Chapter 42

2.2K 100 0
                                    

Jayline's POV

"Babeeeeeeeeeeeeee!" Nagising ako sa sigaw ng lalaking mahal ako at mahal ko.

(Tangina! Ang sweet sarap tirisin amp! Hahahaha joke)

"Babeeee! Gising na!" Sigaw na naman nya kaya bumangon na ako at tumayo na para buksan ang pinto.

Pagkabukas ko bumalik ako para maghilamos at mag toothbrush. Umalis nadin kami sa dorm, kahit sila ate May ay umalis na. Tumira nalang sila sa mga sariling bahay nila.

"Kelan ka ba uuwi?" Tanong ko kay Tristan pagtapos ko sa banyo.

"Gusto mo bang umuwi na ako?" Nakangusong sabi nya.

"Tsk! OA mo! Hahahaha hindi ba pwedeng umuwi ka muna para makapag dala ka ng damit mo dito? Hindi yung inuubos mo yung damit ni kuya. Hahahaha" tumatawang sabi ko.

Pano naman kasi, ilang araw na sya dito natutulog at ang mga damit na sinusuot nya ay mga damit ni kuya. Hindi naman nagagalit si kuya dahil daw sanay na syang hiraman ng damit ni Tristan kapag samin sya natutulog noon.

"Tsk. Sa dami ng damit non, mauubos talaga?" Tanong nya pa.

"Hahaha, samahan na lang kita sa bahay nyo para kumuha ng damit tas balik tayo dito." Nakangiting sabi ko pa.

"Nakooo! Gusto mo lang ako masolo sa bahay ko eh." Kapal! Hahahaha. Hanggang sa nag almusal kami ay hindi na sya naka move on sa pang-aasar nya sakin na sosolohin ko daw sya kuno.

"Jayline, mamaya ah?" Mapang-asar ang tonong tanong sakin ni Tristan.

"Tsk! Bahala ka sa buhay mo! Mag-isa kang pumunta sa inyo." Bulyaw ko kaya tumatawa syang yumakap sakin.

"Biro lang eh." Pano naman ako matutuwa sa biro nya eh pati sila Ella inaasar na ako?

Kaqaquhan kasi.

"Biruin mo yang sarili mo, letse!" Bulyaw ko ulit.

"Sorry na." Nagpapa-cute na sabi nya habang nakayakap sakin.

"Ewan ko sayo." Kunwaring pagsusungit ko.

"Babe!"

"Babe mo yang mukha mo."

"Babe naman! Babe!!!! Aalis na nga ako bukas ganyan kapa?" Bigla kong naalala yung pag-alis nya at kung bakit nga ba sya aalis.

"Hoy! Usapan sasama ako, anong sinasabi mong aalis ka? Baka gusto mong pasabugin ko yang airport para lang hindi ka makaalis?" Taas ang isang kilay na sabi ko. Akala mo namang kaya ko eh. Hehehe

"Alam kong hindi mo kaya kaya naman..." Naputol ang sasabihin nya ng mapansin nyang masama ang tingin ko sa kanya. "I love you Babe." Bawi nya.

"I love you." Sabi ko at kusa syang hinalikan.

"Babe, kung ganyang inaaraw araw mo yung paghalik mo sakin edi sana magaling na ako." Bulong nya at natawa ako.

"Woy! Wag kang oa, magaling kana naman eh, sadyang magpapatingin ka lang dahil sa paninikip ng dibdib mo." Pagtatama ko.

"Babe, kulitin mo nga si Mom na wag na akong ipatingin sa states, nakakainis kasi eh." Nakangusong sabi nya.

"Siraulo kaba? Kahit ako gusto ko na sa states ka ipatingin." Sagot ko.

"Babe, ayos nga lang ako, sadyang kumirot lang yung puso ko nung iwan mo ko." Sabi naman nya.

"Sorry na, pero hindi mo ako madadaan sa pa-cute cute mo dyan, kailangan mo pading magpatingin sa doctor."

"Edi dito na lang ako magpapatingin." May point din naman sya. Bakit nga ba kailangan nya pa sa States mag patingin?

"Sige, tatawagan ko si Tita, sasabihin ko na baka kung pwedeng dito ka na lang ipatingin." Sabi ko kaya naman tumango sya.

"Nga pala, nakausap mo na ba si Dad?" Biglang tanong nya.

"Oo, nakwento na naman nya sakin yung nakaraan nila ni Mommy tsaka kung bakit ako nabuhay sa mundo." Nakangiting sabi ko. Hindi naman ako galit sa nangyari eh.

"Babe..." Tawag nya kaya tumingin ako sa kanya. Mukha naman syang timang na nakangiti sakin.

"Oh?"

"I love you." Sabi nya. Tangna araw-araw mo na lang ba akong pakikiligin?

"I love you too, Babe." Sagot ko. Hinalikan naman nya ang noo ko. Pabitin amp.

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENTS. THANKYAH! MUAH.


Short story, suri hehehehe


First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now