Chapter 9

3.8K 129 0
                                    

Jayline's POV

"Good morning." Nakangiting bati sakin ni ate May ng magising ako, kasalukuyang nakatagilid ako non kaya nginitian ko lang sya.

Umupo na ako at nag ipet ng isahan lang.

"Okay lang ba tulog mo ate Jayline?" Tanong naman sakin ni Francis.

"Hmm, ayos lang naman." Nakangiting sabi ko.

"Grabe, isang gabi na nating hindi nakasabay sa pagtulog si Abby... Miss ko na sya, lalo na yung pabango nya." At malakas na buntung hinga ang pinakawalan nya.

"Wag kang mag-alala panigurado akong iniisip ka nya." Si ate May.

"T-talaga??" Excited na tanong ni Francis.

"Oo naman."

Tumayo na ako at pumunta sa CR para umihi at maghilamos at syempre mag toothbrush nadin hehe.

Pagkatapos ko sa CR ng pagbukas ko ay nakita ko si Tristan sa harap mismo ng pinto at nagkatinginan kami kaya sobrang pagkailang ang namutawi saming dalawa na halos hindi ako makatingin sa mga mata nya at ganon din naman sya.

"Ano ganyanan na lang ba kayo dyan?" Walang ganang sabi ni Manuel kaya sinamaan sya ng tingin ni Tristan at saka naman ako lumabas ng tuluyan at umupo muna sa kama ko.

Maya-maya pa ay lumapit sakin si Francis at may ibinulong sya.

"Ate Jayline wag mo munang galitin si kuya Tristan kasi kakagising lang nya at kapag bagong gising yan sinisipon kaya wala sya sa mood makipag-usap." Mahabang bulong sakin ni Francis.

"Wala naman akong balak kausapin yun." Tinutukoy ko si Tristan don.

"Hehe buti naman." Si Francis.

"Oy! Anong binubulong-bulong nya ha?" Malakas na sabi ni ate May. "Hala sige! Mag ayos na kayo't mag bebell na at oras na ng almusal!" Dagdag sigaw nya pa!

Maya-maya lang at okay na ang lahat ng syang tunog ng bell at oras na nga ng pagkain ng almusal naiilang parin ako dahil sa dami ng taong nandito pero alangan naman sila pa ang mag adjust diba?
Nag dasal muna kami bago kami kumain.

"Kumain ka ng kumain Jayline kagabi kasi hindi ka kumain e." Si May.

HATSUNG! HATSUNG!!

Rinig na rinig ang pag hatsing ni Tristan kahit pa nakatakip na sya ng panyo!

Ganyan ba talaga yan pag bagong gising?

"Girls, tignan nyo oh may sipon na naman si Tristan."  Rinig kong sabi ng mga babae sa bandang kaliwa ko na malayo-layo rin naman samin! Diko alam kung sadya nya bang ipinaparingig yun e! Mga walang magawa tong mga to! Sarap sakasakin ng tinidor e!

"Tsk. Ano kaba Anne! Hindi ka pa nasanay e lagi namang may sipon yan pag bagong gising! Tignan mo maya-maya lang wala nayan!" Sabi naman ng kasama nya pang isa.

"Oo nga naman Anne!" At yung isa pa pero hindi ko na sila narinig pang mag usap dahil tumayo na sila at napansin kong marami naring taong tapos na dahil almusal nga lang pala ito kaya kumain nalang ako ng kumain at hindi na pinansin ang mga nag chichismisang mga babae!

Kababaeng tao chismosa!

"Tapos na ko." Walang gana at sinisipon paring sabi ni Tristan at tumayo na sya at tamang tamang patapos narin kaming lahat kaya tumayo narin kami at sumunod sa kanya papuntang kitchen kung san namin ilalagay yung pinggan na pinagkainan namin.

Pabalik na sana ako ng bigla akong mapaupo sa lakas ng pagkakabangga sakin at ang nakakainis pa don hindi man lang sya nag sorry kaya naman dali-dali akong tinulungan ni ate May.

First Kiss, First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon