ko yun ay sinamaan ko sya ng tingin!

"H-Hinalikan?" Naguguluhang tanong ni Jayline.

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now