Chapter 51

2.4K 66 0
                                    

Jayline's POV

Hindi kona hinintay si Tristan dahil mukha namang mainit talaga ang ulo nya. Umakyat na ako sa kwato ko at nahiga. Iniisip ko kung ano nga bang magagawa ko kay Samantha kapag nagkita kami.

Hindi ako natatakot.

Mag-uumpisa na sana ang mga mata kong bumagsak ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya agad akong tumayo at binuksan yun. Bumungad sakin ang mainit na pagyakap sakin ni Tristan.

"Babe.." Tawag nya.

"Hmm?."

"Pakasal na tayo." Malambing na saad nya kaya nanliit ang mata ko na tinignan sya.

"Problema mo ba?" Tanong ko na nakangiti pa. Sumimangot naman sya at mukhang sirang tumingin sakin.

"Ayaw mo bang magpakasal tayo?" Nakangusong tanong nya.

"Of course, gusto ko! Makikipag patayan ba ako sa kabit mong ahas kung hindi?" Tanong ko kaya naman natawa sya.

"Makikipag patayan din ako sa kabit mo kapag inagaw ka nya sakin!" Makasariling sambit nya.

"Talaga lang? Hahaha hindi ako aagawin non." Paniniguro ko.

"Dapat lang! Tsk! Kapag ingaw ka nya? Ibibilad ko sya sa arawan!" Seryosong pambabanta nya kaya natawa ako.

"Sira ulo!" Sabi ko at hinampas sya sa balikat.

Hindi sya sumagot at hinalikan lang ako sa noo. Ang sarap sa feeling nakakainis! Waahahahahaha!! Bakit ba? Eh mahal ko 'tong tao'ng to noh!

"I love you, matulog kana at papakasalan pa kita." Sabi nya at hinalikan na nga ako sa labi. Puwuwuwuwuwuwuta!

"I love you too. Matulog kana din at papatayin ko pa yung kabit mo." Pagbibiro ko kaya tinuktukan nya ako sa noo pero sobraaaaang hina lang yung tipong parang tinulak lang nya yung noo ko ng bahagya? Ganern!

"Gusto ko don matulog." Nakangusong sambit nya habang tinuturo ang kama ko.

"Magagalit si kuya." Bulong ko.

"Tsk! Magagalit pa sya eh sya nga nakabuo na." Angil nya at natawa ako.

"Hoy! Ano naman sayo kung nakabuo na ako?" Gulat kaming napatingin kay kuya na nakasandal sa pinto ng kwarto nya! Taena hindi ko sya napansin!

"Tsk! Totoo naman, hahahaha ipapaalam ko sayo kung pwede naba kaming bumuo---"

"Kasal muna!" Hindi nya na pinatapos ang sasabihin  ni Tristan.

"Kasal muna pero ikaw gawa agad bata? Ganon ba yun?" Pilosopong sumbat ni Tristan. Natawa ng bahagya si Kuya.

"Syempre, papakasalan ko na naman sya sa isang linggo--"

"Di nga?!" Nanlalaki ang mata kong sambit.

"Ne." Tumatawang sagot nya. "Bago sya manganak." Dugtong nya.

"Wahahahhaah! Congrats, oo nga pala bakit hindi ko nakitang nagpropose ka?" Tanong ko pa.

"Tsk! Kailangan ba alam mo? Syempre gusto ko unique, kami lang dalawa ang nakakaalam. Tsaka alam nyo nadin naman na papakasalan ko sya diba?" Tanong nya kaya tumango ako. Sabagay may point sya.

Pero nakakainis! Gusto ko pa naman makita si Ella kung pano ang sagot nya nung tinanong sya ni kuya!  At kung umiiyak ba sya? Hahahaha

"Tsk, diko manlang nakita." Pagtatampo ko.

"Hayaan mo babe, kapag nag propose ako sisiguraduhin kong hindi din nila malalaman." Tumatawang saad ni Tristan.

"Hoy! Wala ka bang originality!" Singhal ni Kuya Jayvie.

"HAHA HAHA HAHA! Iisipin ko paba yung originality na yan? Syempre ang mahalaga ikakasal kami!" Napatingin ako kay Tristan sa kanyang sinabi. Wala pa man pero halata mona sa kanya ang desedidong pakasalan ako.

I love you, Tristan.

"May point ka." Saad ni Kuya. "Ah! Basta! Ako ang Kuya kaya dapat sakin ka muna magpapaalam!" Maotoridad na dagdag nya.

"Ay, Dad ikaw ba yan?" Biro ko.

"Tsk! Seryoso ako! Nga pala, papauwiin ko sila Mommy bago ang kasal namin. Imbitahan mona lahat ng gusto nyong imbitahin." Sambit ni Kuya.

"Kahit sino?" Paninigurado ko.

"Ah, hindi. Nag bago isip ko." Seryosong saad nya na tila nababasa ang iniisip ko. "Hindi mo pwedeng isama ang dati nyong miyembro." Bigla akong natauhan. Yan din ang iniisip ko kanina kaya sinigurado ko ang sinabi nya kanina.

"Nagbago nadin naman sila." Lahad ang kamay na sabi ko.

"And so? Wala akong pake kung nagbago na sila. Para sa akin sila parin yung mga taong nanggugulo sa kung saan saan." Malamig na sabi nya.

"Kuya naririnig moba ang sarili mo? Sa sinasabi mong yan parang hindi nila kami ka-miyembro ni Ella!" Sumbat ko at natigilan naman sya.

Napatingin ako sa nagbukas ng pinto at kita ko si Ella na walang emosyon ang mukha.

"Ganon pala ang tingin mo sakin." Walang bahid ng tanong ang salita nya.

"H-Honey." Utal na tawag  nya kay Ella.

"Gangster, miyembro ng basag-ulo, laging nakikipag away kung san-san! Yun ba?!" Pati ako ay nabigla sa pagtaas ng boses ni Ella. Nakahawak sya sa ibaba ng tiyan nya na parang binubuhat.

"H-Honey, No!" Umiiling na sagot ni Kuya.

"No? Taena Jayvie! Narinig ko ang usapan nyo! Ang tingin mo sa ka miyembro ko ay isang basag-ulo--- don't touch me!" Sigaw ni Ella ng aambang hahawakan sya ni Kuya.

"H-Honey, I-I'm sorry. Hindi yun ang i-ibig kong sabihin, huminahon ka p-please." Pilit pinapahinahon ni kuya si Ella. Nagluluha na ang kanyang mata at namumula ang pisngi.

"All this time! Ganon pala ang tingin mo sakin eh dapat binuntis mo na lang ako at iniwan para magpaka sasa sa ibang babae!" Umiiyak na ngang sigaw ni Ella.

Lumapit na ako kay Ella at hinagod ang likod nya.

"Honey, alam mong hindi ko kayang gawin yun. Please Honey." Nakikiusap na saad ni Kuya.

"Pwes kayanin mo!" Matigas ang bawat salita ni Ella habang binabangit ang katagang yun. Lalo pa akong naguluhan ng hubadin nya ang singsing na nasa daliri nya at bahagyang ihagis yun sa pwesto ni kuya tsaka umiiyak na pumasok sa loob ng kwarto. Napatingin ako kay Tristan na mukhang nag-aalala sa kalagayan ng kaibigan.

"Honey! Buksan mo ang pinto, please naman oh? Honey!" pilit ang tawag nya kay Ella.

Napahawak  si kuya sa kanyang noo at napahilamos. Hindi ko alam ang dapat gawin.

"Ako na lang muna ang kakausap sa kanya." Saad ko. Hindi na sya sumagot at napaupo na lamang sa gilid ng pintuan.

"Bro, tara na. Hayaan na natin muna si Jayline na kausapin si Ella, malay mo naman ay dala lang yun ng pagbubuntis nya." Bigay ang pag-asa na sambit ni Tristan.

"Kaya nga naman, sige na. Kausapin ko muna sya." Sambit ko ulit. Tinulungan na ni Tristan si Kuya na tumayo at bumaba.


Kumatok na ako at tinawag sya, sandali lamang ay bumukas na ang pinto kaya pumasok na ako at kinausap sya.

First Kiss, First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon