Chapter 17

3.4K 109 1
                                    

Tristan's POV

Lumabas kami ng room para makapag-usap si May at Jayline.

Hindi ako mapakali sa sobrang pag-iisip kung ano nga ba ang pinag-uusapan nila.

"Tristan huminahon ka nga!" Inis na bulyaw ni Manuel dahil sa pagpapaikot ikot ko.

"Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila." Sagot ko tsaka ako umupo sa bench sa field.

"Malamang! Wala ka naman dun e." Sarkastikong sabi nya kaya tinignan ko sya ng masama.

'Wala ka talagang kwentang kausap!'

Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil gusto ko ng pumasok sa loob! Tsk!

"Baka kung ano ng tinatanong ni May kay Jayline e! King ina talaga!" Bulalas ko!

"Tsk! Kung huminahon ka kaya muna? Edi sana hindi ka nakakapag-isip ng ganyan?"  Mataray na tanong pa ni Manuel pero hindi ko na sya pinansin.

"Kuya Tristan. May gusto kaba kay ate Jayline?" Biglang seryoso at diretsong tanong ni Francis. Kahit ako ay natigilan sa tanong nya at napatingin.

"Oo. Gusto ko sya." Seryoso ding sagot ko at tumango-tango lang sya na iniiwas na ang paningin sakin.

"Sana naman ay hindi mo sya masaktan ngayon Tristan." Biglang buntong hiningang sabi ni Manuel.

"Hindi ko sya sasaktan."

"Sana nga."

Ilang sandali pa ang itinagal namin duon at kating kati na akong pumasok sa loob kaya nakumbinsi ko sila Manuel na pumasok na kami at ang loko--hindi rin nakatiis at pumasok na nga kami.

Pagpasok namin sa room ay naabutan kong umiiyak si Jayline habang nakahawak naman si May sa balikat ni Jayline at hinihimas ito.

"Wag ka ng umiyak." Pagpapatahan pa ni May kay Jayline

Lumapit naman kami na syang tahimik ni Jayline sa pag-iyak subalit rinig padin ang paghikbi nya.

"Tumahan kana dyan. Masyado ka ng namumula sa kakaiyak mo." Singit ko sa usapan kaya naman pati ang hikbi nya ay tumigil nadin.

Huminga sya ng malalim at tsaka tumingin sakin paraan para makita ko nga ang namumugtong mata nya. Kagaya ng sabi ko--namumula nga sya. Ang buong mukha nya ay mapula.

"Okay na ako." Malumanay na saad nya.

"Ate Jayline, drink it." Singit ni Francis na may hawak ng tubig na ibinibigay nya kay Jayline.

"Thank you Francis." Sagot naman ni Jayline na ininom din agad ito.

"Your welcome ate." Si Francis.

"Mag pahinga kana muna." Saad ko patungkol kay Jayline ngunit hindi nya manlang ako tinignan.

"Jayline!!" Sigaw sa pangalan ni Jayline mula sa labas ng room namin kaya agad kaming tumayo at lumabas sa room namin.

First Kiss, First LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora