Chapter 43

2.2K 88 0
                                    


Jayvie's POV

DALAWANG TAON.

DALAWANG TAON na simula nung maging kami ni Ella. Hindi ko lubos maisip na umabot kami sa gantong sitwasyon. Noon lagi akong naiinis na sa mga kadaldalan nya, sa kakulitan nya pero sino nga bang mag-aakala na kami palang dalawa ang magkakatuluyan? Miski si author di inakala eh. By the way, masaya kami ngayon. Kahit laging maingay sa bahay dahil sa mga madadaldal na babaeng 'to. Paminsan-minsan din ay dumadalaw sila May at Manuel dito para bisitahin sila Jayline at Tristan. Actually dito na ata balak tumira si qaqong Tristan dahil daw ayaw nyang mawalay sa kapatid ko. Tsk napaka oa, Sarap butasin yung puso eh. Hahahahahahaha! Syempre joke lang.

Sinamahan namin si Tristan na magpatingin sa doctor dahil sa nararamdaman nya sa puso nya, okay naman daw at normal lang ang nararamdaman. Nakakainis lang minsan dahil napaka oa nya, lagi nalang nagseselos sakin lalo na kapag nagtawanan kami ni Jayline. Kalalaking tao eh napaka seloso.

"Bee." Napalingon ako sa likod ko ng tawagin ako ng babaeng minamahal ko. Tsk

"Hmm, Honey?"

"Nahihilo ako." Nakangusong sabi nya habang naglalakad papunta sakin. Kumandong naman sya sakin pero sakin sya nakaharap.

"Bakit? May sakit kaba?" Nag-aalalang tanong ko at agad ko naman hinipo ang noo nya. "Hindi ka naman mainit ah?" Sabi ko.

"Kanina pa ako nahihilo eh." Sabi nya, binuhat ko naman sya at ini-upo ng maayos sa kama pero humiga sya.

"Kukuha kita ng gamot, gusto mo?" Tanong ko pero umiling sya.

"O baka naman hindi kapa nakain?"

"Kakakain ko lang ng cookies kanina." Sagot nya. Kumunot ang noo ko ng bigla syang tumayo at tumakbo papunta sa banyo. Tangna.

Sinundan ko sya at lalo akong nagtaka ng sumuka sya pero kaka-unti lang. Para lang syang naduwal na ewan.

T-Teka, n-naduwal sya? Nahihilo din sya? FVCK!

"B-Buntis ka?" Patanong na sabi ko kaya pinandilatan nya ako ng mata tsaka nagkibit balikat at lumabas. "Honey, delayed ka last month diba?" Tanong ko pa. Nagulat ako ng tumingin sya sakin at nagluha ang mata.

"Waaaaaaaaaaa! Bee, huhuhu! Diko alam, anong gagawin ko? Huhuhu." Ngumangawa na sabi nya. Pinigilan ko naman ang sarili kong matawa. Tang*na para syang batang inagawan ng laruan.

"Shh.. Tahan n---"

"Fvck! Anong nangyayari?!" Hindi ko na tapos ang sasabihin ko ng biglang pumasok si Jayline kasunod ang kanyang Battalion. Tsk.

"Hoy! Jayvie anong ginawa mo?!" Tarantang tanong ni Mommy, nyeta!

Ngumangawa padin si Ella kaya hindi ko ma-explain sa kanila kung ano nga bang meron.

"Mom, she's okay." Pag-iintindi ko pero hindi  nila ako pinapansin at tutok lang sa pagpapatahan sa umiiyak padin na si Ella.

"Mom!" Tawag ko.

"Shut up! Ano ba kasing katarantaduhan ang ginawa mo't umiiyak si Ella?!" Pagpapagalit ni Mommy! Tangna namaaaaaaaaan.

"Mom, wala akong gin----"

"Titaaaa, b-buntis po ata ako.." Sabat ni Ella na pumiyok pang nagsalita habang umiiyak.

"W-What?" Tanging nasambit lang si Mom.

"Fvck." Si Jayline. "Are you fvcking serious?" Tanong pa ni Jayline. Medyo tumahan na naman si Ella.

"I don't know, two months na akong delay at hindi ko alam kung bakit, nahihilo at naduduwal din ako." Nakayukong sagot ni Ella.

Kasalanan ko 'to eh, kung hindi sana ako nagpadalos dalos hindi sana magiging ganto ang nangyayari.

"Tsk, two months? Ha! Kaya pala naabutan kita nung isang araw na nasuka sa lababo? Jusme, akala ko wala lang kaya diko binigyan ng pansin. But congrats, hehehehe." Napatingin si Ella ng sabihin yun ni Jayline. Tsk kahit kelan talaga may pagka-bungol din tong kapatid ko eh.

"May balita din po ako." Napatingin kami kay Tristan na nakaupo lang sa isang tabi at nakataas pa ang kamay para mapansin.

"Ano yun, Tristan?" Si Mommy.

"Buntis din po kas---"

"Hoy! Jayline anong kabalastugan yan!" Hindi kona sya pinatpos, nanlaki naman ang mata ni Jayline na tumingin sakin.

"Ano? Hindi ako buntis!" Nakakunot noong sigaw nya.

Tumingin naman kami kay Tristan na ngayon ay tumatawa. ----________----

"Hindi kasi marunong maghintay. Tsk. Tsk." Iiling-iling pang sabi ni Tristan.

"Tsk. Ano ba kasi yun?" Tanong ko.

"Ang sasabihin ko kasi, buntis din po kasi yung aso sa kapit-bahay." Pagtatapos nya.

"Sira ulo ka! Kung ano-anong nasasagap mong balita! Lumayas ka nga sa harap ko!" Biro na sabi ko.

Nagtawanan naman kami. Dun ko nakalimutan ang namomroblema ngayon na si Ella. Tsk bakit kasi pino-problema yung bata eh kaya ko naman silang buhayin? Tsk.

"Honey, wag ka ng umiyak dyan, papakasalan kita." Seryosong sabi ko. Tumayo naman sya at yumakap sakin. "I love you, Honey." Bulong ko.

"I love you too, bee." Lalo kong hinigpitan ang yakap ng sabihin nya yan. Hindi ako nagkamali na minahal kita, tsk.


PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! THANKYAH! MUAH!









First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now