Chapter 61

1.5K 50 1
                                    

Ella's POV

Nasa bahay kami ng biglang tumawag si Tristan na agad ko namang sinagot.

"Hello? Bakit?" alalang tanong ko.

"Adnyan ba si Jaline sa inyo? Kanina pa sya wala dito ang sabi nya bibili lang sya." Nag aalala ang boses na saad ni Tristan.

"Tinawagan mona ba?"

"Andito ang phone nya at tanging yung earpiece lang ang dala nya at yung eyeglasses." Sagot naman nya.

"Tawagan ko muna sila Abby baka saka--"

"Wala tinawagan kona sila, nag aalala nako don."

"Okay okay, pupunta kami dyan wag kang aalis." Sabi ko at binaba na nga ang phone. Agad akong lumabas ng kwarto at pinuntahan si Jay na buhat buhat si Ludwig.

"Bee, kailangan kong pumunta kila Tristan." Sambit ko at laking pag tataka nya.

"Bakit? May nangyari ba?" Alalang tanong nya.

"Kanina pa wala si Jayline sa bahay ni Tristan at walang dalang phone nag aalala na ako baka napano yun."

"Anak ka ng! Sasama ako."

"Wag na walang mag aalaga kay Ludwig."

"Andyan naman si Jema." Dahil nga di namin maiwasang may puntahan ay kumuha na kami ng pwedeng mag tingin kay Ludwig pero syempre sinigurado namin na may alam sya sa pag aalaga sa bata lalo na't dipa ganon kalaki si ludwig.

"Hays sige iwan mo muna don kay Jema." Tinawagan na nga namin si Jema at mabilis naman itong nakarating kaya ilang minuto lang ay umalis na kami.

Nasa biyahe na kami ng maisipan kong buksan ang earpiece ko at nabigla ako ng marinig ko ang boses ni Jayline kaya agad akong nag salita.

"Oh bakit? Asan kana? Kanina ka---".

"Shit Ella, tangina tumawag ka ng pu---" inaabangan kopa ang sasabihin nya pero wala! Biglang naputol ang linya nya,

"Sinong kausap mo?" Tanong ni Jay na nagmamadali sa pagmamaneho.

"Si Jayline mukhang nasa panganib sya! Buksan mo yung earpiece mo!" Natataranta nako pero nagawa ko padin itext ang iba na buksan ang earpiece nila.

Ilang segundo lang ng nagkakarinigan na kaming lahat.

"Tumawag si Jayline! Nakausap ko sya pero naputol agad ang linya at yung boses nya para syang nanghihingi ng tulong." Naiiyak na ako. Tinawagan ko si Jacob at sinabi ang nangyari kaya naman binigay ko sa kanya ang address ng bahay nila Triatan para don sya pumunta.

Nasa bahay na kami nila Tristan at ramdam ko ang matinding takot na bumabalot kay Tristan ngayon, hindi ko naman sya masisisi dahil ganon ang nararmdaman naming lahat.

"Anong gawin natin? Ni hindi natin alam kung nasan sya! Tangina naman Jayline!" Napahilamos nalang si Tristan sa sobrang pag iisip.

"Mahahanap din natin sya, nga pala san naka connect yang device?" Tanong ni Jacob.

"Sa phone ni Jayline." Sagot ko.

"Asan yung phone ni Jayline? Pwede natin mahack yun at malaman kung asan sya." Mapakunot ang noo ko. Tangina kaya pala noon ang dali nya kaming hanapin? Ang lintek talaga ni kupal Jacob.

May kinalikot sya sa phone ni Jayline at bengaa! nilapag nya yun sa lamesa at nakita namin ang pulang bilog na umiilaw at nakalagay nga don kung saan.

"lakeville?" Tanong ko.

"Gaya ng nakikita mo." pilosopong saad nya. tsk

"ano panghinihintay natin kailangan na natin syang puntahan." Bakas ang pagmamadali ni Tristan.

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now