Chapter 45

2.3K 77 0
                                    

Jayline's POV

Naranasan nyo na bang masaktan? Kasi kung oo, eh congrats dahil naging totoong tao na kayo!

Yung sakit na doble? Naging triple at nagiging mas malala pa don! Parang masusuka ako sa narinig ko kanina. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko na break na kami. Ang alam ko lang, tama yung ginawa ko.

Sa tingin ko ay tinadhana talaga ng tadhana na bumalik ako sa pagiging qaqo. Yung buhay ko dati na walang kahit na sino ang pwedeng manakit sakin bukod sa pamilya ko. Malapit na akong mawalan ng pag asa noon. And the worst part.... No one know how close I am to drawning..

Bibigay na ako nung panahon na yun pero nanatili sa tabi ko si Ella. Si Ella na naging malapit ko ng kaibigan at kapatid.

Wala ako sa wisyo na nakapunta sa park. Dito ako tumambay nung time na umuulan at wala pa akong ALAM.

"Hey!" Napalingon ako ng may tumawag sakin.

Ang lalaking maputi. Tsk.

"Are you okay?" Tanong nya sakin matapos umupo sa tabi ko.

"Yes." Tanging sagot ko lang.

"I think... No." Tinignan ko sya, nagkatinginan pa kami bago ko inalis ang paningin ko sa kanya. Wala na akong gana. Ganang mabuhay...

"Hey, Black.. You look pale." Hindi ko alam pero parang naramdaman ko ang pag-alala nya.

"Im okay." Tinignan ko pa sya para ipakita na ayos lang ako.

"Umiyak ka noh?" Tanong pa nya, halata ba? Tsk. Iniyakan ko kasi ang malapit ng mamatay.

Damn.

"Alam mo, tuwing nakikita kita kung hindi ka umiiyak ay tulala ka naman." May halong dismaya na sabi nya. Tsk parang dalawang beses pa lang akong pumunta dito akala mo namang araw-araw.

"May problema lang ako." Pag oopen up ko sa kanya. Never kong ginawa to.

"Mukha naman eh." Sabi nya.

"Nagka girlfriend kana ba?" Tanong ko kaya naman agad syang tumingin sakin.

"Yes, but hindi ako sineryoso kaya feeling ko landian lang." Sagot nya. Para namang hindi sya nasasaktan.

"Buti kapa.." Sagot ko na ikinakunot ng noo nya.

"Buti pa ako? Tsk. Anong mabuti don?" Natatawanng tanong pa nya.

"Buti ka pa na feel mo na hindi sya seryoso... A-Ako kasi f-feel ko naman na m-mahal nya a-ako pero... Pero w-wala eh. Sadyang nagloko padin." Pilit ang ngiting sabi ko.

"Alam mo, kung may hindi kayo pagkakaintindihan pag-usapan nyo ng masinsinan. Nagbigay naba sya ng rason kung bakit nya nagawa yun?" Tanong nya at umiling ako. "See? Then kausapin mo sya at tanungin mo kung ano bang problema sa relasyon nyo. Then kung hindi padin maayos edi tapos, break up with him. Kesa naman magtagal kayo sa relasyong wala ng patutunguhan, yung tipong tumatagal lang ang relasyon nyo dahil sa araw na pinapalipas nyong hindi kayo nagkikita o nag-uusap.." Mahabang paliwanag nya. Sabagay may point sya.

"Thanks.." Nasagot ko na lang. Ngumiti naman sya.

"Nga pala, okay lang ba kung yayain kita sa bahay? Birthday ng kapatid ko baka gusto mong sumama?" Nagdadalawang isip ako kung papayag ba ako o hindi.

"Saan ba ang bahay nyo?" Tanong ko at tinuro naman nya ang tapat ng parke.  "Seriously?" Natatawang tanong ko.

"Yes. Hahahaha kaya nga sa twing andito ka ay nakikita kita." Paliwanag nya. Tsk kaya pala, akala ko naman coincidence lang lahat ng to.

First Kiss, First LoveΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα