Chapter 29

2.8K 90 2
                                    

Third person point of view

Ilang oras din ang lumipas at hindi parin masyadong okay ang pakiramdam ni Jayline dahil inaalala nya ang kaibigan nyang si Ella.

"Jayline wag ka ng mag-alala sa kanya. Anduon naman ang kuya mo diba?" Pilit pinapalakas ang loob ni May.

Nag-aalala padin sya kay Ella..

-------

"Jayvie, naka-usap mo na ba si Jayline?" Tanong ni Mary kay Jayvie na ngayon ay tulala padin dahil sa sinabi ni Jayline kanina.  "Uy Jayvie!" Muling sabi ni Mary na inugoy pa ang nagulat na si Jayvie. "May problema ba, anak?" Tanong ni Mary ng mahalatang malalim ang iniisip ni Jayvie.

"M-May iniisip lang, Mom." Sagot ni Jayvie.

"Ano bayang iniisip mo't natutulala ka?" Taas ang kikay na tanong ni Mary.

"Nothing, Mom."

"Suuus! Nagtatago ka ng sikreto sakin?"

"N-No, I'm just worried."

"Kanino? Kay Ella?"

"Ye--- No.. Kay Jayline, of course." Nakakalitong sabi ni Jayvie.

"Kay Jayline? Why?"

"Baka kasi umuwi sya dito, eh diba kakauwi nya lang sa Philippines?" Panay ang palusot na sabi ni Jayvie.

Isang linggo....

Isang linggo ang lumipas, nakalabas nadin ng hospital si Ella at hindi inaasahan ni Jayvie na gagawin nga nya ang sinabi ni Jayline na bantayan si Ella hanggang sa ito'y gumaling.

-----------------

Jayline's POV

"Good morning." Nakangiting bati sakin ni Tristan pagmulat ko. Ang ganda ng gising ko. :)

"Hmm. Good morning." Syempre binati ko din sya ng nakangiti. Pogi talaga ng lalaking to! Kainis!

"Tsk. Kayo lang ba magbabatian ngayon?" Nakangusong sabi ni ate May. Nagulat sya ng biglang sumulpot si Manuel sa likudan nya at halikan sya sa pisngi. "Hoy ikaw ah! Umaabuso ka!" sigaw ni ate May na tumayo na din. Niyakap nila ang isa't isa.

"Naiinggit kaba?" napatingin ako sa nagsalitang si Tristan. Baliw!

"Hindi." sagot ko na umiling pa. Sumimangot naman sya na ikinakunot ng noo ko. "Why?" tanong ko.

"Akala ko naiingit ka eh, gagawin ko pa naman sana yun sayo." Bigla akong natawa sa inasal nya. Tsk abno ka talaga Tristan.

"Ayoko kasing manggaya tayo sa ibang magkarelasyon, gusto ko iba tayo sa kanila." nakangiting bawi ko at ngumiti naman sya ng malawak na parang may qaqaquhang nasa isip. "Bakit nanaman?" tanong ko dahil ayaw mawala ng ngiti nya sa labi.

"Sabi mo kasi ayaw mong gumaya tayo sa ibang magkarelasyon?" tanong nya at tumango naman ako. "Ibig bang sabihin nyan...." lalo pang lumawak ang ngiti nya! Iba talaga ang pagiisip nya sa iniisip ko. Tsk. Tsk. Tsk!

"Ano?!"

"Tayo na?" sabi nya at ako naman ang natawa.

"Galing mo din eh noh?" sabi ko na ikinawala ng ngiti nya.

"Why?" naguguluhang tanong nya.

"Abuso ka, hindi ka pa nga nanliligaw eh!" sabi ko.

"H-Hindi pa ba?" tanong nya kaya tumango ako. "Edi liligawan na kita simula ngayon." balik ang ngiting sabi nya kaya napangiti ako.

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now